You are on page 1of 4

I.

Layunin

 Natutukoy ang bahagi at sangkap ng sanaysay


 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pag-papahalaga sa
sanaysay
 Nasusulat ng sariling sanaysay hango sa sariling buhay

II. Paksang Aralin

A. Paksa Sanaysay at Dalawang Uri nito

B. Sanggunian https://tl.wikipedia.org/wiki/Sanaysay

Tarp papel, pandikit printer


C. Kagamitan

III. Istratehiya

A. Panimulang Gawain
• Pagbati
• Panalangin
• Pagtatala ng Liban

B. Panlinang na Gawain

 Pagbabalik-Aral
Ang Guro ay magtatanong patungkol sa paksang tinalakay noong
huling pagtitipo. (Anekdota)
 Pagganyak
Ang Guro ay magpapakita ng larawan at tutukuyin ng mga mag-
aaral kung ano ang kanilang napansin ukol dito.

IV. Pagtalakay sa Aralin

A. Aktibiti

Ang Guro ay hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mga mag-aaral,


magpapanuod ang guro ng dalawang uri ng bidyo patungkol sa isang
sulat.
Bawat pangkat ay magtatala kung ano ang pagkakaiba at pagkatulad nito.

B. Analisis

1. Batay sa inyong napanuod, ano ang inyong naitala?


2. May pagkakatulad ba ang bidyo na inyong napanuod?
C. Abstraksyon

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng


personal na kuru-kuro ng may-akda.

Dalawang uri ng sanaysay


Pormal
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid
ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng
maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din
ito dahil makahulugan, matalinhaga, at matayutay ang mga
pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang
tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan.


Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga
balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang
panauhan sa paglalahad.

Di-pormal
Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay
mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa
mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal. Idinidiin dito ang
mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas
ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging
sangkot ang mambabasa sa kanyang pananalita at parang nakikipag-
usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at
madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil
palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang
panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.
F. Aplikasyon

Panuto: Gumawa ng pagsusuri sa binasang sanaysay batay sa kasunod na


diagram.

PANIMULA KATAWAN WAKAS

IV. Ebalwasyon
Panuto: Humanap ng kapares at bumuo ng isang sanaysay hango sa nabasang
sanaysay na “alegorya ng kuweba” ilahad ang inyong saloobin gawin ito 15
minuto.

PAMANTAYAN

Nilalaman 25%

Pagkamalikhain 25%

Mensahe 50%

V. Takdang Aralin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa pinakamahalagang


bahagi ng iyong buhay, Sundin ang rubriks sa ibaba.

PAMANTAYAN
Nilalaman 25%
Pagkamalikhain 25%
Maayos na Paglalahad gamit ang 50%
mga bahagi ng sanaysay

You might also like