You are on page 1of 20

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
Natatandaan mo pa ba ang iba’t ibang akdang
pampanitikan? Magbigay ka nga ng anim na halimbawa
nito?

AKDANG
PAMPANITIKAN
Anong maikling kuwento ang tumatak sa
iyong isipan? Bakit mo ito naibigan?

Anong nobela naman ang hindi mo


malilimutan dahil sa husay ng
pagkakabuo nito?
TEKSTONG
NARATIBO O
NAGSASALAYSAY
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
1. Nagagamit ang cohesive device sa
pagsulat ng saruling halimbawang
teksto.

2. Naiuugnay ang mga kaisipang


nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
ANO ANG TEKSTONG
NARATIBO?
Nagsasaad ng sunod-
sunod na pangyayari at
karanasang
magkakaugnay. Maaari
itong piksyon at di-piksyon.
LAYUNIN NG
TEKSTONG NARATIBO

Makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang o
nakapagbibigay-aliw o saya at
makapagturo ng kabutihang-asal
at mag-iwan ng aral sa buhay.
KATANGIAN
1. Nakapupukaw-pansin ang pamagat
- taglay nito ang pagiging maikli, kawili-
wili, kapana-panabik, may misteryo,
orihinal,at hindi katawa-tawa.
2. Ginagamitan ng sanhi at bunga - sa pamamagitan
nito mapag-uugnay ang mga pangyayari. Mahihinuha
ang susunod na mangyayari batay sa pangyayari sa
unang bahagi. Maaari din itong magsimula sa bunga at
aalamin kung ano ang naging sanhi nito.
3. May Tempo - tumutukoy sa bagal o bilis ng
takbo ng pangyayari.

4. May iba’t ibang ayos ng pagsasalaysay -


hindi palaging kronolohikal o sunod-sunod ang
pagkakaayos ng pagkakasalaysay ng kuwento.
May mga istratehiya na nauuna ang gitna o
hulihan o ginagamitan ng flashback kung
babalikan ang pangyayari sa nakaraan.
5. May Kaisahan - Mahalagang may ugnayan sa
isa’t isa ang mensaheng nais ipahayag. Kung ito
ay kuwento, nabibigyang-turing ng bawat
impormasyon ang ugnayan ng tauhan, tagpuan,
suliranin, solusyon, at aral na nais ipabatid.
6. May Kakintalan - tumutukoy sa maiiwang
impresyon o mensahe na mapakikinabangan ng
mambabasa.
7. Taglay ang kasukdulan (climax) - tumutukoy
sa pinakamataas na kaigtingan ng pagsasalaysay.

8. May Wakas - Nakasalalay dito kung kapani-


paniwala ba ang isinasalaysay. Mahalaga ang
pagbibigay ng angkop at sapat na detalye upang
maging maayos ang magiging wakas ng akda.
KALIKASAN
• May iniiwang leksyon sa isang mambabasa
• Nagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw.
• Nagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao
o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at
panahon o sa isang tagpuan nang may maayos
na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang
katapusan.
MGA ELEMENTO NG
TEKSTONG NARATIBO

1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Banghay
4. Paksa o Tema
2 URI NG TAUHAN SA TEKSTONG
NARATIBO
1. TAUHANG BILOG - Tauhang may
multidimensyonal o maraming saklaw ang
personalidad. Nagbabago ang pananaw, katangian,
at damdamin ng tauhan ayon sa pangangailangan.

Halimbawa:
Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan ay
maaaring magalit kapag hinihingi ng sitwasyon.
2 URI NG TAUHAN SA TEKSTONG
NARATIBO
2. TAUHANG LAPAD - Tauhang nagtataglay ng
iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy
o predictable. Karaniwang hindi nagbabago ang
katangian ng tauhan sa kabuoan ng kuwento.

Halimbawa:
Mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina
IBA’T IBANG PUNTO DE VISTA
(POINT OF VIEW) SA TEKSTONG NARATIBO
1. UNANG PANAUHAN - Sa pananaw na ito, isa sa mga
tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kaniyang
nararanasan, kaya gumagamit ng panghalip na AKO.
2. IKALAWANG PANAUHAN - Dito mistulang kinakausap ng
manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t
gumagamit siya ng mga panghalip na KA o IKAW, subalit
hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
3. IKATLONG PANAUHAN - Ang mga
pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon
sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit
niya sa pagsasalaysay ay SIYA/SILA.
Kung naunawaan na, magbigay
ng insights o kabatiran na iyong
natamo matapos matalakay ang
Naunawaan mo na aralin.
ba ang tekstong
naratibo?
SUBUKIN NATIN! N-
A-
Sa pamamagitan ng R-
ACRONYM na nasa A-
kanang bahagi, bumuo ng T-
pangungusap na may I-
kaugnayan sa pagsulat ng B-
tekstong naratibo.
O-
Sa susunod na pagkikita, aalamin
pa natin kung hanggang saan ang
inyong natutuhan sa
pamamagitan ng pagsagot sa iba
pang gawain na may kaugnayan
sa pagsulat ng Tekstong
Naratibo.

You might also like