You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADE 11

PAGBASA AT PAGSULAT NG IBA’T IBANG TEKSTO

TUNGO PANANALIKSIK

Inihanda ni Bb. Gyane Stefhanie R. Tolentino


BSED-Filipino (Guro)

July 17, 2023

I. LAYUNIN:

Matapos ang isang oras ng talakayan ang mag-aaral sa baitang 11 ay inaasahang:

• Nasusuri ang Kahulugan, Layunin, Katangian, Mga Uri, Elemento at Nilalaman ng


Tekstong Naratibo.
• Nabibigyang-halaga ang gamit ng Tekstong Naratibo sa pang-araw-araw na buhay.
• Nakapagsusulat ng isang halimbawa ng Tekstong Naratibo.

II. PAKSANG-ARALIN:
• Paksa: Ang Teksktong Naratibo (Kahulugan, Layunin, Katangian, Mga Uri
Elemento at Nilalaman)
• Sanggunian: Aklat ng pluma (pahina 51-57) at Internet
• Kagamitang panturo: Aklat. Banghay aralin, at Powepoint presentation

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
• Panalangin
• Pagtsek ng attendants (mga lumiban sa klase)
• Pagbati sa klase

B. Panimulang Gawain:
a) Pagganyak
 Magpapakita ang guro nang halimbawa ng mga larawan na may kaugnay sa
tekstong naratibo.

 Magtatanung ito sa klase, Kung ang mga larawan na ito ba ay isang


halimbawa ng kwento. Itataas lamang nila ang thumbs up na daliri Kung ito
ay uri ng isang naratibo o kuwento at thumbs down naman na daliri kung
hindi o mali.
b) Paglalahad
 Matapos tanungin ang mga mag-aaral ay dito na magsisimulang ilahad ng
guro ang kanilang bagong paksang aralin. (Teksong Naratibo).
 Magtatanong ulit ang guro Kung may mga ideya at pamilyar na ba sila sa
bagong paksa na pag-aaralan nila.

c) Pagtatalakay:
 matapos ulit magtanong ang guro dito na magsisimula na talakayin ang
kanilang paksang aralin.
 Iisahin na ng guro na talakayin ang bawat nilalaman ng paksang aralin sa
klase upang mas lalo pang maunawaan ng mag-aaral ang bawat
detalyadong nilalaman ng tekstong naratibo.

d) Paglalahat:
 Pagkatapos talakayin ng guro ang paksang aralin, ito ay magbibigay ng
mahahalagang aral sa paksang aralin na kaniyang itinuro at ito ay para sa
oras ng pagtatapos ng kanilang talakayan.
 Ang kahalagahan ng Naratibo ay maisakatuparan ang paglalahad ng mga
panyayari sa ating buhay na ayon sa pagkakasunod-sunod at nasa ayos na
porma. Isa itong paalala sa bawat isa na ang bawat detalye ng ating buhay
ay mahalaga at nasa ayos na porma. Kung ating iisipin ay maraming
pagkakataon na madadagpanan ang patuloy na paglago natin sa buhay kung
kaya’t ang istorya natin ay hindi pa nagwawakas.

IV. Ebalwasyon
 Magpapakita ng 5 katanungan ang guro. Ito ay mga klasi ng maraming pagpipilian
(Mutiple choice) pagkatapos ng kanilang diskasyon upang sa ganun malaman ng
guro kung sila ba ay nakikinig sa talakayan.
1. Anong uri ng teksto ang nagsasalaysay o nagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod na
pangyayari?

A. Testong Naratibo

B. Tekstong Persweysib

C. Tekstong Diskriptibo

D. Tekstong Prosidyural

Sagot. A

2. Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng isang Tesktong Naratibo. Hindi magiging madali ang pagsisimula
ng teksto Kung wala ito.

A.tauhan

B.tagpuan

C.banghay

D.paksa o tema

Sagot. D

3. Lahat ng mga nabangit ay mga uri ng Tekstong Naratibo maliban lamang sa isa?

A. Dula

B. Maikling Kuwento

C. Papel

D. Parabula

Sagot. C

4. Isang katangian ng Tesktong Naratibo na ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
dayalogo, saloobin o damdamin. Gumagamit ito ng Panipi.

A. Tuwirang Pagpapahayag

B. Di- Tuwirang Pagpapahayag


C. A-B

D. Lahat ng Nabangit

Sagot. A

5. Hindi inaasahan ng mga residente sa bagong baryo ang malakas na agos ng baha nang manalasa ang
bagyong Ulysses. Ano uri ng suliranin ang mababakas sa pahayag?

A. Tao laban sa Tao

B. Tao laban sa sarili

C. Tao laban sa kalikasan

D. Tao laban sa Hayop

Sagot. C

V. Takdang Aralin: “KUWENTO KO ITO”

 Gumawa ng sariling bersyon ng tekstong naratibo. Maaring sariling mong


maikling kwento o Malaya kang pumili ng iyong sariling paksa. Dapat
isaalang-alang ang mga pinag-aralang elemento. Ipapasa ito sa lunes.

Pamantayan sa Paggawa ng Tekstong Naratibo


Paglalarawan puntos
Sariling gawa/ orihinal na gawa 10%
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat 10%
ng tekstong naratibo (wika o Gramatika)
Organisado ang mga ideya 10%
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin 5%
Nakakpagbigay aral ang ginawang tesktong 5%
naratibo
Kabuuan: 40%

You might also like