You are on page 1of 3

Ang Pag-aasawa sa Islam: Mga Kondisyon sa Kasal

Martes, Disyembre 2, 2014

Tradisyon ng Islam: Mga Kondisyon sa Kasal

MGA KONDISYON SA KASAL

Ang pagpapakasal ay importante sa buhay ng muslim. Ito ay sinasabi na deklarasyon ng paniniwala sa


Islam. Bilang muslim, dapat ay mabuhay sila aling sunod sa Islamic Jurisprudence tulad ng banal na
Propeta na si Muhammad na nagpakasal rin at iniinganyo ang mga muslim na gayahin siya. Sinabi ng
Propeta nila na si Muhammad: ang taong may kakayahan na magpakasal at ginawa ito ay isa sakanila
pero ang taong may kakayahan pero hindi nagpakasal ay hindi tagasunod. Turo rin ng propeta na may
tatlong bagay na dapat hindi ihuli. Ang mga ito ay tungkulin tulad ng pagdadasal, pagdadal sa lamay at
ang pagpapakasal pag nahanap na ang kaniyang kabiyak. Ito ang mga turo at payo na dapat sunurin para
masabi na isang totoong taga sunod ang isang tao. Sa Quran, ang bilin ni Allah ay magakasal at dahil ito
ay nasa mahiwagang libro nila, ito ay isang obligation.

Pero bakit ito kailangan sunurin?

Dahil ang pagpapakasal sa Islam ay nagpapabuo sa pagkatao dahil magiging responsable sila. Nagiging
organisado ang kapaligiran ng isang tao dahil nagkakaroon sila ng landas na dapat sunurin. Masasabi
mula dito na ang pagpapakasal ay nagaayos ng buhay. Ang kasal ay tumutulong rin na pangalagaan ang
iman ng isang muslim dahil pag kinasal ang isang muslim, siya ay mapipigilan gumawa ng mga kasalanan
na pakikihalubilo sa kabaliktarang kasarian at ang pagiging homosexual.

Mula sa mga nabangit masasabi natin, ang pagpapakasal sa Islam at Kristyano ay magkaiba. Ang mga
Kristyano ay nagpapakasal dahil sa pag-ibig at naniniwala sila na si Hesus ay ang centro ng kanilang
relasyon habang ang mga muslim naman ay nagpapakasal dahil ito ay aling sunod sa kanilang paniniwala
at sa turo ng propetang Muhammad at ni Allah. Ito ay importante sa kanilang buhay bilang muslim.
Pero hindi lang basta basta ang pagpapakasal sa Islam. Mayroon itong mga kondisyon na dapat sunduin.
Ang unang kondisyon ay ang pagsang-ayon ng lalaki at babae. Hindi sila dapat pilitn sa hindi nila iniibig o
gusto. Ang pangalawang kondisyon ay ang pagkakaroon ng dalawang saksi na makatarungang lalaking
Mislim o higit pa. Dapat sila ay mapagkakatiwalaan at maiwas sa mga malalaking kasalanan. Ang
pangatlong kondisyon ay ang pagbigay ng Mahr. Ito ay ang regalo ng lalaki sa babae. Pwede ito maging
salapi o hindi materyal na bagay tulad ng pagturo sa babae na magbasa ng Quran.

Bukod pa dito, may mga kailangan pa sunurin upang matuloy ang kasal. Dapat kasama ang legal na
tagapangalaga ng babae na tinatawag nila bilang wakeel, kailangan ng nakasulat na kontrata ng kasal
(aqd-nikah) na may pirma ng babae at lalaki. Dapat ay may saksi na matatanda habang pinipirmahan ito.
Kailangan din ng hukom (Qadi) o Ma’zoon na tiga tupad ng seremonya at ang huling kailangan ay ang
Khutba-tun-Nikah para ipagdiwang ang kasal. Ito ay isang sermon na binibigay ng Ma’zoon o Qadi.

Ang pagpapakasal sa Islam ay mahalaga dahil tinutupad nito ang turo ni Allah. Ang pangunahing layunin
ng pagpapakasal ay para magkaroon sila ng kasama na pang habang buhay, para magmahalan, gumawa
ng pamilyang sarili at para mabuhay ng mapayapa at katahimikan sa mg utos ni Allah. Ang pagpapakasal
ay aling sunod sa Ibadah dahil ito ay ang pagsunod kay Allah at ang kanyang Propeta. Ito ay
nagpapatunay na isang tiga-sunod ni Allah. Sa pamamagitan ng kasal, nasisigurado rin ang pagkatugma
ng lalaki at babae. Ang kanilang hinaharap ay magiging maayos dahil sa mga kondisyon na inalahad at
tinatama ng kasal ang kapaligiran nila, masasanay sila mabuhay sa piling ng isa’t isa na nagtutulungan.
Ang kasal ay tumutulong din na protektahan ang imaan (paniniwala) nila dahil sa kasal, hindi na sila
makakagawa ng mga kasalanan dahil magiging responsable na sila at pilit nilang susunurin ang turo ng
Propeta at ni Allah.

Kaya nagkakaroon ng mga kondisyon sa pagpapakasal sa Islam ay dahil gusto nila masunod ang turo ni
Allah. Ag pag-ibig na mabubuo ay isang banal na regalo galling kay Allah. Ang kasal ay makakatulong
para maprotektahan ang Imaan (pananampalataya) nila dahil naniniwala sila na ang pag-ibig na walang
obligasyon sa relihiyon ay hindi totoo. Ang pagmamahalan na kinikilala ng Islam ay ang totoo at para ito
ay maipahayag at mangibabaw, dapat ay maprotektahan ito ng batas ng Islam.

You might also like