You are on page 1of 4

Paano magsulat ng Tekstong Deskriptibo?

Tekstong Deskriptibo

- Ito ay uri ng teksto na naglalarawan sa tao, lugar, pangyayari, maging ng bagay sa malalim at
detalyadong pamamaraan.
- Isa sa mga layunin nito ay ang maramdaman at makita ng mambabasa ang mga bagay, tao,
pangyayari o lugar gamit ang iyong pananaw o point of view.
- Magkaiba man ang pananaw mayroon ang may-akda sa mambabasa, gampanin pa rin ng may-
akda na maiparamdam at maipakita ang iyong niloloob at painaniniwalaan.
- Karaniwan itong ginagamit sa pagsulat ng mga akdang-pampanitikan gaya ng mga nobela at
maikling kuwento. Sa mga akdang pampanitikan na ito, inilalarawan nang may kabisaan ang mga
tauhan at tagpuan gamit ang mga angkop na salitang naglalarawan. Ito ang dahilan kung bakit,
sa pagababasa ng mga akdang pampanitikan, nakikita ng mga mambabasa ang bawat tagpuan sa
kanilang imahinasyon na nakatutulong upang kanilang mas maunwaan ang nilalaman ng mga
ito.
- Pinakalayunin ng tekstong ito na mabigyang buhay ang realistiko at aktwal na larawan sa mga
mambabasa.
- Kailangang matutunan ninyong mga mag-aaral ang tekstong deskriptibo upang mahasa ang
inyong kakayahan sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa detalyadong pamamaraan.
- Kapag kayo naman ay naging mga propesyonal, malaking tulong din ang kaalaman sa pagsulat
ng uri ng tekstong ito upang mahasa ang inyong kaisipan sa pag-aanalisa ng mga detalye habag
binibigyang konsiderasyon ang iba’t ibang anggulo.

Balangkas sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

• Paksa
- Ito ang pinag-uusapan sa teksto.
- Tao ang pinakaraniwang ginagamit na paksa sa tekstong ito
- Mas mainam na piliin ang taong malapit sa iyo bilang paksa dahil mas mapapalalim mo ang
isinasagawa mong paglalarawan.
- Pangyayari
- Lugar
- Emosyon

Mga Bahagi ng Tekkstong Impormatibo

Pnimula

- Ipinakikilala rito ang pangunahing paksa at kung ano ang tatalakayin sa kabuoan ng sanaysay.
- Ito ay dapat na kawili-wili at makapukaw-atenyon sa mga mambabasa.
Hal.
Malaking hamon man ang pandemya ngunit hindi susuko ang
aking ama at ina. Patuloy siang nagpapakatatag alang-alang sa
aming magkakapatid upang mabigyan kami ng maayos na
edukasyon. Katuwang sila n gaming mga guro upang
maiagpatuloy naming ang aming pag-aaral.

Sa tektong binasa, tao ang pinakapaksa.

Pahayag ng tesis
- Karaniwang binubuo ng isang pangungusap na naglalarawan sa pangunahing paksa. Ang
pahayag ng tesis ay karaniwang siyang magsisilbing pokus o direksyon ng tekstong deskriptibo.

Hal.
Tunay na napakahirap ipagpatuloy ang pag-aaral sa mga
panahon ngayon ngunit ibahin mo si Nanay at Tatay. Hindi
nila alintana ang hirap para makapaghanap-buhay upang
matustusan ang aming mga pangangailangan at
edukasyon. Katuwang si Inay at Itay ng aming mga guro
upang maipagpatuloy naming ang pag-aaral sa panahon
ng pandemya.
- Ang pahayag ng tesis sa teksto ay makikita sa huling bahagi ng talatang binasa.

Katawan
- Ito ay nagalalaman ng kabuoang ideya at detalye sa sanaysay.
- Karaniwang binubuo ng hindi bababa sa tatlong talata
- May mga pagkakataon na nakadepende sa paksa ang haba ng tekstong isusulat

Hal.
Tuwing Lunes ng umaga ay kinukuha ng aming ina ang mga
modyul na sasagutan naming magkakapatid. Maaga pa lamang
ay umaalis na siya ng bahay at makikipag-usap sa aming guro.
Ginagawa namang lahat ni Itay na maturuan kami pagkagaling
niya sa trabaho. Nagsisilbing masayang bonding naming itong
magkakatapatid kasama ang aming mga magulang. Kapag may
mga bagay kaming hindi nauunawaan, si Ina yang tumatawag sa
aming mga guro upang magtanong. Kahit abala naman sa
napakarming modyul na dapat iwasto ang aming guro, hindi
niya kami binibigo upang masagot ang aming mga katanungan.

Kongklusyon
- Ang pinakamainam at matibay na panapos na talata ay isang matibay na sanaysay.
- Kinakailangang pagbutihin ng may-akda ang kongklusyon ng kanyang sanaysay upang makapag-
iwan ito ng hindi malilimutang impresyon o marka sa mga bumabasa.

Hal.
Hindi kailanman hadlang ang pandemya upang maipagpauloy ng
mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral. Katuwang si Inay, Itay, at
sa paggabay ng aming guro ay tiyak na malalampasan din ang
mga hamon a balakid. Patuloy naming makakamit ang
edukasyon sa kabila ng pandemya.

Takdang-aralin:

Panuto. Sumulat ng isang teksong deskriptibo na hindi bababa sa limang talata. Isaalang ang tatlong
pangunahing bahagi ng tekstong ito; ang panimula, katawan, at kongklusyon.

Pamantayan sa paggagrado:

Panimula – 5

Mga detalyeng pandama – 5

Pagpili ng mga salita – 4

Paggamit ng tayuta – 4

Estruktura ng pangungusap – 4

Gramtika, pagbabaybay, at pagbabantas – 4

Kabuoan – 30
Pagkatapos ng talakayan natin sa araw na ito, matutukoy ninyo ang mga katangian at kalikasan ng mga
tekstong inyong nabasa.

Natalakay na nating noong mga nakaraang araw ang tungkol sa pamamaraan ng pagsulat ng isang
teksong impormatibo. Natunghayan din ninyo ang tungkol sa tatlong pangunahing bahagi ng isang
tekstong impormatibo. Ang mga ito ay ang panimula, katawan, at konkluyon. Natutunan rin ninyo sa
presentasyon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng paksa at kung paano ang tamang pagpipili at
pagbubuo nito. Isa pa sa mga nakasaad sa presentasyon ay kung paanong gumawa ng isang
pagpapahyag ng tesis o thesis statement. Sa paggawa ng isang pahayag ng tesis, kinakailangang malinaw
at tiyak ang nais nitong ipahayag.

Ngayon ay pag-usapan natin ang paksa na mayroon tayo ngayong araw. Bago yan ay hayaan niyong
libutin natin ang lugar na kinalakhan at kinamulatan ng ilan sa atin. Ang Iligan.

Pansinin ang mga salitang nakadiin at nabanggit sa teksto. Alam niyo ba kung ano ang tawag sa mga
salitang it? ang

Ang mga ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-deskripsyon. Ang mga slitang ito ay may
kaugnayan sa tatalakayin nating uri ng teksto, ang Tekstong Deskriptibo.

Ang tekstong subhetibo ay nakabatay sa malawak na imahinasyon ng may-akda, subalit para sa mga
bumabasa, ito ay totoong-totoo.

Ang mga uri ng tekstong deskriptibo ay maaaring makita bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto.

Simile

Parang estatwang nakatayo sa may pintuan ng simbahan ang kaklase kong si Mihael.

Anghel sa lupa ang turing ko sa kanya.

Sumasayaw kasabay ng huni ng mga ibon at bulong ng hangin ang mga puno sa aming bakuran

You might also like