You are on page 1of 4

Paaralan LINGA NHS Baitang 8

TALA SA Guro Angelica Eunice Mendoza Asignatura Filipino


PAGTUTURO Petsa Nov. 3-11, 2021 Markahan Ikalawa
Oras Bilang ng Araw 8
Sa Araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang
a. Natutukoy ang mga payak na salita mula sa salitáng
maylapi na makikita sa pangunahin at pantulong na kaisipang
nakasaad sa binása
I. LAYUNIN b. Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang
nakasaad sa binása
c. Nakabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa
napakinggan (palitan ng
katuwiran)
Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
A. Pamantayang Pangnilalaman pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa Kasalukuyan
Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay
B. Pamantayang Pagganap
tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan
Napipili ang mga pangunahin at pantulong na
C. Pinakamahalagang Kasanayan kaisipang nakasaad sa binasa
sa Pagkatuto (MELC) Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay
sa napakinggan (palitan ng katwiran
Natutukoy ang mga ang payak na salita mula sa
D. Pampaganang Kasanayan salitang maylapi na makikita sa pangunahing at
pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa
Salitang Maylapi Na Makikita Sa Pangunahin At
II. NILALAMAN
Pantulong Na Kaisipang Nakasaad Sa Binasa
III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sagunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC FILIPINO 8, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum
Guro Guide: (p.153)
b. Mga Pahina sa Kagmitang Filipino - Ikwalong Baitang
Pangmag-aaral Pinagyamang Pluma, LM Edisyon 2015
c. Mga Pahina sa Teksbook
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo PIVOT 4A MODULE
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
MODULAR LEARNING
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pasasagutan sa mga mag-aaral ang panimulang pagtataya na
makikita sa sanayang papel.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin ang Maikling talata at sagutin ang mga
sumusunod na mga katanungan.
1. Madaling araw palang ay handang handa si Bb. Cruz sa
unang araw ng pasukan sa kanyang klase. 2. Pagkatapos
maihanda ang kanyang gamit ay tumutok agad siya sa
kanyang kompyuter para umpisahan at batiin ang kanyang
klase. 3. Ramdam nya ang kasabikan ng kanyang mag-aaral na
matuto sa araw na iyon. 4. Matapos ang panalangin ay
naghanda ng laro at sinundan ng pagtalakay ng aralin sa
umagang iyon. 5. Ang maituro ang kagandahang asal at mga
kaalaman na magagamit ng mga mag-aaral ang layunin bi Bb.
Cruz sa kanyang buhay bilang isang guro. 6. Mahirap maging
guro sapagkat sa kanila nakasalalay ang ikagaganda at
ikauunlad ng isang indibidwal. 7. Ang guro tulad ni Bb. Cruz
ay dakila at dapat ikarangal.
Mga Katanungan:
1. Tungkol saan ang binasang talata?
2. 2. Isa-isahin ang mga tungkulin ni Bb. Cruz na kanyang
ginagawa bilang guro.

Matapos sagutan ang panimulang pagtataya, pasasaguta


naman ang Karagdagang gawain A na makikita pa rin sa
Sanayang papel.
KARAGDAGANG GAWAIN A
PANUTO: Tukuyin ang salitang-ugat ng maylaping salitang
nakasulat nang madiin na ginamit sa pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.
1. Madaling araw palang ay handang handa si Bb. Cruz sa
unang araw ng pasukan sa kanyang klase. _____________
2. Pagkatapos maihanda ang kanyang gamit ay tumutok agad
siya sa kanyang kompyuter para umpisahan at batiin ang
kanyang klase. ____________
3. Ramdam nya ang kasabikan ng kanyang mag-aaral na
matuto sa araw na iyon. ____________
4. Matapos ang panalangin ay naghanda ng laro at sinundan
ng pagtalakay ng aralin sa umagang iyon. ____________
___________
5. Ang maituro ang kagandahang asal at mga kaalaman na
magagamit ng mga mag-aaral ang layunin bi Bb. Cruz sa
kanyang buhay bilang isang guro. _____________
______________
6. Mahirap maging guro sapagkat sa kanila nakasalalay ang
ikagaganda at ikauunlad ng isang indibidwal. ____________
______________
7. Ang guro tulad ni Bb. Cruz ay dakila at dapat ikarangal.
__________

Matapos sagutan ang mga kasanayan ay dadako naman


pagbasa ng mahalagang konsepto.
B. Pagpapaunlad Babasahin ng mga mag-aaral ang karagdagang kaalaman na
makikita Sanayang Papel na inihanda ng guro.
PAGBASA ng MAHALAGANG KONSEPTO
Sanaysay ito ay naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro o
ipinyon ng isang awtor o akda. Nilalaman nito ang gustog
sabihin ng may-akda o manunulat. Ito rin ay may paksa na
may pangunahin at pantulong na kaisipan.
Talata ito ay binubuo ng mga pangungusap at naglalaman ng
mga pangunahin at pantulong na kaisipan.
Pangunahing kaisipan/Ideya tumutukoy ito sa konsepto ng
seleksyon na nais ipahiwatig ng manunulat sa mambabasa o
pangungusap na naglalaman ng pinakasentro o pinakatema ng
paksa. Ang pangunahing ideya ay ang bahaging sumasagot sa
tanong na “Tungkol saan ang talata? o anong paksa o mensahe
ang nais ipaabot ng sanaysay o takata?
Pantulong na kaisipan/ideya ito ay mga salita, parirala o
pahayag na sumusuporta o nagpapaliwanag tungkol sa mga
pangunahing ideya. Nagbibigay rin ito ng linaw sa mensahe o
nagsasaad ng mga detalye upang higit na maunawaan ng mga
mambabasa.
HALIMBAWA:
Likas sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng mabuting asal
at ito ay kanilang naipamalas sa iba’t ibang pagkakataon.
Una, sila ay may mataas na paggalang sa mga nakakatanda sa
kanila. Pangalawa, marunong silang makinig at sumunod sa
mga utos at payo ng mga nakakatanda. Pangatlo, tumatalima
sila sa mga patakaran o tuntunin sa kanilang paligid. At higit
sa lahat, marunong silang magpasalamat sa anumang bagay na
kanilang natatanggap.

Ang pahayag na nakadiin sa itaas ay isang halimbawa ng


Pangunahing Paksa o Ideya, samantalang ang mga
nakasalungguhit naman na mga pangungusap ay mga
halimbawa ng Pantulong na Kaisipan o Ideya.

Babasahin ng mga mag-aaral ang Sanaysay na may pamagat


na Babasahing Popular sa Kabataan: Mahika at Hiraya ng
Print Midya at sasagutin ang mga nakahandang katanungan
na makikita sa pah. 8
GAWAIN sa PAGKATUTO Bilang 1: (pah. 8)
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binása mong akda.
Isulat ang sagot sa iyong sanayang papel.

C. Pakikipagpalihan Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto


Bilang 2 sa pamamagitan ngpagbibigay kahulugan sa mga
salita na nasa kahon na makikita sa pah. 9
GAWAIN sa PAGKATUTO Bilang 2: (pah.9)
Panuto: Ibigay mo ang kahulugan ng mga salitáng nása loob
ng kahon ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa sanaysay. Isulat
ang iyong sagot sa patlang na nasa ibaba.

Pasasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto


Bilang 3 sa pamamagitan ng paghahambing ng mga
Klasikong akda sa kontemporaryong akda na makikita sa pah.
9
GAWAIN sa PAGKATUTO Bilang 3: (pah.9)
Panuto: Ihambing mo ang klasikong akda sa kontemporarying
akda gamitin mo ang chart na makikita sa pah. 9

D. Paglalapat Ipagagawa sa mag-aaral ang Karagdagang Gawain C sa


pamamagitan ng pagtukoy ng pangunahin kaisipan na
ipinapakita sa larawan
Karagdagang Gawain C: (sanayang papel)
Panuto: Tukuyin ang pangunahing kaisipan na makikita mo sa
larawan. Pumili ng tiktik ng tamang sagot.
1. Ano ang pangunahing kaisipan sa larawan?
a. Pagkain ng sama-sama ay nakakapagpatibay ng pamilya.
b. Pamilyang sama-sama ay masaya

2. Ano ang pangunahing kaisipan sa larawan? ____


a. Hindi sumusunod sa payo ng magulang
b. Nagpaputok ng piccolo
3. Ano ang pangunahing kaisipan na nasa larawa?
a. Proteksyon sa sarili ang pagsusuot ng face mask
b. Kahalagahan sa pagsusuot ng face mask

4. 4. Ano ang pangunahing kaisipan sa larawan?


a. Iba’t ibang klase ng prutas
b. Pamahiin sa bagong taon

Ipagagawa sa mga mag-aaral ang Gawain sa Pagkatuto


Bilang 4 sa pamamagitan ng pagsasagot sa patlang, upang
makumpleto ang hinihinging kasagutan dito.
GAWAIN SA PAGKATUTO Bilang 4: (pah.9)
Panuto:Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa patlang na nasa
ibaba.
Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno o journal ng
kanilang nararamdaman o realisasyon batay sa kanilang
naunawaan sa aralin.
V. Pagninilay Nauunawaan ko na
__________________________________________
Nabatid kong
_______________________________________________

Inihanda ni:
ANGELICA EUNICE R. MENDOZA
Guro I

Binigyang pansin:
MARISSA Q. MANALANG
Ulong Guro II- English

LETICIA D. GERMINA
Punongguro

You might also like