You are on page 1of 11

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga tanong at


isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Mamasyal tayo bukas kung matatapos mo ang iyong
takdang-aralin. Anong salita ang nagpapakita ng
relasyong kondisyunal? a.
tayo b. bukas c. kung d. iyong
2. Maglalaro tayo sa labas sakaling payagan ako. Anong
salita ang nagpapakita ng relasyong kondisyunal?
a.Tayo b. sakaling c. ako d. labas
3. Ito ay isang anyo ng panitikan na may banghay
na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at
kadalasang umiikot sa isang suliranin.
a. Epiko b. Alamat c. maikling kwento d. Dula
4. Ano ang pinakamataas na bahagi ng kwento na
kapana-panabik?
a. Simula b. pataas na aksyon c.wakas d. gitna
5. Ano ang huling bahagi ng kwento na maaaring
masaya, malungkot o trahedya?
a. Simula b. kasukdulan c. wakas d. gitna
MAIKLING KUWENTO
 Isang anyo ng tuluyang panitikan na
may banghay na kinasasangkutan ng
ilang mga tauhan at kadalasang
umiikot sa isang suliranin lamang.
BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO

I. Simula – paglalahad o paglalarawan sa tauhan,


tagpuan o maaring mailahad agad ang suliranin.
II. Suliranin – Ang nagsisilbing dugo ng bawat
kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng
interes sa istorya.
III. Papataas na aksyon – dito nagaganap ang
paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga
nagiging reaksyon o hakbang ng mga tauhan sa
inilahad na suliranin.
IV. Kasukdulan – Pinakamataas na bahagi ng
kuwento. Masasabing dito sa bahaging ito ang
pinkakapana-panabik na bahagi ng kuwento.
May mga kuwentong ang kasukdulan ang
nagiging wakas ng kuwento.
V. Pababang aksyon – Dito makikita ang
kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o
tradisyonal na kwento, madalas maglagay ng
ganito ang mga manunulat. Dito binibigyang
kasagutan ang mga suliraning inilahad sa
kuwento. Maaaring masagot sa bahaging ito ang
lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa.
Wakas- Maaaring ang wakas ay masaya,
malungkot o nagbubukas sa iba pang
ideya o tinatawag na open-ended.
PANGKATANG GAWAIN

 Bawat pangkat ay magtatanghal ng isang


pagsasalaysay ng isang buod na pangyayari na
inyong napakinggan (kahit anong isyung
panlipunan) na nagpapakita kung bakit
nalilihis ng landas ang mga kabataan.
PAALALA:
Gawin ito sa loob ng 15 minute at itanghal sa
harap ng klase.
RUBRIKS
1. Pagganap ng karakter – apat na puntos
2. Lakas at linaw ng pagbigkas – apat na
puntos
3. Daloy ng pagtatanghal – apat na puntos
4. Kabuuang impak ng pagtatanghal – apat
na puntos
KABUUAN – dalawangput na puntos
PAGPAPAHALAGA
Magbigay ng kongretong
buod mula sa inyong mga
kwento na kung saan
nagpapatunay ng dahilan
kung bakit napapariwa sa
landas ang mga kabataan.
TAKDANG -ARALIN
Bumuo ng draft ng
maikling kwento. Ilapat
ninyo sa banghay ng
maikling kwento.

You might also like