You are on page 1of 20

Ang pagiging isang tunay na

pinuno ay nagpapakita ng
mabuting halimbawa,
makatarungan, at may
paninindigan sa mga wastong
gawi.
Anong mga katangian ang
dapat taglayin ng isang mabuting
pinuno ng bansa?
REYNANG MATAPAT
Maikling Kuwentong
Mindanao
Pokus na tanong:
Paano nakatutulong ang
maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa
pag-unawa ng isang akda?
Talasalitaan:
Piliin ang kasingkahulugan ng sumusunod na salita
sa hanay A at gamitin ito sa isang pangungusap.
A B
1. Dinarayo— A. alituntunin
2. Lumalabag--- B. pinupuntahan
3. Sagana---- C. nalaman
4. Patakaran--- D. sumusuway
5. Naipabalita---- E. marami
F. nakita
Reynang Matapat
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno
ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya
dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan, at sa
mahigpit at maayos na pamamalakad sa
panunungkulan.
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa
ating kapuluan ay dinarayo na ng mga
mangangalakal na Arabe, Tsino, at Hindu ang
kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni
Reyna Sima. Ang Kutang- Bato ay siya ngayong
Cotabato , isa sa pinakamalaking lalawigan sa
Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at
namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga
Kutang-Bato.Mahigpit na ipinasunod ang mga
batas at ang sinumang lumabag sa ipinag-uutos ng
Reyna ay pinarusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit na
ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang at
katapatan ng kanyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga
negosyanteng Tsino sa kaharian ng Kutang-
Bato.Naipabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan
sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng
kanyang mga mga tauhan.
Minsan isang negosyanteng Tsino na
nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang
nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa
palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot
ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng Reyna
Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang
gagalaw ng naturang supot ng ginto.
Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa
kanyang nasasakupan upang sa ganito ay
muling datnan ng may-ari sa lugar sa
kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni
Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa
pagpapatupad ng kautusan tungkol sa
katapatan.
Sanggunian: http://www.pinoyedition.cpm/
Maikling-kuwento/reynang-matapat
1.Ano-ano ang mahigpit na
ipinag-utos ni Reyna Sima sa
kaniyang mga tauhan?
2.Ano ang naging epekto
ng mga ipinag-utos ni
Reyna Sima sa kaniyang
lalawigan?
3.Paano pinatunayan ni
Reyna Sima ang kaniyang
pagiging isang mabuting
pinuno?Ipaliwanag ang
sagot.
4.Kung ikaw si Reyna
Sima,ano ang maaari mo
pang maging panukala sa
iyong nasasakupan upang
higit pa itong umunlad?
5. Sa iyong palagay, ano ang
maaaring maging dahilan ng
pagiging tapat ng
nasasakupan ni Reyna Sima?
Isalaysay sa wastong
pagkakasunod-sunod ng
mga mahahalagang
pangyayari sa akda.
(Pangkatan Gawain)
Panuto:Ayusin ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring nasa larawan at
isalaysay ito.
Kalakip ang Rubric sa bawat Gawain
1.Ano ang pangunahing mensahe ng
maikling kuwentong “REYNANG
MATAPAT”?
2.Naniniwala ba kayo na sa
kasalukuyan may mga pinuno pang
lubos na katapatan tulad ni Reyna
Sima sa akda?
Paano nakatutulong ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pag-unawa ng isang
akda?
Panuto:Ayusin ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang akda.
(Pangkatan Gawain)
Rubrics ng pagtataya

You might also like