You are on page 1of 9

Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum.

Sundin ang pamamaraan upang


I: LAYUNIN matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.
Tinataya ito gamit ang mga istratehiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman
ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang
bawat kasanayan at nilalaman.

A.Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Pangnilalaman Mindanao.
B. Pamantayan sa
Pagganap
C. Kasanayang F7PS-ld-e-4 Naisasalaysay ng maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng
Pampagkatuto mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kwetong-bayan.

Sa pagtatapos ng aralin inaasahan ang mga mag-aaral ay:

*Nakakabuod ng isang maikling kwento.


* Nakakasulat ng pagkakasunod-sunod na pangyayari sa kuwento.
* Napapahalagahan ang katangian ng isang matapat na pinuno.
Ang Nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro mula sa Gabay sa Kurikulum. Maaari
II: NILALAMAN itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.

MAIKLING KUWENTO(REYNANG MATAPAT)


KAGAMITANG Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw ang
interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
PANTURO
A.Sanggunian
1. Mga pahina Mga Akdang Pampanitikan: SALAMIN NG MINDANAO pahina 46.
sa gabay ng
guro
2. Mga pahina
sa
Kagamitang
Pang Mag-
aaral
3. Mga pahina
sa Teksbuk
4. Karagdagang TV,laptop,mga larawan
kagamitan
mula sa
portal ng
learning
Resource
B. Other Learning
Resources
Gawin ang pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may Gawain sa bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog,
gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng formative assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa
pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na inuugnay sa kanilang pang-
III: araw-araw na karanasan.
PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa * Panalangin
nakaraang * Pagbati at Pagtsek ng atendans
aralin at/o * Pagbibigay ng guro ng mga tuntunin bago mag simula ang klase.
pagsisimula 1. Makinig at umupo ng maayos.
sa bagong 2. Itaas ang kamay kung nais sumagot o magtanong tungkol sa aralin.
aralin 3. Makiisa sa lahat ng mga gawaing inihanda ng guro.

1. Ano ang tinalakay natin noong nakaraang tagpo?


2. Ano ang limang uri ng RETORIKAL NA PANG-UGNAY?
3. Mag bigay ng halimbawa gamit ang retorikal na pang-ugnay?
B.Paghahabi sa Pagpapakita ng iba’t-ibang larawan
Layunin ng
Aralin

.
Pag sunod sunurin ang mga larawan batay sa mga pang araw-araw na gawain bago
pumasok sa paaralan?
Basahin ninyo ang kuwento na nasa itaas tungkol sa isang bata na si Juan.
C.Pag-uunay ng
mga halimbawa Ang batang si Juan
sa bagong aralin
Araw ng lunes maagang gumising si Juan. Pagkagising niya ay agad siyang nagpunta sa
banyo para maligo. Pagkatapos niyang maligo ay tinawag siya ng kanyang ina para
kumain. Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang nag sipilyo para makapagbihis ng
uniporme upang makapasok sa paaralan.

Kumuha ng isang teksto sa kuwento at itapat sa larawan batay sa kanyang ginagawa.

_________________________

___________________________
___

___________________________
_____________________________

_______________________________

D.Pagtalakay ng Mga Elemento ng Maikling Kuwento


bagong
konsepto at 1. Tauhan-
paglalahad ng -Likha ng manunulat ang kaniyang mga tauhan.May pangunahing tauhan na sa kaniya
bagong nakasentro ang mga pangyayari.May pantulong din na tauhan.
kasanayan # 1 2. Tagpuan -Dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang
panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. Banghay-Ito ay tumutukoy sa tamang pagkasunod-sunod ng magkakaugnay na
mga pangyayari sa kuwento.
• PANIMULA
 SAGLIT NA KASIGLAHAN
 KASUKDULAN
 KAKALASAN
 RESOLUSYON O WAKAS

BAHAGI NG BANGHAY
SIMULA GITNA WAKAS

1.Panimulang Pangyayari 2.Saglit na Kasiglahan 4. Kakalasan

3.Kasukdulan 5. Resolusyon

SIMULA

1.Panimulang Pangyayari

-Dito ipinapakilala ang pangunahing tauhan at tagpuan ng kwento

GITNA

2. Saglit na Kasiglahan

-Dito ipinahihiwatig ang magiging problema ng pangunahing tauhan

3.Kasukdulan

-Dito ipinapakita ang pinakaproblemang kinakaharap ng pangunahing tauhan

WAKAS

4.Kakalasan

-Dito ipinapakita kung ano ang ginawa ng pangunahing tauhan upang solusyonan ang
kaniyang problema.
5.Resolusyon

-Tinatawag din itong wakas kung saan dito ipinapakita kung ano ang naging katapusan
ng kwento na maaring masaya o malungkot.

4.Anggulo ng Pagsasalaysay

-Tumutukoy sa kung kaninong pananaw ang kwento o kung sino ang tagapagsalaysay o
tagapagkwento ng kwento

a. Pananaw sa Unang Panauhan

-ang tagapagkwento ay kabilang sa mga tauhansa kwento.

b. Pananaw sa ikatlong Panauhan

ang tagapagkwento ay hindi kabilang sa kwento o “outsider”

5. TEMA

- Tumutukoy sa pinakamensahe o layuning nangingibabaw sa kuwento.


E. Pagtalakay ng Basahin ang maikling kuwentong “Ang Reynang Matapat”mula sa cotabato.
bagong
konsepto at Ang Reynang Matapat
paglalahd ng
bagong Bago paman dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay dianarayo na
kasanayan # 2 ng mga mangangalakal sa Arabe, Tsino at Hindu ang kaharian ng Kutang-bato na
pinamumunuan ni Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang
kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan,
katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutang-
bato ang Cotabato ngayon na isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana


ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas, at ang
sinumang lumabag sa ipinag-utos niya ay parurusahan. Kabilang sa patakaran na
mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang,paggawa at katapatan ng
kaniyang mga tauhan.

Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa Kaharian


ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna
Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang
nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng
kutang-bato.

Minsan, isang nogosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna


Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa mesa. Ipinabiling mahigpit ni Reyna Sima sa
kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto. Ganito kahigpit
ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng
may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot ng ginto.

Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito
sa pagpapatupad ng kautusan tngkol sa katapatan.

(Papangkatin ang buong klase sa dalawa)


F. Paglinang sa
Kabihasaan
Pangkat I

Pagsunod-sunurin Mo

Panuto : Sa tulong ng kasunod na graphic organizer, isulat ang hinihingi sa bawat bahagi ng
banghay sa kuwentong Reynang Matapat. Piliin sa kahon ang tamang sagot.

I. Ipinabiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan na walang


gagalaw ng nasabing supot ng ginto.

II. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan
ng Mindanao.

III. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan nang sa
gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang
supot ng ginto.

IV. Minsan, isang nogosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna


Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa mesa.

V. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan
nito sa pagpapatupad ng kautusan tngkol sa katapatan.

Saglit na
Kasiglahan

Panimula Kasukdulan

Resolusyon
Kakalasan
o wakas
Sa Pangkat II

Panuto: Batay sa inyong napakinggang kuwento tungkol sa “Reynang Matapat”. Ilagay


sa patlang kung anong bahagi ng banghay ang nakasulat na pangungusap.

____________1. Minsan, isang nogosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni


Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa mesa.

____________2. Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa


kapuluan ng Mindanao.

____________3. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan


nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang
supot ng ginto.

____________4. Ipinabiling mahigpit ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan na


walang gagalaw ng nasabing supot ng ginto.

____________5. Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa
kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tngkol sa katapatan.

Bakit mahalagang matutunan at mapahalagahan natin ang katangian ng isang matapat


G. Paglalapat ng na pamumuno?
Aralin sa Pang-
araw-araw na Ang isang matapat na pamumuno ay magdadala sa kaunlaran ng lipunan. Kagaya na
Buhay lamang sa pinuno na si Reyna Sima, isa siyang matalino, matapat, at may mahigpit at
maayos na pamamalakad kung kaya’t naging maayos, tahimik at maunlad ang kanyang
nasasakupan.

TANONG-SAGOT
H. Paglalahat ng
Aralin 1. Ito ay tumutukoy sa tamang pagkasunod-sunod ng magkakaugnay na mga pangyayari sa
kuwento
2. Dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon kung
saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
4. Dito ipinapakilala ang pangunahing tauhan at tagpuan ng kwento.
5. Dito ipinapakita ang pinakaproblemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.

I.Pagtataya ng Panuto: piliin ang tamang sagot at isulat sa sagotang papel.


Aralin
1. Sino ang pangunahing taohan sa kwento?
a. Tsino b. reyna sima c. arabe d.hindu
2. Saan ang tagpuan ng kwento?

a. Cotabato b. Mindanao c.visayas d. manila

3. Tinatawag din itong wakas kung saan dito ipinapakita kung ano ang naging katapusan
ng kwento na maaring masaya o malungkot.

a. panimola b.resolusyon c.kasukdulan d.kakalasan

4. Dito ipinahihiwatig ang magiging problema ng pangunahing tauhan.

a.saglit na kasiglahan b. kasukdulan c.panimola d. wakas

5. Dito ipinapakilala ang pangunahing tauhan at tagpuan ng kwento.

a. resulosyon b.kasukdulan c.kakalasan d.panimulang pangyayari

6. Dito ipinapakita ang pinakaproblemang kinakaharap ng pangunahing tauhan.

a. kasukdulan b. panimulang pangyayari c.kakalasan d. resolusyon

7. Dito ipinapakita kung ano ang ginawa ng pangunahing tauhan upang solusyonan ang
kaniyang problema.

a.resolusyon b. kakalasan c.panimulang pangyayari d.kasukdulan

8. Ito ay tumutukoy sa tamang pagkasunod-sunod ng magkakaugnay na mga


pangyayari sa kuwento

a. banghay b.tauhan c.elemento d. wakas

9. Dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar, sa iba’t ibang panahon
kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

a. banghay b.tauhan c. tagpuan/panahon d. element

10. Tumutukoy sa pinakamensahe o layuning nangingibabaw sa kuwento.

a.tauhan b. banghay c.tagpuan d.tema

11-15. Ibigay ang limang bahagi ng banghay?

J.Karagdagang
gawain para sa ANG GUBAT
takdang-Aralin
Isang araw may isang batang mabait. Siya ay masayahin at palakaibigan. Isang gabi
at Remediation inutusan siya nang kanyang ina na kumuha nang prutas sa gubat. Ang bata ay nasa gubat
at bigla siyang hinabol ng oso at siya ay naligaw sa gubat. Hindi niya napansin na
naliligaw na siya at umiyak ang bata. Hinanap siya ng kanyang ina pero hindi na siya
mahanap. May nakitang bahay ang bata at lumapit siya sa bintana ng bahay para tingnan
kung may tao ba. Pumunta siya sa pinto at kumatok sabay sabi “Tao po, may tao po ba?”
sabi ng bata. May sumagot na isang babae at sabi “Meron, bakit sino ka ba?” at biglang
lumapit sa pinto ang babae at binuksan ito at nakita niya ang bata na umiiyak, pinapasok
niya ito at nag-usap silang dalawa. Pinag-usapan nila kung anong nangyari, ba't umiiyak
ang bata. Ang sabi naman ng bata “Nawawala po ako. Pwede po bang tulungan niyo po
ako” at tinulungan ng babae ang bata. Nahanap na nila ang kaniyang ina at lumapit ito at
niyakap.

Batay sa kwentong “Ang Gubat”, punan ang patlang batay sa pagkasunod-sunod na


pangyayari sa kwento.

_______________________

_______________________

_______________________

________________________

________________________

MGA TALA

You might also like