You are on page 1of 3

Paaralan Buanoy National High School Grade Level Grade 7

Guro Ginoong. Marc Denzel T. Garcia Learning Area FILIPINO


Petsa Marso 02, 2023 ( 06:00am-02:45pm) Quarter 3

DDDDdddGDGHGDHGHG
dsd

MELC Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at pantulong na


kaisipan F7PB-IIIf-g-17
MELC CODE

I. LAYUNIN
A. Pangkaalaman
● Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at pantulong na kaisipan,

B. Pangkasanayan
● Nagagamit ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan sa pagbubuod mula sa sanaysay
na binasa,

C. Pangkaasalan

● Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong kaisipan mula sa isang tekstong binasa.

II. PAKSA
● Sanaysay: Pangunahin at Pantulong na kaisipan

PLUMA 7
Kagamitang Panturo libro, kwaderno, plain chart.

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA

a. Panimulang Gawain ● Panalangin

● Pagsasaayos ng mga upuan at pagtatala ng lumiban

● Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin

b. Pag-uugnay ng mga Pangkatang Gawain:


halimbawa sa bagong
aralin
Panuto:

Hahatiin ang klase sa apat na pangkat at kailangang mag-unahan sila sa pagbuo ng mga
jumbled letters.. Ang unang pangkat na makabuo at
makabahagi ng kanilang ideya o opinyon sa klase ay magkakaroon ng sampung puntos.

SANAYSAY
BUOD
INTERNET
PAKSA
TALATA

c. Balik- Aral sa Pagbabalik-aral sa nakaraang-aralin.


nakaraang aralin at/o
pagsisimula ng Mga Gabay na Tanong:
bagong aralin 1. Mahilig ka bang magbasa ng mga sanaysay?

B. ANALISIS Guro:

Ang mga nabuo ninyong mga salita ay ang ating tatalakayin ngayong araw.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang napapansin nyo sa mga salitang inyong nabuo?
2. Ano-anong mga sanaysay na ba ang inyong mga nabasa?
3. Kung pa pipiliin kayo sa mga sanaysay na nabasa ninyo, ano ang iyong pinaka nagustuhan?
at bakit?

C. ABSTRAKSYON Guro: Ngayon naman ay tatalakayin natin ang maaring mabasa sa sanaysay, at yan ay ang
Pangunahing kaisipan at ang Pantulong na kaisipan.

Pangunahing kaisipan- Ito ang tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa.
Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata.

Pantulong na kaisipan- Nagtataglay ng mahalagang impormasyon o mga detalye na sumusuporta


sa pangunahing kaisipan. Ito rin ang gumagabay sa mambabasa upang maunawaan ang nilalaman
ng talata.

HALIMBAWA: Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba't ibang dahilan
kung bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maari ka ring maglaro online games.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang site.

Guro: Pagkatapos nating natalakay ang Pangunahing kaisipan at Pantulong na kaisipan, babasahin
natin ang sanaysay na pinamagatang “Nang maging mendiola ko ang internet dahil kay Mama”.
(I gugrupo ng guro ang mga mag-aaral sa tatlo para basahin ang sanaysay kada talata nito.)

D. APLIKASYON Guro: Matapos nating mabasa ang sanaysay, Subukan nating sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?

2. Ano ang nais ipaunawa sa akin ng awtor tungkol sa paksa?

3. Batay sa akda, bakit na naging Mendiola niya ang internet?

4. Ano ang pangunahing kaisipan na tumatak sa iyong isipan mula sa akda?

5. Sang-ayon ka ba sa pahayag na “Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa


pagsasalita?” Bakit?

E. PAGLALAGOM Guro: Magbibigay ng mga katanungan sa mga mag-aaral.

1. Sino sa inyo ang makakapag bahagi ng inyong natutunan tungkol sa ating paksang
tinalakay?
2. Bakit importante ang paggamit ng pangunahin at pantulong na kaisipan sa pagsulat ng
isang sanaysay?
3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pangunahin at pantulong na kaisipan.

F. PAGTATAYA Gumawa ng buod mula sa iyong binasa na sanaysay na pinamagatang “Nang maging Mendiola ko
ang Internet dahil kay Mama” gamit ang Pangunahin at Pantulong na kaisipan.

G. TAKDANG-ARALIN Sumulat ng isang talata na naglalaman ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.


Salungguhitan ang pangunahing kaisipan at bilugan naman ang pantulong na kaisipan nito.

VI. PAGNINILAY Magnilay sa iyong mga istratehyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo.
Paano mo ito naisakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang
maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong
pagkikita
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng magaaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ang aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Pa
Prepared by: Checked by:

MARC DENZEL T. GARCIA MS. MARIA HENGEL QUINDAO SEREÑO


Mentee Mentor

You might also like