You are on page 1of 3

Reynang Matapat

Maikling Kwento
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa
katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na
Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato
ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato.
Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay
pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng

kanyang mga tauhan.

Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita
ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng kanyang mga tauhan.
Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa
kaharian ng Kutang-Bato.

Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng
supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa.
Ipinagbiling mahigpit ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot
ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling
datnan ng may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.

Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng
kautusan tungkol sa katapatan.

Sagutin Natin!

Panuto: Ilahad ang iyong ideya at pannaw sa pagsagot sa mga tanong.

https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/reynang-matapat/
Aida M. Guimarie, Kalinangan 7
1. Paano pinamunuan ni Reyna Sima ang kanyang nasasakupan?
______________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mahigpit na ipinag-utos ni Reyna Sima sa kaniyang mga tauhan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ano ang nagging epekto ng mga ipinag-utos ni Reyna Sima sa Kanyang lalawigan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Paano pinatunayan ni Reyna Sima ang pagiging isang mabuting pinuno?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Naging matagumpay ba si Reyna Sima sa kaniyang mga nagging panukala sa lalawigan ng

kutang-bato? Patunayan ang inyong sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/reynang-matapat/
Aida M. Guimarie, Kalinangan 7
______________________________________________________________________________

6. Kung hindi nagging mabuting pinuno si Reyna Sima, ano ang maaaring maging kalagayan ng
lalawigang nasasakupan niya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7. Sa iyong palagay, naniniwala ka ba na sa kasalukuyan, may mga pinuno o mamamayan pa ring

lubos ang katapatan? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

https://www.wikakids.com/filipino/maikling-kwento/reynang-matapat/
Aida M. Guimarie, Kalinangan 7

You might also like