You are on page 1of 7

I.

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Natutukoy ang pagkakasunod sunod ng isang maikling kwento;


B. Nakikilala ang mga elemento ng maikling kwento mula sa binasang kwento;
C. Nakalilikha ng maikling kwento gamit ang imahinasyon at karanasan.

II. Paksang Aralin


Paksa Elemento ng Maikling Kwento
Sanggunian https://www.slideshare.net/HiieXD/
elemento-ng maikling-kwento 56729389
Kagamitan Chalk, board, pentelpen, manila paper,
ballpen at papel

III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
• Panalangin
• Pagsasaayos ng silid
• Pagtala ng liban
B. Panlinang na Gawain
 Balik - aral
Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral para magbigay ng rebyu sa
nakaraang tinalakay
 Pagganyak
Panuto : Maglalabas ang guro ng isang maikling kwento na hindi magkakasunod sunod
ang mga pangyayari at aayusin ito ng mga mag-aaral
base sa pagkakasunod – sunod nito.

IV. PAGTALAKAY SA ARALIN


A. Aktibiti
Panuto: magbabasa ang mga mag – aaral ng sabay – sabay sa
inihandang maikling kwento ng guro.

B. Analisis
Panuto: Mula sa binasang maikling kwento ng mga mag-aaral
magtatanong ang guro.
• Sino ang mga tauhan sa kwentong ating binasa?
• Paano nagsimula ang kwento?
• Ano ang nagging problema ng tauhan sa kwento?
• Saang ang mga lugar nagtatagpo ang mga tauhan?
• Paano nagwakas ang kwento?

C. Abstraksyon
 
1. TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung
kaninonakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon
kungsaan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok
nadarating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.
Angtunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban
saTao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa
angmangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa
paglutasng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo
nglayunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag
maymalungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa
mabubutingtauhan.

Mga Elemento ng Maikling Kwento


Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o
ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.

Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring


hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa
kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha
ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring
maganap.”Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling
kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
Mga Elemento ng Maikling Kwento
Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.

3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.

4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
 Tao laban sa tao
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa lipunan
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama
din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.

9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.

10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.

11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

D. Aplikasyon

PANUTO: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat, ang bawat pangkat ay
gagawa ng maikling kwento at kanilang tutukuyin mula sa kanilang gawa ang mga
element ng maikling kwento. Bibigyan ng sampung minuto ang bawat pangkat upang
makagawa ng kani kanilang maikling kwento.
Unang Pangkat: maikling kwento
Ikalawang pangkat: maikling kwento
Ikatlong pangkat; maikling kwento
Ika – apat na pangkat; maikling kwento

Pamantayan :
Pagkakaisa ng pangkat ______________________________________________ 20
Kaayusan ng mga kasapi Ng pangkat ___________________________________ 30
Paraan ng pag-uulat _________________________________________________50
Kabuuan__________________________________________________________100
IV. Ebalwasyon
Panuto: hanapin sa kahon at isulat sa patlang ang tamang sagot sa
mga sumusunod,

TAUHAN TAGPUAN/PANAHON

KASUKDULAN

SAGLIT NA KASIGLAHAN SULIRANIN

KAKALASAN WAKAS MAIKLING KWENTO

____________1. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at


sumasalungat sa kanya.
____________2. Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
____________3. Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan
____________4. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito
nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa
pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
____________5. Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay
humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng
pangunahing tauhan.
____________ 6 – 8. Isulat ang tatlong maaaring tunggalian ng isang
maikling kwento.
____________ 9 – 10.Isulat ang dalawang maaaring wakas ng isang
maiklining kwento
V. Takdang Aralin
PANUTO: Magsaliksik patungkol sa uri ng maikling kwento at isulat sa
isang malinis na papel.

You might also like