You are on page 1of 5

I.

Layunin:

 Nababatid ang mensahe ng kwento


 Nailalarawan ang sarili sa kwentong napakinggan
 Magamit sa pang araw-araw na pamumuhay ang aral na kapupulutan sa kwento

II. Paksang Aralin

Paksa Ang Agila at ang Maya

Sanggunian https://pinoycollection.com/ang-agila-at-ang-maya/

kagamitan visual aids, marker, cartolina

A. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid aralan
 Pagtala ng liban

B. Panlinang na Gawain

 Balik aral
Ang Guro ay magtatanong sa mga mag-aaral patungkol sa paksang tinalakay sa
nakraang pagtitipon.
 Pagganyak

Ang Guro ay magpapakita ng mga larawan ng iba’t-ibang uri ng hayop at tutukuyin ito
ng mga mag-aaral batay sa character nitong kanilang napanuod sa telebisyon o
palabas.

III. Pagtalakay sa Aralin

A. Aktibi

Ang Guro ay hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.

Panuto: Bawat pangkat ay magtatala ng mga pamagat ng palabas o kwento na ang


mga karakter ay mga hayop. Kung sino ay may pinakamaraming naitala ay may
karagdagang puntos sa partisipasyon o resitisyon.

B. Analisis

Batay sa inyong mga naitalang mga pamagat, ano ang inyong hinangaan bilang isang
karakter sa kwento?
Sa kanilang ipinamalas na husay at talento, karapat-dapat bang silang maging isang
huwaran o tularan?

C. Abstraksyon

“Ang Agila at ang Maya”

(Kwentong Pabula)

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad
at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang
paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?”
buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para
maturuan niya ng leksyon.

“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”

Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak
niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong
maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng
kahit anong bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga
naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo, payag na payag ako.”

“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas
na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya
nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas


na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan
si Agila, kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan
kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at


tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral

 Huwag maging mayabang.

 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba.

 Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa.

 Gamitin ang talino sa tamang paraan.

Gabay na Tanong:

1 Ano ang pamagat ng kuwento?

2 Sino ang mga tauhan sa kuwentong Pabula?

C. Aplikasyon

Pagkatapos ng talakayan ay hahatiin ng Guro sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral at


bawat pangkat ay pipili ng isang uri ng pabula.

Ang pabulang kanilang mapili ay kukuha lamng ng isang tagpo ng pangyayri at kanila
itong isasadula sa harap ng klase.

nakukuha ang malinaw ang Kaayusan ng Kabuuan


damdamin ng pagkalahad presentasyon 100%
manunuod ng kwento 50%
25% 25%
Unang
Pangkat
Pangalawang
Pangkat
Pangatlong
Pangkat

D. Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan.

1. Sino ang karakter sa kwento?


2. Ano ang paksa ng kwentong binasa?
3. Anong katangian mayroon si Agila?
4. Ano ang kanilang bit-bit habang nasa karera?
5. Sino ang nanalo sa karera?

Takdang Aralin

Basahin o panuurin ang kwentong Parabula na ang pamagat ay “Ang Alibughang Anak”
itala ang mga sumusunod:

1. Tauhan sa kwento

2. Pangyayari sa kwento

3. Kapupulutang aral sa kwento

You might also like