You are on page 1of 28

DISKRIMINASYON

SA KASARIAN
KASARIAN AT ANG
PAMILYA
UNAWAIN MO ITO
Naaksidente ang isang lalaki at ang kanyang
anak, malubha ang lagay ng bata. Kaagad silang
dinala sa ospital, ngunit nang operahin na ang
bata nagsalita ang lalaki sa doktor at sinabing
“hindi mo yan maaring operahan dahil anak mo
siya.”
BAKIT IYON NASABI NG LALAKI?
s
Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bigyan sila
ng lapis, pentel pen at isang piraso ng Manila
Paper. Bigyan ng 10 minuto ang bawat grupo
upang iguhit ang isang eksena na
nagpapakita ng isang pamilya habang
ginagawa ang kani-kanilang gampanin sa
tahanan.
Ipapaliwanag ng isang
miyembro ang ang resulta ng
gawain.
Ang pamilya ay grupo ng mga
tao na nakatira sa iisang tahanan
mula sa iba’t ibang kasarian na
pinagbubuklod ng kanilang relasyon
sa isa’t isa batay sa dugo o ayon sa
batas na sumasakop dito.
Maging sa tahanan nararamdaman
ang epekto ng Gender Roles.
Karaniwang ibinibigay ang ang mga
mabibigat na trabaho sa mga lalakeng
miyembro ng pamilya, at ang ang
magagaan naman ay sa mga babaeng
kasapi ng pamilya.
Ang pamilya sa Pilipinas ay
karaniwang nasa pamumuno ng ama
kung kayat itinuturing itong
Patriyarkal.
Umiiral din ba ang
diskrimasyon sa kasarian sa
loob ng isang pamilya?
Mga Paniniwalang Kultural na na may Kinalaman sa
Kasarian at Pamilya.
1. Importante ang anak na lalake dahil ito ang
magdadala at magpapasa ng pangalan ng
pamilya sa susunod na henerasyon.
2.Hindi na dapat magpakadalubhasa sa pag-
aaral ang babae dahil nasa bahay din lang
ito kung ito ay mag-aasawa.
3. Pamilya ng lalaki ang dapat na gumasta kung
may ikakasal.
4. Pamilya ng babae ang dapat na gumasta kung
may ikakasal. (hal. India)
5. Sa panganay na anak na lalake o sa bunsong
anak na lalake karaniwang ipinapamana ng
magulang ang mga mahahalagang ari-arian
tulad ng bahay.
Sa kabuuan ang diskriminasyon sa kasarian ay
isang suliranin na kinakaharap at nararanasan lalo
na ng mga kababaihan at mga miyembro ng LGBT.
Nangyayari ito sa ibat’t ibang lugar at panahon. Ang
ating pamahalaan ay gumagawa na rin ng mga
hakbangin tulad ng paggawa ng mga batas upang
mabigyan ng proteksyon ang mga itinuturing na
kabilang sa Weaker Sex.
Ang panlipunang karapatan ng mga
taong kabilang sa LGBT Community ay isang
mainit na usapin. Maraming mga tao na
nasa Third Sex kung tawagin ay
humuhikayat sa mga namumuno sa ating sa
pamahalaan ang ibigay na sa kanila ang mga
karapatang tinatamasa ng mga normal na
babae o lalake.
EBALWASYON

Sa paanong paraan ka
makakatulong upang maibsan ang
suliranin ng Diskriminasyon sa
Kasarian sa lipunan na iyong
ginagalawan? Ipaliwanag.

You might also like