You are on page 1of 7

I.

layunin

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na.

1. Nasusuri ang mga mahahalagang impormayon batay sa pangangalap ng mga datos.


2. Nauunawan ang mga detalyong kakailanganin sa pag-aaral
3. Natutukoy ang mga tiyak na kagamitang gagamitin sa pangangalap ng mga datos sa
gagawing pananaliksik.

II. Paksang Aralin

Paksa Pananaliksik at pangangalap ng datos

Sanggunian https://www.academia.edu/34747900/
YUNIT_III_PAGSULAT_NG_PANANALIKSIK_ARALIN_6_PANGAN
GALAP_NG_DATOS
Kagamitan Tarp papel, laptop, printer

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

 Pagbati
 Panalangin
 Pagtala ng liban
 Pagsaayos ng silid-aralan

B. Panlinang na Gawain

 Pagbabalik Aral
Ang Guro ay magtatanong patungkol sa paksang tinalakay noong nakaraang pagtitipon.

 Pagganyak
Ang Guro ay magpapakita ng ilang larawan at tutukuyin ito ng mga mag-aaral batay sa
kanilang mga hinuha.
IV. Pagtalakay sa Aralin

A. Aktibiti

Ilarawan ang mga nakikitang mga komento sa facebook at bigyan ito ng ilang mga
reaksyon, magsuri sa mga nakalatag na larawan.

B. Analysis

Ang Guro ay magtatanong sa kanyang mga mag-aaral.

1. ano ang inyong mga hinuha patungkol sa mga isyu na ating nababsa o napapanuod?

2. bakit kailangan nating malaman ang katotohanan?

C. Abstraksyon

ALAMIN NATIN

Bilang mag-aaral o mananaliksik isa sa mga pinakamahalagang kinakailangang gawin sa


pananaliksik ay ang pangangalap ng mga datos at ito ay ang mga sumusunod.

PAKIKIPANAYAM

Matamang suriin ang paksang pinag-aaralan sa pananaliksik upang higit na masuri ang
mga taong kakapanayamin. Ang gawaing pakikipanayam ay isang mabilis na paraan upang
makakuha ng mga impormasyon na kinakailangan sa isinasagawang pag-aaral.

Maaring ang iyong kakapanayamin ang tumatayo bilang iyong magiging respondent o
tagatugon, kung kaya’t kailangang kunan natin sila ng mga personal na impormasyon base sa
kanilang katayuan buhay at iba pa na higit na may kinalaman at nakakatulong sa iyong
pananaliksik.

Mga bagay na dapat isaalang-alang bago isagawa ang pakikipanayam (Ramirez et, al
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik 2009)

1. Siguraduhin ang dahilan at layunin sa pagsasagawa ng panayam.


2. Tiyakin na ang taong kakapanayamin ay awtoridad sa paksang pag-uusapan.
3. Pag-aralan ang paksa at mga kaugnay na paksa upang maging maayos ang pag-
uusapan.
4. Humingi ng pahintulot sa taong kakapanayamin
5. Tiyakin ang oras ng pag-uusap.
6. Maghanda ng balangkas ng mga katanungan itatanong .
7. Maghanda ng sulat sa kakapanayamin.

Tandaan ang mga sumusunod:

1. Payak at tiyak ang gagawing sulat


2. Siguraduhing tama ang pangalan at tirahan ng taong kakapanayamin.
3. Mag-iwan ng sariling contact number.
4. Banggitin sa liham ang layunin, oras ng panayam

Mga dapat tandaan sa aktwal na panayam

1. Dumating nang higit na maaga sa oras na itinakda


2. Sikaping maging kasiya-siya sa pakikipagtalakayan.
3. Makinig ng mabuti sa sinasabi ng kinakapanayaman.
4. Magsulat ng mga tala na mahalaga sa pag-aaral
5. Gawing simple at maayos ang pakikipanayam.
6. Huwag kalimutan magpasalamat sa taong kinapanayam.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Kwesyuneyr (Culzon, Ed. D et, al., 2014)

1. Dapat na malinaw ang lahat ng panuto origeksyon


2. Siguraduhing tama ang mga balarila o grammar na ginagamit sa kwesyoneyr.
3. Ang mga katanungan ay dapat na walang pagkilng.
4. Ang lahat ng mga maaring sagot na pagpipilian ng mga respondent ay dapat na nakatala.
5. Tiyaking magkaugnay ang mga katanungan ayon sa paksa ng gagawing pananaliksik
6. Ayusin ang mga katanungan ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
7. Ang mga tanong ay hindi dapat konfidensyal ang mga kasagutan o mga impormasyong
hindi dapat nakakahiya.
8. Ang mga mahihrap na tanong ay dapat na ipaliwanag at bigyan halimbawa.
9. Huwag gagamit ng mga di kapani-paniwalang pagpapahayag sa pagtatanong.
10. Ang mga espasyong pagsasagutan at ay dapat na nakaayos sa isang hanay lamang, mas
mainam na ilagay ito sa kaliwa ng pagpipilian.
11. Ang mga respondent ay dapat na manatiling anonymous.
(Narito ang isa sa halimbawa sa pagkuha ng mga propayl ng mga respondent at pagbuo ng
kwesyoneyr sa gagawing sa pananaliksik)

Depinisyon ng Terminolohiya- ang ginagamit nakatala ang mga katawagan o kahulugan kung
papaano ginagamit sa pag-aaral ang mga definsyon .

C. Kabanata II (Rebyu ng mga kaugnay na literature at Pag-aaral)

Ang kabanatang ito ay tatalakay sa mga kaugnay na literature at Pag-aaral na


makatutulong sa mga mananaliksik upang makabuo ng mga Gawain sa konseptong papel
nanahati sa dalawang bahagi kaugnay literature art kaugnay na Pag-aaral na pinangungunahan
ng Lokal at Pag-aaral.

1. Kaugnay na literatura

Nilalaman ng bahaging ito ang mga sumusunod:

a. Binasang aklat, artikulo, dokumento at iba pang sanggunian na mayroong mahigpit


na kaugnay sa ginagawang pag-aaral.
b. Banggit sa ideya ng awtor gamit ang apelyido at taon ng pag-aaral.
2. Kaugnay na Pag-aaral – nilalaman nito ang mga ideya mula sa mga binasang tesis at
disertasyon na may kaugnay sa pag-aaral. Katulad sa kaugnay na literatura, binabanggit
din ang apelyido ng awtor at taon ng pag-aaral.

D. Kabanata III (Disenyo at Metodo ng Pananaliksik)

Disenyo ng Pananaliksik

1. Deskriptong Pananaliksik ( Descriptive – survey – Research ) – ito ay isang paraan


ng pnanaliksik na paglalarawan, naghahambing at nagbibigay kahulugan sa
napapanahong paksa.
2. Pangkasaysayang Pananaliksik o Historikal (Historical Research) – tumutukoy ito sa
pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari na inihambing sa kasalukuyan.
3. Pananaliksik na Eksperimental ( Experimental Research ) – paraan ng pagtukoy sa
sanhi at buinga ng baryabol.

Pagpili ng Respondente – Kailangang angkop sa pag-aaral na isinasagawa ang edad,


kasarian, estado sa buhay, karanasan, hanapbuhay at antas ng edukasyon ng mga napiling
respondente.

Mga Kailangan sa Mga Kalahok/ Respondente

1. Sino ang mga kalahok?


2. Ilan ang mga kalahok
3. Saan galling ang mga kalahok
4. Paano pinili ang mga kalahok?
5. Bakit pinili ang mga kalahok?
Instrumento ng Pananaliksik – tinutukoy dito ang angkop na pamamaraang gagamitin sa
pangangalap ng datos at impormasyong kailangn sa pag-aaral.

a. Talatanungan
b. Panayam
c. Obserbasyon

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

1.Interbyu – ito ang paraan ng pakikipanayam sa mga respondent may kinalaman sa


sinasagawang pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay kailngang magroon nakahandang
katanungan na bibigyang kasagutan ng mga respondenteng napili.

2. Kwestyuner – naglalaman ito ng mga katanungan na humihingi ng impormasyon at maaaring


sumubok sa kaalaman ng mga respondent.

3. Obserbasyon – tumutukoy sa pagmamasid ng mga pangyayari na nagaganap sa


imbestigasyong eksperimental ngunit ito ay hindi maaaring gamitin sa pag-aaral na historical o
pangkasaysayan.

4. Silid-aklatan o Laybrari

5. Tesis/Pamanahong Papel

6. Internet

Istatistikal na Tritment ng mga Datos – tumutukoy ito sa istatistikal na gagamitin sa pag-aaral.


Kailangang angkop ito sa mga datos upang magkaroon ng tiyak na paglalarawan. Maaaring
gamitin ang pormula ng pagkuha ng bahagdan na p=f/n*100%.

E. Kabanata IV (Presentsyon ng mga Datos)

Presentasyon ng mga Datos – inilahad ang mga datos na nakalap sa lohikal, sikwesyal, at pag-
oorganisa ng klasipikasyon sa pamamagitan ng talahanayan o grapik na presentasyon.

Uri ng Presentasyon

a) Tabyular – gumagamit ng talahanayan upang ilahad ang mga nakalap na datos. Ito ay
isinasaayos ng pahalang o pababa ayon sa pangangailangan ng impormasyon.
b) Grapikal – gumagamit ng grap upang ipakita ang paghahambing at pagbabago ng datos.

Uri ng Grap
 Pabilog na grap ginagamit ito kung naghahambing ng impormasyon sa
pamamagitan ng paghahati-hati ng mga impormasyon ditto.
 Bar grap- angkop na gamitin sa paghahambing ng sukat at halaga ng aytem.
 Palinyang grap- ginagamit ito kung nais ilantad ang mga pagbabago na maaaring
pagbaba o pagtaas ng isang paksang tinatalakay.
 Palarawang grap- ginagamit kung nais mailarawan o maipakita ang tinatayang
halaga o bilang ng ayetm.
c) Tekstwal - ginagamit ito upang ipaliwanag ang nilalaman ng talahanayan o grapiko.
Inilalahad sa bahaging ito ang puspusan o malalimang pagsusuri sa mga datos. Ito ay
angkop na gamitin sa kwalitatibong pag-aaral dahil naglalayon na ipaliwanag ang
mahalagang aspekto ng pananaliksik.

F. Kabanata V (Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon)

1. Lagom – pagbubuod ng mga datos at impormasyong tinalakay sa Kabanata III ng mga


mananaliksik.

2. Konklusyon – ito ang pangkalahatang interpretasyon at implikasyon batay sa mga nakalap na


datos ng mga mananaliksik.

3. Rekomendasyon – pagbibigay ng angkop na solusyon sa suliraning natukoy at natuklasan.

Talaan ng Sanggunian – mga tala nang pinagmulan o sanggunian ng impormasyon na ginamit


sa isinagawang pananaliksik.

Appendix/Dahong- Dagdag – nakapaloob dito ang mga liham, dokumentsayon, output, klipings
o mga larawan, pormulasyon/istatistikal na ginamit sa pag-aaral, sampol ng sarbey-kwestyuner,
at bio-data ng mananaliksik o curriculum vitae.

D. Aplikasyon

Ang Guro ay hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral, bawat pangkat bubuo ng paksa at
gagawa ng sampung survey quistionare.

Bibigyan lamang sila ng sampung minute upang matapos ito.

V. Ebalwasyon

Panuto: punan ng sagot ang bawat patlang.

_________________1. inilahad ang mga datos na nakalap sa lohikal, sikwesyal, at pag-


oorganisa ng klasipikasyon sa pamamagitan ng talahanayan o grapik na presentasyon.

_________________2. pagbubuod ng mga datos at impormasyong tinalakay sa Kabanata III ng


mga mananaliksik.

_________________3. ito ang paraan ng pakikipanayam sa mga respondent may kinalaman sa


sinasagawang pag-aaral.

_________________4. inilahad ang mga datos na nakalap sa lohikal, sikwesyal, at pag-


oorganisa ng klasipikasyon sa pamamagitan ng talahanayan o grapik na presentasyon.

_________________5. nakapaloob dito ang mga liham, dokumentsayon, output, klipings o mga
larawan, pormulasyon/istatistikal na ginamit sa pag-aaral, sampol ng sarbey-kwestyuner, at bio-
data ng mananaliksik o curriculum vitae.
_________________6. tinutukoy dito ang angkop na pamamaraang gagamitin sa pangangalap
ng datos at impormasyong kailangn sa pag-aaral.

_________________7. naglalaman ito ng mga katanungan na humihingi ng impormasyon at


maaaring sumubok sa kaalaman ng mga respondent.

_________________8. tumutukoy sa pagmamasid ng mga pangyayari na nagaganap sa


imbestigasyong eksperimental ngunit ito ay hindi maaaring gamitin sa pag-aaral na historical o
pangkasaysayan.

_________________9. tumutukoy ito sa istatistikal na gagamitin sa pag-aaral. Kailangang


angkop ito sa mga datos upang magkaroon ng tiyak na paglalarawan

_________________10. gumagamit ng grap upang ipakita ang paghahambing at pagbabago ng


datos.

V. Takdang Aralin

Panuto: Pumili ng isang paksa na napapanahong isyu at gumawa ng limang survey na


katanungan.

You might also like