You are on page 1of 2

Filipino 7 - Activity Sheet

Modular Distance Learning

Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakasng Isang Akda

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng nagsasalita angkaniyang tagapakinig sa mahusay na


simula. Kapag nailahad ang layunin nangepektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na
patuloyna alamin ang kawing-kawing na pangyayari mula sa simula ng kuwentopatungo sa papataas at kasukdulan
sa gitna ng kuwento. Hihintayin din nila angwakas kung nakamit ang layuning inilahad sa panimula.

Simula - Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ngtagapakinig o ng mambabasa.
Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap saisinasalaysay. Maaaring simulan ito sa mga
salitang:
noong una, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula. Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang...
Pang-uri
Halimbawa:
1. Napakadilim at napakalamig ng paligid...
2. Napakasalimuot ng pangyayari...
Pandiwa
Halimbawa:
1. Nagtakbuhan ang kalalakihan at naghanda ang kababaihan ng...
2. Nagmamasid ang matanda at ang misteryosong kuba habang...
Pang-abay
Halimbawa:
1. Maagang gumising ang tribo...
2. Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang...

Gitna - Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-kawing na pangyayari atpaglalarawang nasimulan. Dito
malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahingtauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang
katunggaling tauhan habangtumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin ang kasunod, pagkatapos, walang ano-ano,
at iba pana maghuhudyat ng kasunod na pangyayari. Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang
mapanatili anginteres ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinalaysay.

Wakas - Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ngtagapakinig o ng mambabasa.


Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sakalooban at isipan ng lahat na ang kabutihan ang
magwawagi at maykaparusahan ang gumagawa ng masama. Maaaring gumamit ng sa huli,
sa wakas, o iba pang panandangmaghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.

MGA PAGSASANAY

I. Panuto: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang
mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel kung ito ay panimula, gitna o wakas.

____________1. Dito pinapanatili ang kawing-kawing na pangyayari.


____________2. Ito ang maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa.
____________3. Ito ay nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang makinig o magbasa.
____________4. Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
____________5. Sa pagsisimula ay maaaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay pagkatapos banggitin
ang hudyat sa pagsisimula.
____________6. Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa kalooban at isipan ng lahat.
____________7. Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay.
____________8. Dito aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing tauhan.
____________9. Dito patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng mga mag-
aaral sa larawan at aksiyong isinasalaysay.
____________10. Dito maaaring gamitin ang pahayag na “sa huli.”

II. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pahayag na ginamit bilang panimula, gitna o wakas. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

1. (Dahil dito, Sa wakas) muling lumala ang sakit ni Mangita at patuloy na humina nang humina ang paghinga.
2. Dahil ikaw ay masama, (mula noon, mula ngayon) luluhod ka nang walang hanggan sa ilalim ng lawa at magsuklay.
3. (Simula noon, Noong unang panahon) si Mangita ay nasadlak sa kaawa-awang kalagayan.
4. (Sa unang pangyayari, Sa malayong bayan ng Laguna) may magkapatid na kilala sa taglay nilang kagandahan.
5. (Noong unang panahon, Sa wakas) sa tabi ng lawa sa Laguna de Bay ay may mag-anak na masayang nanirahan
dito.
III. Panuto: Punan ng angkop na pahayag para sa simula, gitna, at wakas ang mga patlang upang mabuo ang talata.

(1) _________________________ ay may isang magandang nakatira sa bayan ng Ibalon. Siya ay walang
iba kundi si Daragang Magayon. (2) _______________________ ang kagandahang taglay ng dalaga ay nakabighani
sa maraming mga binate mula sa iba’t ibang tribo. Bagama’t maraming binata ang nagkagusto sa kanya ay nahulog
ang kanyang loob sa matapang na binatang si Panganoron. (3) ________________________ sa basbas ng ama ni
Daragang Magayon ay nagpasiya ang magkasintahang magpakasal. (4) ______________________ hinadlangan ni
Pagtuga, ang masugid na mangingibig ng dalaga, ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Binihag ni Pagtuga ang
ama ng dalaga kasabay ng pagbabantang palalayain lamang niya ito kung ibibigay niya ang kanyang anak para
maging kanyang Asawa. Dahil sa hindi magagandang pangyayari ay nasawi ang magkasintahang Panganoron at
Magayon. Ang dapat na kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungko na pangyayari−ang paglilibing sa
magsing-irog. (5) ______________________ nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay tumataas hanggang sa
mabuo ang walang kasinggandang tatsulok na naglalabas ng nagbabagang bato sa bunganga. (6)
_______________________ ang bulkan ay tinawag na Mayon na hango sa pangalan ni Magayon.

IV. Panuto: Tunghayang mabuti ang mga larawan at pag-ugnayin ang mga ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
akdang nagsasalaysay batay sa ikinikilos ng nasa larawan. Gamitin ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna,
at wakas ng isang akda at salungguhitan ang mga ito. Gawin ito nang hindi bababa sa limang (5) pangungusap.
Isulat ito sa sagutang papel.

Simula:

Gitna:

Wakas:

You might also like