You are on page 1of 7

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality LAC-DEMONSTRATION

LESSON Paaralan GFMNHS-MAIN Baitang 7


EXEMPLA
R Guro Rhozzeal C. Pedro Asignatura Filipino
Petsa March 18, 2021 Markahan Ikatlong Markahan
Oras Bilang ng Araw 1 araw

Pagkatapos ng talakayan sa aralin na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang :
I. LAYUNIN
Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at
wakas ng isang akda .

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan
ng Luzon
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news
B. Pamantayang Pagganap casting ) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Pinakamahalagang Kasanayan F7WG- III-d-e-14-Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag
sa Pagkatuto (MELC) (Kung
sa panimula ,gitna at wakas ng isang akda.
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa MELC 29
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. Nilalaman Paggamit ng angkop na mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas
III. Kagamitan Panturo
Re A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng
MELC Filipino 79 Q1, PIVOT BOW R4QUBE,Curriculum Guide
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral Filipino 7
c. Mga Pahina sa Teksbuk Batikan pahina 9-10
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning LRMDS
Resource
L B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan Powerpoint, audio, pictures

IV. PAMAMARAAN
A. INTRODUCTION Alamin (What I Need to Know?)
(Panimula) Inaasahan na magagawa ang mga sumusunod na kasanayan:
 Natutukoy ang panimula, gitna, wakas ,at angkop na pahayag

 Napahahalagahan ang wastong angkop na pahayag na ginamit sa


panimula, gitna at wakas ng isang akda
 Nagagamit nang wasto ang angkop na pahayag sa panimula , gitna at
wakas ng isang akda.

Suriin (What’s New?)


Ilang mga larawan ang iyong makikita sa ibaba. Sa pamamgitan ng sariling
pagkukwento/pagsasalaysay pag-ugnay-ugnayin ang mga larawan simula , gitna
at wakas.

B. DEVELOPMENT
(Pagpapaunlad) Subukin (What I Know?)
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Suriin kung saang
bahagi matatagpuan ang mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel kung ito
ay panimula, gitna o wakas.
1. Dito pinapanatili ang kawing-kawing na pangyayari.
2. Ito ang maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa.
3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang
makinig o magbasa.

4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.


5. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay
pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.

Tuklasin (What’s in?)


Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas
ng Isang Akda
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng nagsasalita ang kaniyang
tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang layunin nang
epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na
patuloy na alamin ang kawing-kawing na pangyayari mula sa simula ng
kuwento patungo sa papataas at kasukdulan sa gitna ng kuwento. Hihintayin
din nila ang wakas kung nakamit ang layuning inilahad sa panimula.
 Simula
 Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng
tagapakinig o ng mambabasa.
 Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa
isinasalaysay.
 Maaaring simulan ito sa mga salitang noong una, sa simula pa lamang,
at iba pang pananda sa pagsisimula.
 Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang...
 Pang-uri
Halimbawa:
Napakadilim at napakalamig ng paligid...
Napakasalimuot ng pangyayari...
 Pandiwa

Halimbawa:
Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan ng...
Nagmamasid ang matanda at ang misteryosong kuba habang..

 Pang-abay

Halimbawa:

Maagang gumising ang tribo...


Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang...
 Gitna
 Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-kawing na pangyayari at
paglalarawang nasimulan.
 Dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing
tauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang katunggaling tauhan habang
tumataas ang pangyayari.
 Maaaring gamitin ang kasunod, pagkatapos, walang ano-ano, at iba pa
na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
 Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang
interes ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinalaysay.

 Wakas
 Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng
tagapakinig o ng mambabasa.
 Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa
kalooban at isipan ng lahat na ang kabutihan ang magwawagi at may
kaparusahan ang gumagawa ng masama.
 Maaaring gumamit ng sa huli, sa wakas, o iba pang panandang
maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.

Pagyamanin (What is it?)

Pagtalakay sa buod ng “Mangita at Larina.’ Upang lubos na maunawaan


ang Aralin.

Noong unang panahon, sa pampang ng Laguna de Bay ay may nanirahang


isang mahirap na mangingisda at ang kaniyang pamilya. Maagang namatay
ang asawa ng mangingisda kaya’t siya na ang nag-isang nagpalaki sa
dalawang anak nilang babae na sina Mangita at Larina.
Kapwa napakaganda ng dalawang anak bagama’t magkaibang-magkaiba ang
kani-kanilang mga katangian. Si Mangita ay kayumangging kaligatan at may
mahaba at itim na itim na buhok. Ang kapatid naman niyang si Larina ay
maputi at nagtataglay ng mahaba at manilaw-nilaw na buhok. Subalit hindi
tulad ng kapatid na si Mangita, si Larina ay ubod ng tamad at maghapon
lamang nagsusuklay at nag-aayos ng mahaba niyang buhok. Malupit din siya
at walang pagmamahal sa mga bagay na nabubuhay sa kanilang paligid.
Madalas siyang naghuhuli ng mga paruparong tinutusok hanggang mamatay
saka ginagawang palamuti sa kanyang buhok. Pagkatapos nito’y nagtutungo
siya sa lawa upang walang sawang pagmasdan ang kaniyang kagandahan.
Dahil sa magkaibang ugali ng magkapatid, lalong hinangaan at minahal ng
mga tao si Mangita samantalang iniiwasan naman nila ang malupit at
makasariling si Larina. Lalo namang lumaki ang inggit at selos na nadarama
ni Larina kay Mangita dahil dito.
Isang araw, isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa kanilang kubo
upang humingi ng kaunting kanin para sa kaniyang maliit na mangkok.
Abala noon si Larina sa pagsusuklay ng kaniyang buhok kaya’t hindi niya
nagustuhan ang pang-aabala ng pulubi. Sinigawan niya ang pulubi. Hindi pa
siya nakontento at kaniya rin itong itinulak palayo. Natumba ang matandang
babae at nabagok ang ulo sa bato dahil sa tindi ng pagkatutulak.
Narinig ni Mangita ang ingay at humahangos siyang lumabas mula sa
pagsusulsi ng lambat. Maagap niyang tinulungan ang kaawa-awang pulubi.

Ginamot din niya ang sugat nito at pinatigil ang pagdurugo. Pagkatapos,
sumandok siya ng kanin mula sa palayok at pinuno ang mangkok ng pulubi.
Walang ano-ano’y, biglang nagbagong anyo ang matanda at naging diwata
at pinatawan ng parusa ang malupit na si Larina.
At mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si
Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larina naman ay
nasadlak sa ilalim ng lawa, walang tigil niyang sinusuyod ang kaniyang
buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting butong itinago niya rito.
Mula sa mga butong ito’y sumibol ang mga luntiang halamang lumutang sa
tubig at tinatawag na ngayong waterlily. Tuwing malakas ang ulan at hangin,
inaanod ang mga halamang ito sa Ilog Pasig. At sa tuwing nakikita ng mga
tao ang mga halaman ay naaalala nila si Larina at ang kaniyang kasamaang
nagsadlak sa kaniya sa kaawa-awang kalagayan.

C. ENGAGEMENT Isagawa (What’s more?)


(Pagpapalihan)
PANGKAT 1- Tukuyin ng pangkat ang simulang bahagi ng akda at isadula ito sa
masining na paraan gamit ang mga angkop na pahayag.
PANGKAT 2 -Tukuyin naman ng pangkat ang gitnang bahagi ng napakinggang akda
sa pamamagitan ng paglalahad ng pangyayari graphic analyzer/story ladder gamit ang
mga angkop na pahayag.
PANGKAT 3- Tukuyin naman ng pangkat ang wakas na bahagi ng akda sa
pamamagitan ng pagguhit at ipaliwanag ito sa klase.

Rubrics sa Pangkatang Gawain


Nilalaman-10%
Estratehiya at paraan ng presentasyon-5%
Pagkakaisa-3%
Oras na itinakda-2%

Iangkop (What other activities can I engage in?)


Magkakaroon ng isang laro na “PUSO KO IPASA KO HUWAG SA
PAASANG TAO. Habang tumutugtog ang musika ni Yeng Constantino na
Ikaw ipapasa ang puso sa kamag-aral at pagnatapat sa salitang ikaw sa kanta
ikaw ay tatayo at mapipili na tatawagin sa harapan upang isagawa ang
aktibiti na “KWENTO KO DUGTUNGAN MO.
Panuto: Magsalaysay ng isang karanasang hindi mo malilimutan kasama
ang iyong pamilya. Isaalang-alang ang paggamit ng mga angkop na pahayag
na naghuhudyat ng panimula, gitna, at wakas ng isang akda. Gawing gabay
ang pamantayan sa ibaba para sa pagmamarka.

Batayan sa Pagbibigay ng Puntos

MARKA PAMANTAYAN

10 Napakalinaw ang pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari at


angkop na angkop ang paggamit ng mga pahayag sa panimula,
gitna, at wakas ng akda.

9 Malinaw ang pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari at


angkop ang paggamit ng mga pahayag sa panimula, gitna, at
wakas ng akda.

8 Bahagyang malinaw ang pagkasusunod-sunod ng mga


pangyayari at bahagyang angkop ang paggamit ng mga
pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng akda.

7 Di-masyadong malinaw ang pagkasusunod-sunod ng mga


pangyayari at di-masyadong angkop ang paggamit ng mga
pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng akda.

6 May kaunting linaw ang pagkasusunod-sunod ng mga


pangyayari at kaunting angkop ang paggamit ng mga pahayag
sa panimula, gitna, at wakas ng akda

5 Walang kalinawan ang pagkasusunod-sunod ng mga


pangyayari at hindi angkop ang paggamit ng mga pahayag sa
panimula, gitna, at wakas ng akda.

D. ASSIMILATION
(Paglalahat) IsWaisip (What I have learned?)(
Para sa mabisa at kawili-wiling akda, laging tandaan ang angkop na
paggamit ng mga pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng iyong akda.
Para mapagtibay mo ang iyong bagong kaalaman, sagutin ang gawain sa
ibaba.
Gawain
Panuto: Sagutin nang buong husay ang tanong ayon sa iyong natutunan sa
aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

 Bakit mahalagang matutunan ang mga angkop na pahayag sa panimula,


gitna, at wakas ng isang akda?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_________
Tayahin (What I can achieve?)
Panuto:Punan ang mga hinihingi batay sa mga susing pangungusap o sa
ideyang isinasaad gamit ang mga angkop na pahayag.

A.SIMULA: Sa simula pa lamang pangarap na ni Ana ang makapagtapos


ng pag-aaral kahit mahirap ang kanilang pamumuhay at lalong mas doble
ang hirap na dinaranas ng kanyang pamilya sa gitna ng kinahaharap na
pandemya.Subalit nagsusumikap siya upang makamit niya ang kanyang
mga hangarin sa buhay.
1WAKAS:_____________________________________________________
_______________________________________________________________
_
_______________________________________________________________

B.SIMULA: Noong una nagpaplano ang Deped na magkaroon ng face to


face na klase sa gitna ng pandemya upang hindi nahuhuli ang ating bansa
sa larangan ng edukasyon. Ngunit maraming mga magulang ang tumutol sa
planong ito dahil masaydong delikado sa mga mag-aaral ang sakit na
COVID 19 na kumakalat sa ating bansa.

2.
GITNA:______________________________________________________
_______________________________________________________________
______________________________________________________________

3.SIMULA________________________________________________
__________________________________________________________
_______________________________________________________________

C. WAKAS: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sa paaralan lamang pwedeng


mag-aral bagkos matuto tayong mag-aral na tayo—tayo lamang. Meron naman
tayong mga magulang na handing umalalay sa atin sa mga bagay na hindi natin
lubos na maintindihan . Lalong-lalo na ngayon na may hinaharap tayong
suliranin sa mundo, na kinakailangan nating magsikap na kahit anong problema
ang ating ikinakaharap magpatuloy parin tayong mag-aral. Oo ito ay mahirap
ngunit ito lamang ang ating magagawa bilang isang mag-aaral . Hindi naman
tayo pwedeng lumabas bakit hindi natin gawin ang mag-aral sa loob ng bahay
imbes na suwayin ang utos ng ating gobyerno.Ipakita natin na tayong mga
kabataan ang magiging susunod na pag-asa ng ating bayan.

V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na _____________________________________________

Nabatid ko na _________________________________________________
Inihanda ni :

RHOZZEAL C. PEDRO
Guro 1, Filipino

You might also like