You are on page 1of 75

Filipino 9

Ikalimang Linggo
Ikalawang Markahan
Mensahe mula sa Bibliya:
Hebreo 13:5
“Huwag kayong magmukhang salapi,
masiyahan na kayo sa anumang nasa
inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi
kita iiwan ni pababayaan man.”
Mensahe mula kay Ven. Al:

“Nagiging templo tayo ng Espiritu


Santo sa sakramento ng
Kumpirmasyon.”
(Homiliya, Abril 16, 1989)
UNANG ARAW
Hashnu, Ang Manlililok ng Bato
(Maikling Kuwento / Tsina)
Kasanayan sa Pagkatuto:
• Naibubuod ang binasang akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa mga
mahahalagang impormasyon (tauhan, tagpuan,
banghay) (PB)
• Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at
simbolo ng binasang kuwento (PS)
Lagumang Pagsusulit
(Indibidwal na Gawain) – 20
minuto
Pangarap N’yo, Ibahagi N’yo
(Pangklaseng Gawain) – 5
minuto
PAMPROSESONG TANONG:

•Ano ang inyong mga pangarap sa buhay?


•Ano ang kaugnayan nito sa maikling
kwento na iyong binasa?
Pagbubuod (Pangklaseng
Gawain) – 10 minuto
Talasalitaan (Pangklaseng
Gawain) – 5 minuto
Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na
salita:
1.Bato
2.Hari
3.Araw
4.Ulap

Ano ang sinisimbolo ng mga ito?


IKALAWANG ARAW
Kasanayan sa Pagkatuto:
•Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa
binasang kuwento na may katutubong
kulay (PB)
•Nakikilala ang mga katangian ng maikling
kuwento ng katutubong-kulay (PU)
Pagtukoy sa Kultura
(Pangkatang Gawain) – 20
minuto
Panuto
Hahatiin sa walong pangkat ang klase.
Bawat pangkat ay bibigyan ng tiyak na
bahagi ng kuwentong tinalakay.
Magkakaroon ng pagpapalitan ng kuro-kuro
ang magkakapangkat kung ano-anong
kultura ang mababakas sa sa bahaging iyon
ng teksto.
Panuto
Ilalahad ng kinatawan ng pangkat ang
napag-usapan. Maaari ring ang guro ang
pumili kung sino ang magiging tagapag-
ulat. Maaaring magbigay ng opinyon o
karagdagang impormasyon ang ibang
pangkat sa panahon ng pag-uulat.
Pagbibigay-Input
-Maikling Kwento-
Maikling Kwento
Ito ay isang akdang panitikan o masining
na pagsasalaysay sa maiksing kaanyuan at
ang diwa ay napapalaman sa isang buo,
mahigpit at makapangyarihang na
balangkas na pinababatid sa isang
paraang mabilis ang galaw.
Uri ng Maikling Kwento
Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang
mambabasa.
Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang
kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing lugar.
Kwento ng Katutubong Kulay

Nangingibabaw sa maikling kwento ang


paglalarawan sa isang pook, sa anyo ng
kalikasan doon at ang uri ng pag-uugali,
paniniwala, pamumuhay, pananamit at
pagsasalita ng mga taong naninirahan sa
pook na iyon.
Kwentong Bayan

Inilalahad dito ang mga


kwentong pinag-uusapan sa
kasalukuyan ng buong bayan.
Kwento ng Kababalaghan

Dito pinag-uusapan ang mga


salaysaying hindi
kapanipaniwala.
Kwento ng Katatakutan

Naglalaman naman ito ng mga


pangyayaring kasindak-sindak.
Kwento ng Madulang
Pangyayari
Binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba
o nakapagbago sa tauhan.
Kwento ng Sikolohiko

Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang


isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa
mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Kwento ng Pakikipagsapalaran

Nasa balangkas ng pangyayari ang


interes ng kwento ng
pakikipagsapalaran.
Kwento ng Katatawanan

Ito ay nagbibigay-aliw at
nagpapasaya sa mambabasa.
Kwento ng Pag-ibig

Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan


ng dalawang tao.
IKATLONG ARAW
Kasanayan sa Pagkatuto:
•Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng
pagsasalaysay (PN)
•Nasusuri ang maikling kuwento batay sa
estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at
pagwawakas ng napakinggang salaysay (PS)
Pagbibigay Input
(Pangklaseng Gawain) – 15
minuto
MGA PANLITERITARYANG TEKNIK
1. Pagbabalik-tanaw
Ito ay karaniwan sa mga kuwentong nagsisimula sa gitna
ng mga pangyayari (in media res) na ang simula ng lahat
ay inaalala lamang.
- Ginagamit para antalahin ang takbo ng istroya.
- Nakapagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa
nakaraan ng tauhan para malinawan ang pagtingin sa
kasalukuyang pag-uugali niya.
2. Pagbabala/Pagpapahiwatig
(Foreshadowing)

Ito ay gumagamit ng mga palatandaan o


señales na nagbabadya sa magaganap na
pangyayari sa dakong huli ng istorya.
Lumilikha ito ng kapanabikan kaya nagiging
pursigido ang mambabasa na malaman.
3. Kapanabikan
Ito ay teknik na gumaganyak sa damdamin at interés
ng mambabasa dahil ang mga pangyayari ay
nabibinbin o nabibitin kaya hindi basta nabibitiwan
ang binabasa sa kagustuhang malaman ang mga
susunod pang mangyayari sa kuwento kung ano ang
kalalabasan o magiging solusyon sa problema na
inihain ng may-akda sa kuwento.
4.Daloy ng Kamalayan (Stream of
Consciousness)
Ito ay isang paglalarawang hindi umaalinsunod
sa lohika kundi sa mga pasambot-sambot at
waring humihingal na mga detalyeng basta
lumalabas sa isip ng manunulat tuwing
masasagi ng anumang bagay na
makapagpapaalala ng mga karanasang nag-
iiwan ng impresyon kaysa nailalahad.
5. Simbolismo
Ito ay pamamaraan na gumagamit ng
sagisag bilang bagay na may sariling
kahulugan ngunit nagsasaad ng ibang
kahulugang malayo sa sarili.
Pagsusuri (Pangklaseng
Gawain) – 10 minuto
Mga Gabay na Tanong:
1. Paano sinimulan ang kuwento?
2. Paano nito pinadaloy ang mga pangyayari?
3. Paano winakasan ang kuwento?
4. Anong estilo ang ginamit ng may-akda sa
pagsasalaysay?
Palitan Natin (Pangkatang
Gawain) – 15 minuto
Panuto
Gamit ang nakaraang pangkatang gawain,
babaguhin ng mga mag-aaral ang estilong
ginamit sa kuwentong tinalakay. Muli
nilang isusulat ang kuwento gamit ang
estilong mapupunta sa kanilang pangkat.
Isulat ang likha sa isang buong papel.
IKAAPAT NA ARAW
Kasanayan sa Pagkatuto:
• Nakikilala ang mga panandang kohesyon
(anaphora at katapora) na ginamit sa loob ng
teksto (W)
• Nagagamit nang maayos ang mga
panandang kohesyon (W)
Bigyang-pansin (Pangklaseng
Gawain) –
5 minuto
Panuto
Suriin ang balangkas ng mga salita sa
diyalogong binasa.
Masarap ba iyang ice cream na
kinakain mo? Pahingi naman
ako niyan.

Ibinigay lang ito sa


akin ni Junjun.
Hindi ko alam kung
saan niya ito binili.
Nasaan ba siya?
Manghihingi rin ako
kay Junjun ng ice
cream.

Umalis na siya. Uuwi yata


siya sa probinsya. Doon
sila magbabakasyon ng
kanyang pamilya.
Mga Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang inyong napansin sa mga may


salungguhit na salita sa loob ng dayalogo?
2.Ano ang nais na ipakita ng mga salitang
ito?
Pagtalakay (Pangklaseng
Gawain) - 25 minuto
PANANDANG KOHESYON
Ito ay mga salitang tulad ng
panghalip na nagkakawing sa mga
salita, parirala at sugnay.
Nakababagot na mabasa at marinig
ang mga salitang paulit-ulit na
ginagamit sa isang texto o pahayag.
PANANDANG KOHESYON
Maiiwasan ang nabanggit na pag-
uulit kung gagamit tayo ng panghalip
tulad ng siya, niya, kanila, at iba pa.
Ang paggamit ng mga panghalip
upang humalili sa pangngalan ay
tinatawag na PAGPAPATUNGKOL.
URI NG PAGPAPATUNGKOL
Pagpapatungkol na Anapora
Ang elementong pinalitan ng
panghalip ay unang nabanggit sa
unahan ng texto o pahayag o
panghalip sa hulihan bilang pananda
sa pinalitang pangngalang
binanggit sa unahan.
Halimbawa
a) Patuloy na dinarayo ng mga turista ang
Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y
totoong nagagandahan dito.
b) Si Gracia Burnham ay isa sa mga
dayuhang turista na pumunta sa Dos Palmas
Resort dahil ayon sa kanya, paborito niya
itong pasyalan.
Pagpapatungkol na Katapora
Dito, ang elementong pinalitan ng
panghalip ay binabanggit pagkatapos ng
panghalip na inihalili o ipinalit:
panghalip na ginamit sa unahan ng texto o
pahayag bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
Halimbawa
a) Patuloy nilang dinarayo ang Dos
Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga
turista’y totoong nagagandahan dito.
b) Siya ay isa sa mga dayuhang turista na
patuloy na pumupunta sa Dos Palmas
Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia
Burnham paborito niya itong pasyalan.
Pagsusuri (Indibidwal na
Gawain) – 10 minuto
Panuto
Susuriin kung anong panandang
kohesyon ang matatagpuan sa
mga sumusunod na
pangungusap.
Nilukuban ng Ulap ang Araw at hindi
naglaon ay bumigat ito at bumagsak
na parang ulan sa mundo.
Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang
Araw hanggang sa mapansin nitong ang
ulap pala ay maaaring makulob sa
pagitan ng nito at ng mundo.
Mabigat ang baluti at ang
kanyang helmet na lubhang
dikit sa ulo ng hari.
Ngunit isang araw ay nasambit ni
Hashnu sa sarili, “Naku! pagal na
pagal na ako sa kahuhugis ng
matitigas na bato.”
Pinagmasdan niya ang lupa at
napako ang paningin ni
Hashnu sa mga bato.
IKALIMANG ARAW
Kasanayan sa Pagkatuto:
Nakasusulat ng isang maikling
kuwento na nagpapakita ng
pagkakatulad sa kultura ng
kuwentong binasa (PU)
Paglikha (Pangkatang
Gawain) – 20 minuto
PANUTO:
Kaparehong pangkatan ang gagamitin. Bawat pangkat ay
bubuo ng isang kuwento batay sa mga sumusunod na
pamantayan:
• Nilalaman (nagpapakita ng kultura ng isang lugar)
• Istilo (Pagbabalik-tanaw)
• Paggamit ng Panandang Kohesyon
• Wastong Gamit ng Gramatika
Madamdaming Pagsasalaysay
(Pangkatan/ Pangklaseng Gawain) –
20 minuto
PANUTO:
Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang nabuong
kuwento sa pamamagitan ng madamdaming
pagsasalaysay. Maaaring ilahad ito ng dalawa – tatlong
mag-aaral.
Isaalang-alang ang mga sumusunod:
- Tamang pagbigkas
- Emosyon
- Kaayusan ng pagbasa

You might also like