You are on page 1of 15

MGA

TIYAK
NA
LAYUNIN:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
‡ napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa
binasang kuwento;
‡ naiisa-isa ang mga pangyayari ayon sa
banghay ng binasang kuwento;
‡ naihahalintulad ang sariling pag-uugali sa
katangian ng pangunahing tauhan sa
binasang kuwento; at
‡ nakasusulat ng maikling buod sa binasang
SHARE KO TO!
“HONEST
Y
IS THE
BEST
Ang Reynang Matapat
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang
kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa
katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na
pamamalakad sa panunungkulan. Bago pa man dumating
ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng
mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang
kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna
Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa
pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang
tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato. Mahigpit
niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag
sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan. Kabilang sa
patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang
paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng
Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil sa
maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa
katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at
walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal
habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato.
Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan
sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng
ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna
Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit
ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang
gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang
utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa
ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang
pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima
dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan
tungkol sa katapatan.
Sagutin ang mga sumusunod:

Saan naganap o nagmula ang kuwento?


Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwentong binasa?
Sumasang-ayon ka ba na si Reyna Sima
ay matapat?
Isulat ang titik A-E ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangungusap upang mabuo ang
kuwento.

Ang mga tanong/pahayag ay nakasulat sa pisara


upang mas maunawaan.
Gamit ang Burger Graphic
Organizer, tutukuyin ng mga
mag-aaral ang banghay ang
kuwento ayon sa katanungan.
Paano nagsimula ang kuwento?

Aling bahagi ang may saglit na kasiglahan?

Aling bahagi ang may tunggalian/suliranin o problema?

Paano ipinakita ang kalutasan sa tunggalian?

Paano nagtapos o nagwakas ang


kuwento?
Bigyan ng pagkakatulad at
pagkakaiba ang iyong
katangian sa katangian ng
Reynang Matapat gamit
ang isang Venn Diagram.
Katangian ng reyna na mayroon ka.

Katangian mo na
hindi tinataglay
Katangian ng
ng reyna.
reyna na hindi
mo tinataglay.
Batay sa iyong natutunan sa
talakayan, subukin ang sarili na
makabuo ng pagbubuod sa
kuwentong nabasa at napakinggan
gamit ang sariling salita at ideya.
Sundan ang susing mga salita sa
pagsulat ng buod. (15 puntos)
Pamagat _____________________________
 
Nagsimula ang kuwento nang
_____________________________________.
Pagkatapos nito
__________________________________________________.
Sumunod dito
___________________________________________________.
Bukod pa rito
___________________________________________________.
Nalutas ang suliranin
________________________________________________.
Naging wakas ng kuwento
____________________________________________.
Basahin ang bawat bilang. Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang bida sa kuwento?


2. Saan nakatira ang bida?
3. Saan nagmula ang kuwento?
4. Ano ang itinatanging katangian ng
Reynang Matapat?
5. Dapat bang tularan ang Reynang
Matapat? Bakit?

You might also like