You are on page 1of 5

I.

Layunin

 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggan parabula na naglalahad ng


katotohanan, kabutihan at kagandahang asal.
 Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pasalaysay.
II. Paksang Aralin

A. Paksa Parabula (Talinhaga ng nawawalang tupa)

B. Sanggunian https://www.scribd.com/presentation/469071620/
PANG-UGNAY-SA-PAGSASALAYSAY

Kagamitang pansulat, kartolina ,


C. Kagamitan

III. Istratehiya

A. Panimulang Gawain
• Pagbati
• Panalangin
• Pagtatala ng Liban
• Pagsa-ayos ng silid aralan

B. Panlinang na Gawain

I. Pagbabalik-Aral

Tatawag ang guro ng kaniyang mag-aaral at tatanungin ito sa nakaraang talakayan.

II. Pagganyak
Ang Guro ay magpapakita ng mga larawan at paunahan na msagot ito ng mga mag-
aaral.
IV. Pagtalakay sa Aralin

A. Aktibiti

Panuto: Panoorin nang Mabuti ang parabulang: Tusong katiwala

B. Analisis

1. Bakit tatanggalin nang may-ari ang Negosyo ng kaniyang katiwala?


2. Paano siya umabot sa gano’ng kalagayan?
3. Ayon sa akda, paano gagamitin ang kayamanan?

C. Abstraksyon

Sa paksang ito, ating alamin ang ibig sabihin ng tinatawag na parabula at ang mga
iba’t ibang mga halimbawa nito.
PARABULA
 Kilala rin bilang talinghaga, talinhaga, ito ay isang maikling kwentong may aral
na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang saling Ingles ay parable na
galing naman sa salitang Griyego na parabole na ibig sabihin ay sanaysay.

 Ito rin ay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari an kung saan


nagtuturo ng ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong
na sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Narito ang halimbawa ng mga talinhaga na possileng nasa Bibliya na sinalin sa


Tagalog na mula sa website na KapitBisig:

Talinghaga ng Nawawalang Tupa

Minsan may isang pastol na may isandaang tupa na inaalagaan. Bawat isa ay
kanyang iniingatan at ginagabayan. Pinoprotektahan din niya sa mga lobo ang
kanyang mga tupa, at itinutuwid ng landas sa tuwing sila’y maglalakbay.

Ngunit isang araw, nang bilangin ng pastol ang kanyang mga tupa’y bigla siyang
nanlumo.

Siyamnapu’t siyam lamang ang kanyang bilang. May isang tupa na nawawala. Sa
katunayan, ang tupang iyon ang pinakamaliit sa lahat. At hinding-hindi niya
makakalimutan ang itsura nito at ang tinig nito, bagama’t halos pare-pareho ang
itsura ng mga tupa.

Kaagad kumilos ang pastol. Inayos niya ang siyamnapu’t siyam niyang tupa sa isang
tabi, at siya ay lumisan upang hanapin ang nawawalang tupa. Hindi lubos
maintindihan ng naiwang mga tupa kung bakit ganoon na lamang ang
pagpapahalaga ng kanilang amo sa isang nawawalang tupa at handa nitong iwan
silang siyamnapu’t siyam. Hanggang sa magbalik ang kanilang amo. Dala na nito
ang nawawalang tupa at ito ay maligayang-maligaya!

Ang sabi ng pastol sa kanyang mga tupa, Sinuman sa inyo ang mawala, hahanapin
ko din. Kung papaano kong hinanap ang isang ito. Dahil lahat kayo ay mahalaga sa
akin.

F. Aplikasyon

Panuto: Isulat sa ½ crosswise at Ibuod ang Kwentong “Ang Pinakamaliit na Bato”


I. Ebalwasyon
Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Isulat ang mga konseptong natutunan gamit ang
concept mapping organizer. Kumuha ng isang taga-ulat at ipaliwanag ito sa klase

Ano-ano ang mga konseptong natutunan sa


mga gawain ng araling tinalakay?

GRAMATIKA
PANITIKAN

PAMANTAYAN

Nilalaman 25%

Pagkamalikhain 25%

Mensahe 50%

II. Takdang Aralin

Panuto:
Bumuo ng apat na grupo at manood ng isang parabula sa youtube. Pagkatapos,
isulat samanila paper at isagawa ang mga hinihinging kasagutan sa tsart.
Kumuha ng isang taga-ulatupang ipaliwanag ito sa klase.

You might also like