You are on page 1of 2

Name: CORTEZ PRINCESS ANNE B.

Section Code: BSED ENGLISH 1B


FIL31
Aralin 9: Polygamy: Maikling Saliksik

KONSEPTO NG POLYGAMY PARA SA MGA MUSLIM

Batay sa aking nabasa sa Poligamya sa Islam ang polygamy sa mga muslim ay ang pag aasawa ng
Muslim na lalaki ng hanggang apat na babaeng muslim sa isang pagkakataon. Pinahihintulutan ng Islam
ang mga lalaki na makisali sa poligamya ngunit kailangan niyang sumunod sa batas na kung gugustuhin
niya ng mahigit sa isa pang asawa kailangan niyang bigyan ang mga ito ng pantay pantay na pagtrato
hindi lamang sa asawang babae kundi ganon nadin sa mga magiging anak nito. Kung ang lalaki ay hindi
kayang magbigay ng sapat at patas na pag trato sa mga maaari niyang maging asawa siya ay hindi
pinahihintulutan na mag asawa ng higit pa sa isa. Gayunpaman, ang bilang ng mga asawa na maaaring
magkaroon ng isang lalaki sa Islam, kung pipiliin niyang makisali sa poligamya, hindi dapat lumampas sa
apat sa isang pagkakataon. Ang Islam ay hindi lumikha ng polygamy. Ang poligamya ay umiral sa iba't
ibang antas sa iba't ibang bahagi ng mundo, sa magkakaibang kultura bago lumaganap ang Islam. Ang
poligamya ay kaugalian ng mga Hudyo, mga Kristiyano, Budista, at mga Arabong bago ang Islam, siguro
iba din. Ang ginawa ng Islam ay ang pag-oorganisa ng poligamya, at limitahan ito sa apat na asawa sa
ilalim ng mahigpit na mga tuntunin ng hustisya.Mayroong, meron pa, at may mga taong maling gamitin
ang ibinigay sa kanila. Sa mga kasong iyon, maling sisihin ang awtoridad o ang nagbibigay. Sisihin ang
taong maling ginagamit ang ibinigay sa kanya. Ang taong maling gumamit ng polygamy ay mananagot.

Ang Qur’an ay ang tanging banal na aklat, sa balat ng lupa, na naglalaman ng kautusan na “Mag-asawa
ng isa lamang.” Maliban dito, walang iba pang banal na aklat na nag-uutos sa lalaki na mag-asawa ng isa
lamang.Wala ni sa mga aklat ng Vedas, Ramayan, Mahabharat, Geeta, Talmud, o Bibliya na naglalaman
ng “paglilimita (limit)” sa bilang ng maaaring pangasawahin ng lalaki.Sa ibang salita, ayon sa mga aklat
na ito, ay ang isang tao ay pwedeng mag-asawa ng kahit ilang beses. Pagkatapos lamang na marami at
matagal na panahon bago gawin ng mga Pari, Pastol, o Iskolar ng mga Hindu at Kristiyano na isa (1)
lamang ang pwedeng pakasalan ng isang tao.Marami sa mga relihiyosong personalidad sa Hindu, ayon sa
kanilang mga kasulatan, ang mayroong maraming mga asawa. King Dashrat, ang tatay ni Rama, ay may
higit pa sa isang asawa. Si Krishna ay may marami ring asawa.Noong mga unang panahon naman, ang
mga lalaking Kristiyano ay pwedeng mag-asawa ng kahit ilang asawa na gustuhin nila, dahil sa ang
Bibliya ay walang nabanggit na limitasyon sa bilang ng pwedeng pangasawahin. Sa mga nagdaang siglo
lamang nagsimula na ang Simbahang Kristiyanismo ay nag-utos ng isang asawa lamang.

REPLEKSYON/OPINYON
Para sa akin nirerespeto ko kung ano man ang paniniwala ng mga muslim dahil iba-iba naman tayo ng
paniniwala at pinaniniwalaan, kahit pa mali sa mata ng diyos natin ang kanilang tradisyon at paniniwala
ay wala tauong magagawa kundi respetuhin sila at ang kanilang mga tradisyon. Ngunit mayroon din sa
loob ko na dapat ay alisin na ang polygamy dahil parang tinatanggalan ng karapatan na magmahal ang
babaeng muslim dahil nga hindi kabilang ang pagmamahal sa nararapat ibigay ng lalaki para sa mga
magiging asawa nito, hindi ba mas masarap mag asawa kapag mahal mo ang iyong papakasalan at alam
kong masakit din sa mga babaeng muslim kung ang kanilang asawa ay mag aasawa pa ng iba. Nawa sa
mga susunod na henerasyon ay mawala na ang batas na ito upang magkaroon na ng karapatang maghamal
ang sino man sa mga muslim.

Reperensiya/Bibliyograpiya
Poligamya sa Islam - Gabay sa Pag-aasawa ng Muslim
https://www.muslimmarriageguide.com › ...

You might also like