You are on page 1of 16

7

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsusuri ng mga Salitang
Ginamit sa Pagsulat ng Balita
Ikatlong Markahan - Ikapitong Linggo
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsusuri ng mga Salitang Ginamit sa Pagsulat ng Balita
Ikatlong Markahan - Ikapitong Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Manunulat: Catherine L. Andrade
Editor: May Cabarrubias
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Andrew B. Valentino
Tagaguhit at Taga-anyo: Rey Mar Hipolito
Tagalapat: Bryan M. Balintec
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsusuri ng mga Salitang
Ginamit sa Pagsulat ng Balita

Panimula

Mahilig ka bang makinig, manood, o magbasa ng balita? Ano ang


maibabalita mo ngayon kung ikaw ang tatanungin?
Mahalaga ang pakikinig o panonood ng balita sa radyo man o sa telebisiyon,
maging ang pagbabasa ng mga ito sa pahayagan. Dito ay nalalaman natin ang mga
pangyayari sa ating paligid. Sa pakikinig o pagbabasa ng balita, mahalaga na ito’y
maunawaan natin sapagkat maaari tayong pagmulan ng tinatawag na fake news
kung tayo ay magbabahagi ng mga balitang hindi naman natin lubos na alam o
naunawaan.
Sa araling ito ay iyong matututuhan ang pagsusuri sa mga salitang ginamit
sa pagsulat ng balita sa tulong ng napakinggan o nabasang balita. Handa ka na
ba? Halika at ating linangin ang panibagong kasanayan para sa linggong ito.

Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa


napakinggang halimbawa (F7PN-IIIj-17).

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang wastong gamit ng mga salita sa napakinggang balita;
2. naiisa-isa ang mga salitang angkop sa pagsulat ng napakinggang balita;
at
3. nasusuri mula sa sariling likhang balita ang mga salitang ginamit batay
sa itinakdang pamantayan.

Balik-Aral

Sa nakaraang aralin ay nalinang ang iyong kasanayan sa pagsuri sa mga


elemento at sosyo-historikal na konteksto ng dulang pantelebisyon. Bago ka
magpatuloy sa panibagong aralin ay magbalik-aral tayo sa mga elemento ng
dulang pantelebisyon.

Panuto: Hanapin ang mga elemento ng dulang pantelebisyon na nakapaloob sa


puzzle. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

B T K N A H U A T A Q R D Y P
A Q Z X C V B E D B S D I R Y
K U W E N T O F C U V F Y Q O
I R A X F H G T Y J K L A S Z
S A E P B C I F B N R J L Z N
U Z F Q O D J V K H L S O H I
M S D C N E B W K B R M G Z M
K W D F C F J N F Z Y I O X V
U T D I R E K S I Y O N R E L
O C S Z W H C B I Z R J T K C
P E I A V G E X D W G Y X H Q
S I N E M A T O G R A P I Y A

2|Pahina
Mahusay ang iyong pagkilala at ginawang paghanap sa mga elemento ng
dulang pantelebisyon!

Pagtalakay sa Paksa

Panuto: Basahin at suriin ang balita. Bigyang-pansin ang mga salitang ginamit sa
balitang iyong babasahin o pakikinggan. Sagutan ang mga gabay na tanong sa
hiwalay na sagutang papel.

Maramihang Pagtitipon sa Zambales, Hinigpitan Ngayong Kapaskuhan


ni Catherine Andrade, San Guillermo National High School

Alinsunod sa Proclamation No. 929, pinirmahan ngayong araw, Disyembre


14, ni Gob. Hermogenes Ebdane ang Executive Order no. 28, s. 2020 na
naglalayong maglabas ng mga bagong patakaran simula Disyembre 15 hanggang
Enero 3, 2021 kaugnay sa paghihigpit sa mga nalalapit na pagdiriwang tulad ng
Pasko at Bagong Taon.

Nakasaad sa nasabing order ang bagong curfew hours na magsisimula sa


ika-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng madaling araw, ang pagpapahintulot sa
loob ng simbahan ng 30% katao lamang, pagbabawal sa may edad 15 pababa at 65
pataas na pumunta sa simbahan o dumalo sa anumang gawaing pansimbahan,
tsaka ang nakagawiang tradisyon tulad ng pangangaroling, holiday parties ng mga
opisina, at family reunion ay hindi rin pinahihintulutan.

“In line with the needs and prohibitions at this time of pandemic, I would
like to inform each and everyone that I have to strictly adhere to the Executive
Order I issued in compliance to IATF pronouncement banning/limiting specific
activities that do not conform to established ‘health and safety protocols’ versus
potential spread of CoViD-19,” sabi ni Gob. Ebdane sa kaniyang opisyal na
facebook account.

Ipinatupad ang kautusang ito dahil sa dumaraming kaso ng CoViD-19 sa


buong lalawigan dahil sa paglabag ng karamihan sa health protocols.

May karampatang parusa naman ang sinumang lalabag sa kautusang ito


alinsunod sa nakasaad na batas at ordinansa ng lokal na pamahalaan.

3|Pahina
Inihayag din ng gobernador na walang magarbong pagdiriwang o anumang
gawaing may kaugnayan sa kaniyang nalalapit na kaarawan sa Disyembre 31.

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Saan patungkol ang binasa o napakinggang balita?
2. Bakit ipinagbabawal ang maramihang pagtitipon sa lalawigan ng Zambales?
3. Ano ang napansin mo sa mga salitang ginamit sa balitang iyong binasa o
pinakinggan?

Ang iyong binasa o pinakinggan ay isang halimbawa ng balita. Sa pagsulat ng


balita, tandaan ang tatlong salik:

1. Mga pangyayari o detalye - ang mga pangyayari ay factual, totoo at


tumpak.
2. Kawilihan - maayos at malinaw ang pagbibigay ng detalye.
3. Mambabasa - isaalang-alang ang mga salitang ginamit, dapat ito ay
madaling maintindihan ng mambabasa.

Hakbang sa Pagsulat ng Balita


1. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan
2. Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay.
3. Isulat ang balita ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari batay sa
pababang kahalagahan.

Narito naman ang batayang ayos sa pagsulat ng balita:

Pamatnubay Halimbawa: Alinsunod sa Proclamation No. 929, pinirmahan


ngayong araw, Disyembre 14, ni Gob. Hermogenes Ebdane ang
Executive Order no. 28, s. 2020 na naglalayong maglabas ng
mga bagong patakaran simula Disyembre 15 hanggang Enero
3, 2021 kaugnay sa paghihigpit sa mga nalalapit na
pagdiriwang tulad ng Pasko at Bagong Taon.

4|Pahina
Datos 1 Halimbawa: Nakasaad sa nasabing order ang bagong curfew
hours na magsisimula sa ika-10:00 ng gabi hanggang ika-4:00
ng madaling araw, ang pagpapahintulot sa loob ng simbahan
ng 30% katao lamang, pagbabawal sa may edad 15 pababa at
65 pataas na pumunta sa simbahan o dumalo sa anumang
gawaing pansimbahan, tsaka ang nakagawiang tradisyon
tulad ng pangangaroling, holiday parties ng mga opisina, at
family reunion ay hindi rin pinahihintulutan.

Datos 2 Halimbawa: Ipinatupad ang kautusang ito dahil sa


dumaraming kaso ng CoViD-19 sa buong lalawigan dahil sa
paglabag ng karamihan sa health protocols.

Datos 3 Halimbawa: May karampatang parusa naman ang sinumang


lalabag sa kautusang ito alinsunod sa nakasaad na batas at
ordinansa ng lokal na pamahalaan.

Tandaan:

Sa pagsulat ng balita ay kailangang gumamit ng payak at tiyak na salita.


Ang mga pang-uri at pang-abay ay dapat magbigay-daan sa mga pandiwa at
pangngalan. Iwasan ang paggamit ng mga ‘di karaniwang salita (Cruz, 2003).

Paalala para sa mga Tagapagdaloy/Magulang: Basahin nang malinaw ang balita


upang magabayan ang mag-aaral sa gagawing pagsusuri sa napakinggang balita.

5|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang balita mula sa isang pahayagan. Suriin ang mga salitang
ginamit sa balita sa pamamagitan ng pagtatala sa talahanayan ng mga salitang
hindi angkop ang gamit. Itala ang angkop na salitang maaaring ipalit dito. Gawing
gabay ang halimbawang ibinigay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Presyo ng gulay, isda, karne sumirit


ulat ni Joy Cantos, Pilipino Star Ngayon
January 9, 2021

MANILA, Philippines — Mariing kinalampag ni Gabriela Partylist Rep. Arlene


Brosas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna na rin ng patuloy na
pagsirit ng presyo ng gulay, isda, baboy, manok at iba pang mga pangunahing
bilihin sa mga palengke na dagdag pahirap sa mamamayan sa panahon ng COVID-
19 pandemic.

Sinabi ni Brosas, Assistant Minority Leader na lubhang nakakaalarma na sa


pagpasok ng 2021 ay lalo pang sumipa ang sobrang taas ng mga bilihin sa
palengke.

Ang presyo ng talong na mula P140 kada kilo ay pumalo na sa P180;


kalabasa mula sa P40/kilo ay P180 na; ang manok na P160 ay P200 hanggang
maging P220 na ito.

Ang siling labuyo ay mula sa P600 ay tumaas sa P1,000 hanggang P1,200


ang kilo; ampalaya na P80 ay pumalo sa P200; kada tali ng talbos mula sa dating
P10 ay naging P20 na sobrang konti lang.

Idinagdag pa dito ang sobrang mahal ng isda na ang presyo ng lapu-lapu


mula sa dating P580 ay naging P1,000; hipon P800,00 hanggang P1,000. Sumipa
rin ang presyo ng baboy, baka at iba pa.

Muli ring nanawagan si Brosas sa Department of Social Welfare and


Development (DSWD) na mamahagi ng P10,000 cash aid sa mahihirap na
mamamayan dahil hindi pa ang mga ito nakakabangon sa pandemya.

Idinagdag pa nito na makakatulong ng malaki ang epektibong price freeze


na dapat ipatupad ng DTI sa gitna na rin ng pagsasamantala ng ilang mga
negosyante.

6|Pahina
Salitang Hindi Angkop sa Balita Angkop na Salita Para sa Balita
Halimbawa: sumirit biglang nagtaas/dumoble ang presyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin o pakinggan ang balita. Pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na gawain sa iyong sagutang papel.

Face-To-Face Classes, binawi ng Pangulo


ni Catherine L. Andrade, San Guillermo National High School

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DepEd na


magsagawa ng dry run ng face-to-face classes sa mga lugar na may mabababang
kaso ng CoViD-19 na sisimulan sana ngayong darating na Enero.
Kinansela ang pilot testing dahil sa bagong strain ng virus na
pinaniniwalaang mas nakakahawa na mula sa bansang United Kingdom.
Nakahanda na ang DepEd sa pilot testing ngunit ayon kay DepEd Secretary
Leonor Briones na sila ay susunod sa kautusan ng pangulo na ipagpaliban muna
ang face to face classes para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

7|Pahina
Kinompirma ng DOH na wala pang naitala sa bansa na nakapasok na ang
bagong strain ng virus.

A. Panuto: Magtala ng mga salita na hindi angkop sa napakinggan/nabasang


balita. Pagkatapos itala ang mga ito, palitan ng mga angkop na salita. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

Salitang Hindi Angkop Mula sa Balita Salitang Angkop


1. ____________________________________ - _________________________________
2. ____________________________________ - _________________________________
3. ____________________________________ - _________________________________
4. ____________________________________ - _________________________________
5. ____________________________________ - _________________________________

B. Panuto: Gamitin ang mga naitalang angkop na salita para sa balita sa naunang
pagsasanay sa paraang nagbabalita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. ______________________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________________

8|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Bumuo ng balita batay sa mga sumusunod na impormasyon. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Ano - 2800 puno ng mangga ang natumba o napinsala


Saan - Zambales
Bakit - dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses
Sino - Mango farmers

Mga Datos:
1. Sobrang lakas ng hangin na dala ng bagyong Ulysses at nalaglag ang mga
bunga ng magga na dapat ay aanihin na.
2. Gumagawa ng paraan ang lalawigan para maitawid ang kabuhayan.
3. Umabot sa 9.5 milyon ang pinsala ayon sa Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Office

Pamantayan sa Paggawa ng Balita


1. Ang talata ay binubuo ng isang mahabang pangungusap
2. Gagawa ng tatlo (3) o mahigit pang talata
3. May pamatnubay
4. May pamagat ang balita
5. Malinaw ang mga salita at paglalahad ng impormasyon

9|Pahina
Pagsusulit

Panuto: Manood, makinig o magbasa ng isang balita. Suriin mo ang mga salitang
ginamit sa balita. Pagkatapos ay isulat mo itong muli gamit ang wastong mga
salita na angkop na gamitin sa pagsulat ng isang balita. Gawing gabay ang ibinigay
na pamantayan sa muling pagsulat ng balita. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

Pamantayan sa Muling Pagsulat ng Napanood, Napakinggan o Nabasang Balita

1. Wasto ang mga salitang ginamit sa balita - 4 puntos


2. May batayan, katotohanan at katumpakan ang balita - 2 puntos
3. Malinaw at maayos ang mga datos - 2 puntos
4. Angkop ang pagkakalahad ng balita sa mambabasa - 1 puntos
5. Malinis ang pagkakasulat ng balita - 1 puntos
Kabuoan: 10 puntos

Pangwakas

Panuto: Lapatan ng mga pahayag ang patlang ayon sa iyong natutuhan sa gawaing
pampagkatuto na ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Natutuhan ko na sa pagsulat ng balita ay dapat tandaan ang mga


pamatnubay na sumasagot sa mga tanong na _______________, _____________,
________________, _________________, ______________ at _____________________.

Mahalaga ring tandaan ang mga salitang ginagamit natin sa pang-araw-


araw na buhay lalo na sa pakikipagtalastasan sapagkat _________________
_______________________________________.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Cantos, J., 2021. Presyo Ng Gulay, Isda, Karne Sumirit. [online] Philstar.com.
Available at: <https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2021/01/09/2069242/presyo-ng-gulay-isda-karne-sumirit>
[Accessed 10 January 2021].
Ceciliano, J., 2004. Pamahayagang Pangkampus. 1st ed. Quezon City: Rex Printing
Company, pp.17-26.
CNN Phillipines. 2020. Duterte Oks Pilot Testing Of Face-To-Face Classes In Low
Risk Areas. [online]
Available at: <https://www.cnnphilippines.com/news/2020/12/14/duterte-
allows-pilot-implementation-face-to-face-classes.html> [Accessed 14 December
2020].

News, A., 2021. Utos Na Face-To-Face Classes Sa 2021 Binawi Ni Duterte. [online]
ABS-CBN News. Available at: <https://news.abs-
cbn.com/news/12/26/20/utos-na-face-to-face-classes-sa-2021-binawi-ni-
duterte> [Accessed 10 January 2021].
Perez, A., 2020. Manggo Farmers Ng Zambales, Umaaray Sa Pinsala Ng Bagyong
Ulysses. [online]
Available at: <http://oogle.com/search?source=hp&ei=xdjZX7TMFtfM-
Qb3oY6oBQ&q=mango+farmers+ng+zambales+umaaray+sa+pinsala+ng+bagyo
ng+ulysses&oq=manggo+farmers+ng+zambales+umaaray+sa+pinsala+ng+bagy
o&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgcIABDJAxANOggIABDqAhCPAToLCAAQsQM
QgwEQyQM6AggAOgUIABCxAzoFCC4QsQM6CAgAELEDEIMBOg4ILhCxAxCDA
RDHARCjAjoLCC4QsQMQxwEQowI6CAguELEDEIMBOggIABCxAxDJAzoCCC4
6CAguEMcBEKMCOgsILhCxAxDJAxCTAjoICC4QxwEQrwE6BAgAEAo6EwguEL
EDEMcBEKMCEMkDEAoQkwI6BwguELEDEAo6BwgAELEDEAo6CggAELEDEI
MBEAo6CggAELEDEMkDEAo6DQguELEDEMkDEAoQkwI6BwgAEMkDEAo6Cg
guEMcBEK8BEAo6BAgAEA06CgguEMcBEK8BEA06BggAEBYQHjoJCAAQyQM
QFhAeOgQIIRAVOggIIRAWEB0QHjoHCCEQChCgAToFCCEQoAFQtBhY7NsBYJ
vxAWgCcAB4AIABqQKIAdY5kgEGNS40My43mAEAoAEBqgEHZ3dzLXdperABC
g&sclient=psy-ab> [Accessed 13 November 2020].
WordPress, 2020 Headline Zambales Online [online]
https://headlinezambales.files.wordpress.com/2020/05/gov-
meeting1.jpg?w=900

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Balik-Aral
(Maaaring magkakaiba ang
pagkakasunod-sunod ng mga sagot.)
1. sinematograpiya
2. diyalogo
3. musika
4. direksiyon
5. tauhan
6. kuwento
Pinatnubayang Pagsasanay 1
May kaniya-kaniyang sagot ang mga
mag-aaral.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
A. May kaniya-kaniyang sagot ang mga
mag-aaral.
B. May kaniya-kaniyang sagot ang mga
mag-aaral.
Pang-isahang Pagsasanay
May kaniya-kaniyang sagot ang mga
mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-
aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa
mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like