You are on page 1of 3

Biskuwit ni Asuncion B.

Bola

Isang blockbuster ang pelikula n’on. Maraming manonood. ‘Yan ang


Pinoy. Kabilang na kami ng utol kong manonood. Unta adlaw kami
manonood kaya lang wala ang titser namin ngayon kaya maaga pa ay
nasa lobby na ako ng sinehan, naghihintay sa aking utol na sinundo pa
ng aking ina sa aming tahanan. Mas maganda kasing manood sa sinehan
kaysa sa mga PC, tablet o TV.
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at
tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pag-tetext.
Mayamaya nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura kaya
kumuha ako ng isang piraso ng biskuwit na nasa aking tabi. Nilingon ako
ng lespu at kumuha rin siya. Diri naman sanang problema kung ginhatag
ko sa kaniya o kumuha siya. Kaya lang napansin ko na sa bawat pagkuha
ko ng biskuwit kumukuha rin siya hanggang isa na lang ang natira. Aba,
gusto pa niyang kunin. Inunahan ko nga siya, sabay tayo at irap ang
ginawa ko. Ngumiti lang ang lespu. “Infairness” sabi ko sa sarili, mabait,
din naman siya.
Sa wakas natanaw ko na rin sina utol at kasama pa ni Ina ang
kaniyang mga kaututang-dila. Ang mga gurangers talaga nakikiuso ring
manood kina Piolo at Sarah. Ikinuwento ko sa aking utol ang nangyari
habang papasok kami sa loob. Inginuso ko sa kaniya ang alaws hiyang
lespu na abala pa rin sa pagtetext. Natawa ang utol ko dahil sa aking
sambakol na mukha at alam na niya ang kasunod na sasabihin ko ng
bilmoko. Di niya pinansin ang aking paglalambing kaya pumasok na kami.
Ang inis at galit ko ay nawala nang magsimula ang palabas. Ang lahat ay
natahimik.
Hanggang sa humantong ang usapan sa pagbabalik ni Gino kay
Trixie.
“Puwede ba wag mo na akong pataying muli…” Naluluha ako sa
usapang ito kaya naisipan kong kunin ang dala kong panyo ngunit iba ang
nakapa ko sa aking bag. OMG! Ang biskuwit na pinagtripan ng lespu
kanina ay nasa bag ko pala. Napatawa ako nang malakas na ikinagulat
ng aking mga katabi.
Sa gitna ng drama ako’y tumatawa. Hiyang-hiya ako sa aking sarili.

You might also like