You are on page 1of 9

GOV. ALFONSO D.

TAN COLLEGE
Maloro, Tangub City

INSTITUTE OF TEACHER EDUCATION

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. IMPORMASYON

Paksa: Mga Pangunahin at Pantulong na Kaisipan

Baitang: 7 Nakalaang Oras: 50 minuto

Guro: Abigael Amor V. Damas

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng


Pangnilalaman: Luzon

Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting)


Pagganap: tungkol sa kanilang sariling lugar

Kasanayang Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahing at pantulong na


Pampagkatuto: kaisipan (F7PB-IIIf-g-17)

Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan mula sa isang tekstong
binasa;

b. naibubuod ang tekstong Ang Ningning at Ang Liwanag sa tulong ng


pangunahing at pantulong na kaisipan; at

c. napapahalagahan ang pagkakaroon ng pangunahing at mga pantulong na


kaisipan.
Sanggunian: Panitikang Rehiyonal 7 (Kagamitan ng Mag-aaral)

Kagamitan: PowerPoint presentation, laptop, LCD, learning materials

Kasanayan: Pakikinig, Pagbabasa, Pagsusulat

Kakayahan: kolaborasyon

Pamamaraan: Pabuod

II. KARANASANG PAMPAGKATUTO

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A.Paghahanda

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Panalangin)

Magandang umaga klas! Magandang umaga din po ma’am.

Bago kayo umupo, pakihanay nang maayos ang (Ginawa ng mga mag-aaral)
inyong upuan at pulutin ang mga papel sa sahig.

Ngayon ay magtatala ako ng mga lumiban sa ating (Attendance)


klase.

Bago ang lahat klas, may mga alituntunin akong


inihanda upang sa ganoon ay matiwasay ang ating
klase sa ara na ito.
1. Una, huwag makipag-usap sa iyong katabi
kapag nagsasalita ang guro sa harap.
2. Pangalawa, itaas ang kanang kamay kapag
may mga sagot o katanungan.
3. At ang pangatlo, magbigay respeto sa guro
at sa inyong mga kakalse.

Naiintindihan ba klas? Opo ma’am.

a. Balik-aral

Bago tayo dumako sa ating panibagong talakayan, Ang tinalakay natin kapaon ay tungkol sa mga
ano nga uli ang tinalakay natin kahon? pahayag na ginamit sa simula, gitna at wakas ng
kuwento.

Magaling! Ang tinalakay natin kahapon ang


patungkol sa mga pahayag o salitang gagamitin
natin sa simula, gitna at wakas kapag tayo ay
susulat ng isang kuwento o ito’y tinatawag na
hudyat o mga panandang salita.

Ano nga uli ang tatlong bahagi ng isang kuwento o Ang tatlong bahagi ng isang kuwento o akda ay
akda? ang panimula/simula, gitna at wakas.

Magaling! Ito ay ang simula, gitna at wakas.

Wari koy naintindihan niyo na ang talakayan natin


kapon. Kaya ngayon ay may ipapakita akong
larawan sa inyo.

Paggganyak

Ngayon klas, bago tayo dumako sa ating pormal na


talakayan, pansinin niyo muna ang larawan na
nasa ibaba. Sa isang kaganapang pansilid, madalas
mapag-usapan ang kahalagahan ng isang tahanan.
Ilahad at ipaliwanag sa klase ang parte ng bahay na
may pinakamalaki at pangunahing papel sa isang
tahanan (hal. Haligi, hagdan, bubong atbp.)

Sinong gustong magbahagi?


Ako po ma’am.
Okay magsimula na.
Ang parte ng bahay na may pinakamalaki at
pangunahing papel sa isang tahanan ay ang haligi
po ma’am dahil po hindi po mabubuo ang isang
bahay kung walang haligi po.
Mahusay! Isa sa parte ng bahay na may
pinakamalaki at pangunahing papel sa isang
tahanan ay ang haligi dahil hindi mabubuo ang
isang bahay kung walang haligi. Hindi ito
matatawag na tahanan kung kulang ang parte ng
isang bahay.

Ano naman ang mga pantulong na magagamit sa Ang bubong po ma’am dahil hindi po mabubuo
pagbuo ng isang bahay upang matawag na tahanan at matatawag na tahanan ang isang bahay kung
klas? wla pong bubong.

Tama! Ang bahay klas ay hindi matatawag na


tahanan kung wala itong bubong dahil hindi ito
nakatatayo ng mag-isa klas kumpara sa haligi.

Katulad na lamang ng isang akda o isang sanaysay


klas, kinakailangang meron itong pangunahing
papel o kaisipan upang matawag na isang
sanaysay. Meron itong pangunahing kaisipan na
kung saan nakapaloob ang kabuuang diwa ng isang
sulatin at meron rin itong pantulong na kaisipan
upang masuportahan ang pangunahing kaisipan na
matatawag nating akda o sanaysay.

B. Paglalahad

Sa araw na ito, gusto kong makinig kayo ng


mabuti dahil tatalakayin natin ang.

Basahin sa lahat ng sabay-sabay. “Mga Pangunahin at Pantulong na Kaisipan”

a. Paglalahad ng Nilalayon

Pero bago ang lahat, para maging maayos ang


daloy ng ating tatalakayin ngayong umaga ay may
inihanda akong mga layuning nais kong makamtan
ninyo sa katapusan ng ating talakayan.

Basahin sa lahat. Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. natutukoy ang mga pangunahin at pantulong
kaisipan mula sa isang tekstong binasa.

b. naibubuod ang tekstong Ang Ningning at Ang


Liwanag sa tulong ng pangunahing at pantulong
na kaisipan; at

c. napapahalagahan ang pagkakaroon ng


pangunahing at mga pantulong na kaisipan

C. Pagtatalakay
Sa umagang ito klas ay ating tatalakayin ang Mga
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan. Pero bago
iyan, ano ba ang pagbubuod klas?

Basahin mo ito. (tumawag ng mag-aaral)

Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli


ng anomang teksto o babasahin. Sa paraang ito ay
kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan
ng teksto. Kung maikling kwento ang binubuod o
nilalagom, kailangan ang pagkasusunod-sunod ng
mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot
ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang
maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang
teksto naman ay isang ekspositori, maaaring
ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit
upang maayos at mabisa ang paglalahad.
Maraming salamat. So ang pagbubuod klas ay ito
lamang ang simpleng pagpapaikli ng isang teksto o
babasahin dahil kinukuha lamang nito ang mga
mahahalagang kaisipan ng isang teksto o
babasahin.

May mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa


pagbubuod. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Basahing mabuti ang buong akda upang


maunawaan ang buong diwa nito.

2. Tukuyin ang pangungusap na


nagpapahayag ng pangunahin at
pinakamahalagang kaisipan ng talata.

3. Isulat ang buod sa paraang madaling


maunawaan.

4. Gumamit ng sariling pananalita.

5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng


orihinal na akda.

6. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na


ano, saan, sino, kailan, at bakit.

Ang pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan


at paksang pangungusap ay kabilang sa mga
bahagi ng isang huwarang talata.

Pangunahing Kaisipan
- tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang
diwa ay ang kaisipan o ideyang
binibigyang-diin sa tekstong kadalasang
matatagpuan sa pangunahing
pangungusap.

Pantulong na Kaisipan
- kaisipang tumutulong upang mas
mapalitaw ang pangunahing kaisipan. Sa
tulong ng mga pantulong na kaisipan ay
mas nauunawaan ng mambabasa ang
diwang nais iparating ng teksto. Ang mga
pantulong na kaisipan ay kadalasang
matatagpuan sa mga pansuportang detalye.

Paksang pangungusap
- pangungusap na matatagpuan sa unahan o
hulihan ng isang talata.
- Ang paksang pangungusap ay naglalahad
ng pangunahing paksa o kabuuang diwa
ng buong talata. Ito ay maaaring
matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng
talata. Sa Ingles, ito ay tinatawag na "topic
sentence".Ang paksang pangungusap ay
naglalahad ng pangunahing paksa o
kabuuang diwa.

Ating bigyang pansin ang talatang ito.

Halimbawa:

Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang


tao. Kapag matatag ang loob ng isang tao ay
nalalampasan niya ang bawat pagsubok.
Anuman ang pagsubok na dumating ay hindi
niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas
na hinaharap. Kaya mahalagang, ang isang
tao ay may matatag na kalooban.

Narito ang pagpapaliwanag:

Ang Pangunahing Kaisipan sa talatang inyong


napakinggan kanina ay

– Ang katatagan ng loob


- Ito ang pangunahing kaisipan dahil ito ang
diwa ng buong talata.

Ang Pantulong na Kaisipan naman ay

– Anuman ang pagsubok na dumating ay hindi


niya ito inaayawan. Sa halip, ay buong lakas
niyang hinaharap.
- Ito ang pantulong na kaisipan dahil ito ang
kaisipang tumutulong upang mas
mapalitaw ang pangunahing kaisipan.
At ang Paksang Pangungusap naman ay

– Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang


tao.
- Ito ang paksang pangungusap dahil ito
pangungusap na matatagpuan sa unahan o
hulihan ng isang talata.

D. Paghahambing Ang pangunahing kaisipan ay ito ang diwa ng


buong tatala o kuwento. Ang pantulong na
Ngayon klas, ano ba ang kaibahan ng pangunahing kaisipan naman ay kaisipan na tumutulong upang
kaisipan at pantulong na kaisipan? mapalitaw ang pangunahing kaisipan.

Tama! Ang tanging kaibahan lang nila klas ay ang


pangunahing kaisipan ay matatagpuan lamang sa
unang pangungusap ng isang talata o kuwento at
ito lamang ang buong diwan ga talata o kuwento
samantalang ang pantulong na kaisipan ay
matatagpuan sa pangalawa o pansuportang ideya o
kaisipan ng talata o kuwento.

E. Palalahat Ang pagbubuod ay ang paraan ng pagpapaikli ng


anomang teksto o babasahin.
Ano nga ulit ang pagbubuod klas?
Isang maikling kuwento po ma’am.

Magbigay ng halimbawa ng teksto o babasahin na


pwedeng magkakaroon ng pagbubuod klas.

Tama! Ang maikling kuwento ay isang halimbawa


ng babasahin na pwedeng ibuod. Pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan at
paksang pangungusap.
Ano nga uli ang tatlong bahagi ng huwarang
talata?

Tama! Ito ay pangunahing kaisipan, pantulong na Opo ma’am.


kaisipan at paksang pangungusap.

Naintndihan ba klas?

Mabuti kung ganon.


Mahalaga ang pagkakaroon ng pangunahing
F. Pagpapahalaga kaisipan at mga pantulong na kaisipan kapag
sususlat ng isang talata o kuwento dahil
Ngayon klas, gaano ba kahalaga ang pagkakaroon magdadagdag ito ng kabuluhan sa isang talata.
ng pangunahing kaisipan at mga pantulong na
kaisipan lalo na sa pagsulat ng isang talata o
kuwento?
Magaling! Ito ay magdadagdag ng kabuluhan sa
iyong isinulat na talata o kuwento na maaaring
kapupulutan ng aral ng mga mambabasa. Ito rin ay
nangangahulugang ang isang talata o kuwento ay
may maayos paksa o mensahe na gustong iparating Opo ma’am.
ng sumulat.

Naintindihan ba klas?

G. Paglalapat

Panuto: Gumawa ng buod sa sanaysay na “Ang


Ningning at Ang Liwanag” ni Emilio Jacinto at
kompletuhin ang graphic organizer na nasa ibaba.
Upang masagot ang hinihingi ng gawaing ito,
mayroong mga gabay na tanong na maaaring
gamitin kasunod ng graphic organizer.

Ang Ningning At Ang Liwanag


Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira


ng paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng
mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng
mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy


na sikat ng araw ay nagniningning ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag


mabighani sa ningning. Sa katunayan ng
masamang nakaugalian: nagdaraan ang isang
karwaheng maningning na hinihila ng kabayong
matulin. Tayo’y nagpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil
naman ay isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng
kanyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas
na tinataglay ay natatago ang isang pusong
sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na


nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
mapapangiti at isasaloob: Saan kaya ninakaw?
Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng
kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na
siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang


nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang tao


at ang bayan ay namumuhay sa hinagpis at dalita.

Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang


mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng
kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na
maningning, lalong-lalo na ang mga hari at mga
pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng
kanilang mga kampon, at walang ibang nasa kundi
ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at
ikamatay ng bayan na nagbigay sa kanila ng
kapangyarihang ito.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning;


huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa
dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng
maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at


hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag
at magandang-asal at matapat na loob, ang kahit
sino ay walang mapagningning pagkat di natin
pahahalagahan, at ang mga isip at akalang ano pa
man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na landas ng
katwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasan ay


humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas
ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig
na dalisay ay hubad, mahinhin, at maliwanag na
napatatanaw sa paningin.

Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko,


ay matuto kayang kumuha ng halimbawa at lakas
sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga
kaapihan?

III. EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang tekso.
Salungguhitan ang pangunahing kaisapan
at bilugan ang mga pantulong na kaisipan sa loob
ng kahon.

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para


makapagsalita at utak para
makapagisip.Iyan ang paulit-ulit na
dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing
nalalaman niyang hindi na naman ako
nagsalita upang ipagtanggol ang aking
sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi
nagsasabi ng tunay na nararamdaman at
hinaing. Napag-isip-isip kong may punto
naman siya doon. Tama naman talaga siya.
Ginagamit natin ang ating mga bibig para
maisalita kung ano ang ating mga saloobin
kaagapay ang utak upang iproseso ang mga
napapansin at kapansin-pansing mga bagay-
bagay na nangyari sa ating paligid.

IV. TAKDANG-ARALIN (optional)

Inihanda ni:
Abigael Amor V. Damas
Demonstrator

Sinuri ni:
Mrs. Fe Marivic S. Bongabong
Cooperating Teacher

Approved for class utilization:


__________________________
Course Instructor

You might also like