You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
APALIT HIGH SCHOOL
Sulipan, Apalit, Pampanga

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7
SY 2022 - 2023

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 7

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay dapat nang:
 Natutukoy ang mahahalagang pangyayari at mga tauhan sa “Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan.”
 Naitatanghal ang mga pangyayari sa alamat sa pamamagitan ng sining-basa.
 Naipahahayag nang malinaw ang sariling hinuha, ideya, at opinyon hinggil sa
alamat.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan (Halaw)
Sanggunian: Caigan, Margene P. (2020). Filipino:Wika at Panitikan.
https://www.depedk12.com/2021/10/grade-7-self-learning-modules-for-all.html
Kagamitan: Laptop
Telebisyon
PowerPoint Presentation
Iba pang mga kagamitang biswal
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pagsisiyasat ng kapaligiran
B. Balik-aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

C. Pagganyak

Bago tayo dumako nang pormal sa ating talakayan


ngayong araw, Klase ay maglalaro muna tayo ng “Solve
the Jumbled Letters!”. Tingnan ang mga larawan sa
pisara.

(Ididikit ng guro ang mga larawan sa pisara)

IWAL GN NTAAANH

IHGALI GN NTAAANH

NGIPOT ALSI

BTAAGN YPAAWAS

Nakikita ba ang larawan sa harap, Klase?

Opo! (Buong klase.)

Okay! Makikita na mayroon tayong apat na set ng mga


larawan at sa ilalim ay ang jumbled letters kung
tawagin, na kailangan ninyong buoin upang matukoy
Nauunawaan po.
natin kung ano ang inirerepresenta ng mga larawang ito.
Nauunawaan ba, Klase?

Kung gayon, halina’t magsimula na tayo! Nais kong


kapkapin ninyo ang ilalim ng desk ng inyong mga
upuan.
(Kakapkapin ng mga bata ang ilalim ng kanilang
desks.)

May apat na mag-aaral ang makakukuha ng ganitong


larawan (itataas ng guro ang larawan ng isla upang
makita ng klase).

Maaari bang tumayo ang mga mag-aaral na nakakuha ng


ganitong larawan? (Tatayo ang apat na mag-aaral na nakakuha ng
larawan.)

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Ito po ay larawan ng isla Ma’am. (Buong klase.)

Tama! Ang nasa larawan ay isang isla. Dahil kayo ang


masuwerteng nakatagpo ng mga isla, kayo ang
tatawagin nating “Bunot for the day!”

Ngayon Klase, baliktarin ninyo ang hawak ninyong mga


isla. Ang nakakuha ng bilang isa ay mananatiling
nakatayo at uupo naman ang iba pang bilang.

Okay! Si Joana pala ang nakakuha ng unang bilang. Ibig


sabihin ikaw ang unang bunot na sasagot sa unang set
ng larawan. Joana, tingnan mo ang mga larawan
gayundin ang jumbled letters sa ibaba. Ano kaya ang
mabubuo nating salita mula rito? Pumunta ka sa pisara
at isulat ang iyong sagot.

ILAW NG TAHANAN
Joana, basahin ang iyong sagot.

Ang sagot ko po para sa unang set ng larawan ay


ilaw ng tahanan.
Mahusay, Joana! Tama! Palakpakan natin si Joana,
Klase.
(Papalakpak ang buong klase.)

Maaari ka nang maupo Joana. Tumayo naman ngayon


ang nakakuha ng bilang dalawa. (Tatayo ang nakakuha ng bilang dalawa.)

Okay! Angelo, ano kaya ang salitang mabubuo natin


mula sa ikalawang set ng larawan?

Pakibasa ang iyong sagot, Angelo.


HALIGI NG TAHANAN
Ang akin pong sagot ay haligi ng tahanan.
Tama! Ang sagot para sa ikalawang larawan ay haligi
ng tahanan. Palakpakan natin ang ikalawang bunot for
the day. (Papalakpak ang buong klase.)

Siyempre, ituloy na natin kaagad sa ikatlong bunot for


the day! Ikaw pala, Danica, ang nakakuha ng bilang
tatlo. Sige anak, ano ang salitang mabubuo natin sa
ikatlong larawan?
Danica, pakibasa ang iyong sagot. PITONG ISLA

Pitong isla po ang salita para sa ikatlong larawan.

Tumpak! Palakpakan natin si Danica, Klase. (Papalakpak ang buong klase.)

Para sa huling bilang, narito si Sherwin. Sige anak,


pumunta sa pisara at isulat ang iyong sagot.

BATANG PASAWAY

Para naman po sa huling bilang, ang sagot ko po


ay batang pasaway.
Napakahusay! Tama, Sherwin! Ang salita para sa huling
(Papalakpak ang buong klase.)
larawan ay batang pasaway. Klase, palakpakan natin si
Sherwin!

Napakagaling naman ng ating mga bunot for the day at


lahat ay nakasagot nang tama! Isa pa nga Klase, bigyan (Papalakpak ang buong klase.)
natin sila ng apat na bagsak!

Naramdaman ko ang enerhiya ng bawat isa ay unti-unti ILAW NG TAHANAN


nang tumaas dahil habang nagsasagot ang ating mga
manlalaro, sila rin ay kani-kaniyang nag-iisip sa salitang
HALIGI NG TAHANAN
maaaring mabuo mula sa jumbled letters. Muli, ang mga
salitang nabuo natin ay:
PITONG ISLA
(Ididkit ng guro ang biswal.)
BATANG PASAWAY
Basahin nang sabay-sabay klase.
(Babasahin ng klase ang nakadikit sa pisara.)
Ngayon Klase, nais ko kayong tanungin, sino nga kasi
ang tinatawag nating ilaw ng tahanan?
Sige, Edelle.

Nanay po.

Tama! Nanay. Ang iba ang tawag ay ina, mommy,


mudra, o mudrakels. Sino naman ang haligi ng tahanan,
Tatay po, Ma’am.
Lei?

Mahusay! Tatay. Ang iba naman ang tawag sa tatay ay


ama, daddy, tatang, pudra at iba pa. Klase, kapag
mayroon tayong nanay bilang ilaw ng tahanan at tatay Ahh. Pamilya po, Ma’am.
bilang haligi ng tahanan, ano ang nabubuo sa isang
tahanan, Joseph?

Magaling anak! Tama si Joseph, Klase. Kapag may


nanay at tatay sa isang tahanan, mayroon tayong
tinatawag na pamilya at ang tatalakayin natin ngayon ay
may kinalaman sa pamilya na binubuo ng ama at ng pito
niyang babaeng anak na nakatira sa isla. Muli, mga anak
ha, wala ang ilaw ng tahanan sa tatalakayin natin
ngayong araw, tanging ang ama lamang at ang kaniyang
pitong anak.

Handa na ba kayo klase sa talakayan ngayong araw?


Opo! (Buong klase.)

Kung gayon nais kong ipakilala ang ating babasahin


ngayong araw. (Ipakikita ng guro ang inihandang
PowerPoint Presentation.)

Ito ay pinamagatang Alamat ng Isla ng Pitong


Makasalanan.

Kung bakit nabanggit natin kanina sa laro ang mga


salitang pitong isla at batang pasaway ay sabay-sabay
nating matutunghayan sa ating pagsuyod sa alamat na
ito.
Opo! (Buong klase)
Naniniwala ba kayo klase na lahat tayo ay makasalanan?

May mabigat na kasalanan na ba kayong nagawa? May


gusto bang magbahagi?

Para po sa akin Ma’am, ‘nung nagsinungaling ako

Sige anak, Jun. Sa edad mo ngayon, ano na ba ang sa mama ko. Sabi ko may pasok po sa iskul pero
pinakamabigat na kasalanang nagawa mo? ang totoo po hindi ako pumasok n’on at sumama
lang po ako sa mga kaibigan ko na pumunta sa
SaveMore.

Grade 6 po.
Naku, Jun. Ilang taon ka nang magawa mo iyon?

Hindi na po, Ma’am.


Natatawa ang iba mong kaklase ngunit Klase, oo
nakatatawang pakinggan ang pagbabahagi ni Jun ngunit
tandaan niyo mali iyon. Ginagawa mo pa ba iyon
ngayon Jun?

Oo ‘nak. Huwag mo ng uulitin iyon, dahil hindi natin


masasabi kung anong pwedeng mangyari sa bawat
Ako po Ma’am n’ung may nadampot po akong
paglipas ng oras. May gusto pa bang magbahagi?
pera tapos hindi ko po ipinagtanong kung kanino
po ‘yon. Binulsa ko na lang po.

Adrian? Opo, Ma’am. Recess po n’on.

Dito ba ‘yon sa iskul nangyari ‘nak?

Sa susunod ‘nak, ipagtatanong mo na ha? Puwede mong Opo Ma’am.


ilapit sa aming mga guro para tulungan kang maghanap
ng may-ari, dahil baka mas kailangan niya iyon kaysa
sa’yo at hindi ba itinuturo sa E.S.P ninyo ang
kagandahang asal. Na kapag hindi sa iyo ay huwag
mong kukunin o aangkinin?

May iba pa bang gustong mangumpisal d’yan mga


anak? Hindi. Biro lang ‘yon, pero sa palagay ko ay wala
na. Muli Salamat, Jun at Adrian sa matapang ninyong
pagbabahagi. Totoo naman iyon, Klase. Kahit ako ay
naniniwala na lahat tayo makasalanan o nakagawa na ng
kasalanan, nagkakaroon lang ng pagkakaiba sa timbang.
Gaano ba ito kabigat o gaano ba ito kagaan na
kasalanan. Mas palalawigin natin ang talakayan tungkol
dito sa mga susunod na bahagi ng ating talakayan.

(Ililipat ng guro ang slide.) Opo, Ma’am. (Buong klase.)

D. Paghawa ng Sagabal

Ang akda na tatalakayin natin, Klase, ay malapit sa


naging pagbabahagi ng inyong kaklaseng si Jun at
Para po sa unang bilang, nimpa at ang
ngayon sisimulan na natin ang pagtatalakay sa akda sa
kasingkahulugan nito ay B. napakagandang babae;
pamamagitan muna ng paghawa natin ng mga sagabal o
Hanay A Hanay B
pagbibigay ng kahulugan sa mga hindi pamilyar na mga
salitang maaari niyong marinig mamaya. Makikita 1. Nimpa A. Nawala
ninyo sa ating slide, mula sa inyong harapan sa bandang
2. Makuha ang B. Napakagandang
kaliwa ang Hanay A na naglalaman ng
kamay babae;
matatalinghangang mga salita at sa bandang kanan
maladiwata
naman ang Hanay B na hanay ng inyong pagpipilian.
Ang tanging gagawin niyo lamang ay pipiliin ang 3. Suwail na anak C. Masaya
salitang kasingkahulugan ng mga nasa Hanay A at
4. Paggaod D. Mapakasalan
kailangan lamang itong gamitin sa pangungusap. Itataas
lamang ang kamay ng gustong sumagot at kapag 5. Naparam E. Pagsagwan
natawag ay tumayo, ibigay ang salitang
F. Matigas ang
kasingkahulugan at gamitin ito sa pangungusap.
ulo; pasaway
Malinaw ba, Klase?
maladiwata.
Kung malinaw na, sino ang gustong sumagot sa unang
bilang?
Maraming tao ang nagsasabing ako raw ay nimpa
Sige Klase, pakinggan natin si Micha.
ng aming barangay.
Tama! Ang nimpa ay nangangahulugang
napakagandang babae na may maladiwatang mukha.
Micha, gamitin ang salitang nimpa sa pangungusap.

Wow, siyang tunay! Bigyan ng tatlong bagsak si Micha.


Salamat at maaari ka ng umupo.

(Tatawag pa ang guro ng mga mag-aaral upang sagutan


ang talasalitaan hanggang sa huling bilang.)

At diyan nagtatapos ang paghawa natin ng mga salitang


maaaring makasagabal sa inyong pang-unawa.
Maraming salamat sa lahat ng sumagot.

(Pansamatalang aalisin muna ng guro ang slide.)

E. Pagtatakay ng Paksa

Okay Klase! Ngayong malinaw na ang lahat, tayo


Opo. (Buong klase.)
ngayon ay pormal nang magsisimula sa paksang ating
tatalakayin ngayong araw. Gaya ng aking nabanggit,
isang alamat ang nakahanda para sa ating lahat ngayong
(Pupunta ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga
araw na pinamagatang Ang Alamat ng Isla ng Pitong
pangkat.)
Makasalanan.

Kayo ay may apat na pangkat, tama ba?


Opo, Ma’am! (Buong klase.)

Kung gayon, mayroon kayong sampung segundo para


pumunta sa inyong mga pangkat at ang oras niyo ay
simula na!

Hinto! Lahat ba ay nasa pangkat na?

Ngayon, makinig nang mabuti sa ating gagawing


pagbasa upang maiwasan ang pagkalito. Ang gagawin
nating pagbasa ay sining-basa. Nangangahulugan itong
ang isang pangkat ay magsisilbing mga tagabasa habang
ang isang pangkat naman ang magsisilbing mga aktor.
Kung ano ang binabasa ng isang pangkat ay isasadula o
iaaksiyon ng isang pangkat. Kayo ay apat na pangkat,
dalawa ang magiging tagabasa at dalawa ang magiging
mga aktor. Ang magpa-partner ay Pangkat 1 at Pangkat
3, at Pangkat 2 at Pangkat 4. Ang tanong, sino ang
magiging tagabasa at sino ang magiging mga aktor?

(Ilalabas ng guro ang inihandang bunot box.)

Ako ay may inihandang “Bunot Box”. Ito ay


naglalaman ng dalawang logo ng aklat at dalawang logo
(Bubunot ang mga lider ng tig-isang logo.)
ng aktor. Ang mga makabubunot ng logo ng aklat ang
pagiging tagabasa at ang logo naman ng aktor,
siyempre, ang magiging mga aktor.

Tumayo ang lider ng Pangkat 1 at Pangkat 3. Akin nang


ipapasok sa Bunot Box ang isang logo ng aklat at isang (Bubunot ang mga lider ng tig-
logo ng aktor. isang logo.)

Nakabunot na ang lider ng Pangkat 1 at Pangkat 3,


tumayo naman ngayon ang lider ng Pangkat 2 at
Pangkat 4.

(Ang magiging rol ng bawat pangkat ay


Ngayong alam na ng bawat pangkat ang kanilang
nakasalalay sa magiging bunutan sa araw ng
gagawin. Hayaan niyo ipaliwanag ko ang panuto.
klase.)
Para sa mga dalawang grupo na tagabasa. Ang alamat ay
aking hinati sa dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay
babasahin ng Pangkat ___ at iaaksiyon naman ng
Pangkat ___, samantala ang ikalawang bahagi ay
babasahin ng Pangkat __ at iaaksiyon naman ng Pangkat
___. Narito at hawak ko ang kopya ng inyong
babasahin. Kailangang ibahagi ninyo ang nilalaman nito
sa bawat miyembro upang ang lahat ay may
partisipasyon. Sa pagbabasa, tiyaking may emosyon at
may baryasyon ang inyong mga boses dahil ang mga
aktor ay tanging gagalaw lang at hindi sila magsasalita.

Para sa mga aktor o taga-aksiyon, may labinlimang


karakter sa tauhan. Pitong lalaki, pitong babae, at ang
ama. Dahil kayo ay siyam lamang sa grupo, maaaring
magkaroon ng dalawang karakter ang bawat miyembro.
Isulat na lamang sa papel ang karakter na ginagampanan
at idikit sa inyong mga damit gamit ang scotch tape.
Tandaan ding gampanan ng maayos ang karakter na
mapupunta sa inyo at tiyaking makasasabay sa pagbasa
Malinaw po, Ma’am. (Buong klase.)
ng kasamang pangkat.

Malinaw ba ang panuto?

Narito ang pamantayan sa aking gagawing pagmamarka


sa inyong grupo.

(Ididikit sa pisara ang pamantayan.) PAMANTAYAN PARA SA PAGBABASA

Malaking Isla – 15 puntos

May dalawa tayong magkaibang pamantayan, Klase. Malinaw ang pagbigkas ng mga salita, may
Pamantayan para sa Pagbabasa at Pamantayan para sa angkop na lakas ng tinig, nag-iiba ang intonasyon
Pagsasakilos. ng boses depende sa
pangyayari at mga
tauhan, may angkop na
Para sa pamantayan ng mga magbabasang grupo, bilis ng pababasa.

(Ipaliliwanag ang pamatayan at ipakikita ang mga


biswal na gagamitin bilang pamantayan.)

Katatamtamang Laki ng Isla – 10 puntos

May pagkakamali sa bigkas ng ilang salita, may


katamtamang lakas ng tinig, kaunting pagbabago
ng intonasyon lamang ang maririnig, may
kabilisan sa pagbabasa.

Maliit na Isla – 5 puntos

Maraming maling bigkas sa mga salita, mahina


ang mga boses, iisa lamang ang intonasyon sa
pagbabasa at masyadong mabilis ang pagbasa sa
puntong hindi na nasusundan ng mga
nagsasaaksiyon.

PAMANTAYAN PARA SA
PAGSASAAKSIYON

10 Bangka – Napakahusay (15 puntos)

Ang bawat miyembro ay naisabuhay ang mga


tauhang iniatang sa kanila. Nakasasabay ang
kanilang pagsasaaksiyon sa pagbabasa ng kabilang
grupo. Makatotohanan ang pagganap at pagkilos.
Ibinigay ang buong lakas at konektado ang
aksiyon sa binabasang akda.

7 Bangka – Mahusay (10 puntos)


Karamihan sa miyembro ay naisabuhay ang mga
tauhang naiatang sakanila. Sinisikap na makasabay
ang kanilang pagsasaaksiyon sa pagbabasa ng
kabilang grupo. May ilang miyembro ang
kakikitaan ng kalituhan at kakulangan sa
pagsasabuhay sa kanilang karakter. May ilang
bahagi ng akda ang hindi nabigyan ng aksiyon.

5 Bangka – Nangangailangan ng pagpapabuti

Maraming miyembro ang nagkakaroon ng


kalituhan sa pagganap sa kanilang mga tauhan.
Hindi nakasasabay ang pagsasakasiyon sa
pagbabasa. Maraming bahagi ng akda ang hindi
nabigyan ng pagsasaaksiyon.

(Bawat pangkat ay magpupulong bilang


paghahanda sa kanilang presentasyon.)

(Tapos at handa na ang bawat grupo sa kanilang


pagtatanghal.)

Opo! (Buong klase).


Nauunawaan po. (Buong klase.)

(Magtatanghal ang Pangkat 1 at Pangkat 3,


kasunod nito ay ang pagmamarka na rin ng guro
gamit ang pamatayang inilahad. Ang puntos na
makukuha ay nakadepende sa araw ng
pagtatanghal.)

(Isasagawa ng mga mag-aaral ang Frog Clap.)

(Magtatanghal ang Pangkat 2 at Pangkat 4


kasunod nito ay ang pagmamarka gamit ang
pamatayang inilahad at ito ay nakadepende sa
araw ng pagtatanghal.)

(Isasagawa ng mga mag-aaral ang Bird Clap.)

(Papalakpak ang buong klase.)


Ang mga tauhan po ay ang mapagmahal na ama,
ang kaniyang pitong anak na babae na ayon po sa
kuwento ay mga nimpa dahil magaganda at ang
pitong lalaki po na naging kasintahan ng pitong
babae sa alamat.

Siya po ay mapagmahal na ama dahil masaya na


po siya kahit pinagmamasdan niya lamang na
abala ang kaniyang mga anak sa gawaing bahay.
Hangad niya rin po na sana kung mag-aasawa ang
kaniyang mga anak ay kasama na lang po nila sa
isla para hindi po sila masyadong malayo sa
kaniya. Kahit malaki na po yung mga anak niya,
gusto niya poproteksiyunan niya pa rin po sila.

Opo! (Buong klase.)

Opo! (Buong klase.)


‘Yung isla po ay may malawak na katubigan at
‘yung tubig po na iyon, malalim kaya po
pinangingisdaan yung mga isla. Bukod po rito,
may konting lupa po ito. Mas malaki po yung
katubigan kaysa sa kalupaan.

Posible po Ma’am, dahil baka natatakot po yung


tatay nila na baka may mangyaring masama
habang pumapalaot sila sa isla. Nando’n po yung
takot niya na baka mawala po nang tuluyan ang
mga anak niya.
Para naman sa pamantayan ng mga magsasaaksiyon,
makinig nang mabuti.

(Ipaliliwanag ang pamantayan at ipakikita ang mga


biswal na gagamitin bilang pamantayan.)
Magaling! Umalis sila at iniwan nila ang kanilang tatay. Umalis pa rin po sila. Sumama po sa mga
Sumakay sila sa dala-dalang tatlong bangka ng mga kasintahan nila na pitong binata na minsan pong
binata. Nakita ba sila ng kanilang ama? bumisita sa isla nila sa pangunguna po ng
panganay na anak na si Delay. Habang pumapalaot
po yung tatay nila, doon sila umalis.
Anong ginawa ng ama ng makita niyang umaalis na ang
kaniyang mga anak?
Opo! (Buong klase)
Christine?

Salamat, Christine! Hindi ba, nakakaawa ang kanilang


ama? Nagmamakaawa at pinipilit niyang habulin ang Binilisan niya po yung pagsagwan niya para
kaniyang mga anak pero hindi siya pinansin. Patuloy maabutan ‘yung mga anak niya kaya lang po hindi
siya sa paggaod, ang paggaod mga anak ay Cebuano na sapat kasi maliit lang po yung bangka niya.
salita para sa pagsagwan gaya ng nabanggit sa Sumisigaw pa po siya at nagmamakaawa sa mga
talasalitaan natin kanina. Sumabay pa ang pag-ulan kaya anak niya kaya lang po hindi po siya pinakinggan.
umuwi na lang siya. Pagdating niya sa bahay nila
tahimik dahil wala na ang kaniyang mga anak.

Anong nangyari sa mga anak niya? Nagtagumpay ba


ang mga ito sa kanilang paglisan?

Ikuwento mo nga Gelo?

Hindi po nagtagumpay Ma’am. Kasi po nang


mawala ang ulan, sa kabila ng ginawa po ng mga
dalaga, hinanap niya pa rin po ang mga ito pero
nakita niya po ay maliliit na isla sa laot sa pagitan
po ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng
Ibig sabihin Gelo, anong nangyari sa kaniyang mga
Guimaras, doon niya rin po nakita na nagkalat po
suwail na anak?
yung bangka na sinakyan ng kaniyang mga anak.
Sabi po sa akda, binilang niya po yung isla, ang
Very good! Salamat, Gelo. Tama si Gelo, Klase. Dahil
nang umalis sila ay kasabay ng malakas na buhos ng
ulan, hindi ba’t kumikidlat pa nga? Kaya hindi
malabong sila nga ang nakitang pitong isla ng kanilang
ama. Ang kaniyang pitong anak na babaeng nimpa ay
naging pitong maliliit na isla sa pagitan ng isla
Dumangas at isla ng Guimarras.

Ngayon anak, ang islang ito ay tunay nag-eeexist. Ang


pangalan nito ay Isla de los Siete Pedacos o Isla ng
Pitong Makasalanan at ayon sa akdang ating binasa ito isla po ay pito at pito rin ang kaniyang anak.
ang kuwento sa likod ng pag-usbong ng islang ito, kaya
ang pamagat ay Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.
Naging isla po sila Ma’am.
(Ipakikita ang larawan ng Isla de los Siete Pedacos
gamit ang slide.)

Narito ang larawan ng isla klase. Kapag malaki na kayo,


kung gusto niyong bisitahain, puwedeng-puwede, ito ay
matatagpuan sa kalagitnaan ng Buenavista, Guimaras at
Dumangas, Iloilo.

F. Paglalahat

Sa kabuoan, sino sa inyo ang gustong magbuod ng aral


o nais iparating ng alamat na ating tinalakay ngayong
araw?

Nell?

Magaling, Nell. Salamat! May gusto bang magdagdag


sa sinabi ni Nell? Sige, Maria. Sa kabuoan po, nais iparating ng Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan na mahalaga po ang pakikinig
sa mga magulang o sa mga nakatatanda dahil mas
marami na po silang napagdaanan kaysa sa atin.
Mas alam po nila kung ano ang makabubuti para
sa atin.
Siyang tunay! Mahusay Maria! Tama ang sinabi ng
inyong mga kaklase. Nais lamang ipabatid ng alamat na
ito na mahalaga ang pakikinig sa ating magulang. Huwag po tayong agad maniniwala at sasama sa
Bahagi na ng ating kultura ang malaking pagpapahalaga kung kani-kanino man po, lalo na bago lang po
at paggalang sa ating mga magulang, Klase. Isang nating kakilala. Hindi naman po natin matitiyak
patunay diyan, marami tayong alamat na pumapaksa sa kung mabuti po talaga o masama ang isang tao sa
kinahihinatnang kapahamakan ng mga nagiging suwail, isang pagkikita lang po.
pasaway, o matigas ang ulong mga anak sa kanilang
mga magulang. Halimbawa, ang alamat ng pinya, tiyak
akong nabasa niyo na ito, tama ba?

Anong nangyari kay Pina dahil suwail siya sakaniya


nanay?

Tama! Parang itong alamat ng isla ng pitong


makasalanan. Ano ang nangyari sa pitong dalaga na
suwail sa kanilang mapagmahal na ama? Opo! (Buong klase.)

Kaya, Klase, ang ganitong mga alamat ay sumasalamin Naging pinya po na maraming mata. (Buong
sa kultura at aral na pagpapahalaga sa ating mga klase.)
magulang, dahil hindi man sa lahat ng pagkakataon
ngunit sa maraming pagkakataon, sila ang nakaaalam ng
makabubuti para sa atin. Batid kong napapanood niyo sa
balita, ang ilang mga magulang na hindi mabuti sa Naging isla po sila. (Buong klase.)
kanilang mga anak, pero Klase, mas marami pa ring
magulang o kahit sabihin na nating nakatatanda ang
laging nagmamahal sa kanilang mga anak at kailanma’y
hindi sila magbibigay ng pagbabawal o payo na
ikapapahamak natin.
Sa inyong palagay, lahat ba ng anak sa panahon ngayon
ay suwail na rin tulad ng narinig niyo sa alamat?

Patunayan mo nga Mariel?

Salamat Mariel sa iyong kasagutan. Tama siya Klase. Sa


panahon ngayon, marami na talagang bata ang ayaw
nang nakikinig sa mga magulang. Hindi tulad noong
mga unang panahon. Disiplinado ang lahat ng bata dahil Sa palagay ko po Ma’am, mas marami na po yung
malaki ang takot sa mga magulang pero iba na ngayon, pasaway na bata ngayon kaysa sa mga nakikinig
Klase. Mas maraming sitwasyon na mas natatakot ang po talaga sa magulang kaya marami rin pong bata
magulang kaysa sa kanilang mga anak. Sa tingin niyo ba na nauuwi rin sa kapahamakan.
Klase, tama ito? Na dapat mas matapang pa tayo sa mga
magulang natin at hindi tayo dapat makinig sa kanila?

Hindi tama iyon, Klase. Maaaring sabihin ninyo na, ako


nga po Ma’am hindi nakikinig sa magulang pero wala
naman pong nagyayaring masama sa’kin. Pero klase, sa
ngayon lang ‘yan, habang tumatanda ka, habang
tumatagal, at habang tumatagal din na hindi ka
nakikinig sa iyong mga magulang, hindi mo Hindi po. (Buong klase.)
namamalayang nalilihis ka na pala ng landas. Alam ko
iba na ang panahon ngayon. Iba na ang sikat o uso, lalo
na may mga social media na tayo ngayon, mas marami
tayong nagiging kaibigan kaya pakiramdam natin okay
lang na wala ang ating mga magulang, pero Klase lagi
niyong tatandaan, iba pa rin ang pagpapahalaga sa mga
magulang. Iba pa rin ang pagmamahal ng mga
magulang. Ang mga sakripisyo at paghihirap, hindi iyan
gagawin ng ibang tao para sa iyo, tanging magulang mo
lamang ang gagawa niyan para sa’yo, kaya tumanaw
tayo ng utang na loob sa kanila. Huwag nating gayahin
ang nasa kuwento na iniwan ang kanilang ama para sa
sariling hangarin. Kung mangangarap kayo Klase, isama
niyo sa pangarap niyo ang inyong mga magulang.
Mahalin natin sila, alagaan, at pakinggan hanggat
ipinagkakaloob pa ng Panginoon na makasama natin
sila. Maiksi lang ang buhay at ang mga magulang natin
ay hindi bumabata ang mga iyan. Tumatanda na sila
Klase. Huwag nating hayaang makilala pa lang natin
ang kahalagahan ng ating mga magulang kapag hindi na
natin sila kapiling. Walang gamot iyon, Klase.

Sumasang-ayon din ako sa sinabi ni Mariel. Hindi tayo


dapat basta-basta nagbibigay ng tiwala o sasama sa mga
taong saglit pa lang natin nakilala. Tingnan ninyo ang
nangyari sa pitong dalaga. Kakikilala lang nila sa mga
estranghero pero ibinigay nila ang kanilang loob sa mga
ito, sa huli, sila rin ang nasaktan at napahamak. Ganun
din dapat kayo mga anak, lalo na sa panahon ngayon,
sabi niyo nga sa nakaraan nating aralin ay takot kayo sa
puting van kasi nangunguha sila ng mga bata. Huwag
kayong basta-basta sumasama o nakikipag-usap kung
kani-kanino at minsan nga ay kakilala na natin ‘di ba,
pero nadadala pa rin tayo sa kapahamakan. Piliin niyo
ang inyong pagkakatiwalaan.

Nauunawaan ba?

Bilang karagdagan Klase, kung inyong mapapansin sa


akda lumitaw rin ang aral na hindi tayo dapat
makasarili, dapat sa ating pagkilos at pagdedesisyon
iniisip natin ang damdamin ng ibang tao o kung may
Opo, Ma’am. (Buong klase.)
maaapakan ba tayong tao. Ang pitong dalaga, naging
makasarili sila?

Hindi nila isinaalang-alang ang mararamdaman ng


kanilang ama gayong narinig naman nila na hindi ito Opo! (Buong klase.)
sumang-ayon sa mga estranghero nang hingin ang
kamay ng mga dalaga. Hindi nila inisip na malulungkot
ang kanilang ama.

Tama ba iyon, Klase?

May mga gusto pa bang magbahagi ng kanilang aral na Hindi po! (Buong klase.)
natutunan mula sa alamat na ating tinalakay?

Okay, kung wala na, nauunawaan ba ninyo ang alamat


ng isla ng pitong makasalanan at ang ang aral na hatid
nito lalong-lalo na sainyo na kabataan?
Opo. (Buong klase.)
G. Pagpapahalaga

Ngayon kung kayo ay isa sa pitong dalaga, gagawin mo


rin ba o sasama ka ba sa iba mong kapatid na
napagdesisyunang iwanan ang kanilang ama?

Pangatwiranan mo ang iyong sagot, sige nga subukan


mo Jessa.

Hindi po ako sasama, dahil simula bata po nakita


ko na kung paano kami alagaan at mahalin ng
aking ama kaya siguro po kung nand’on ako sa
kuwento ang una ko pong maiisip ay yung
Tama, Jessa! Ngayon, kung kayo naman ang magiging mararamdaman ng tatay ko kung wala na po
ama, gagawin mo rin ba na pilit mong hahabulin ang siyang dadatnan sa loob ng bahay.
iyong mga anak o hahayaan mo na lamang sila dahil
dalaga na naman sila?

Rontalo?

Hahabulin ko rin po kahit alam kong delikado


Ma’am, kasi gan’on naman po ang mga magulang,
ibang lebel po ng sakripisyo ang kaya nilang
ibigay para sa kanilang mga anak. Tsaka po kung
Mahusay, Rontalo! Totoo ang sinabi niya. Walang ibang
hindi po talaga ako kampante sa sasamahan ng
hangad ang ating mga magulang kung hindi ang ating
anak ko, talagang susundan ko po Ma’am at
kabutihan at tayo bilang mga anak ang paraan para
hahabulin.
ipakita ang ating pagmamahal sa kanila ay ang pakikinig
at paggalang sa kanila.

Ngayon klase, sa alamat napansin niyo bang may


kahigpitan ang ama?
Abegail?

Para sa’yo Abegail, positive ba ito o negative? Opo, Ma’am. Ayaw niya pong mag-asawa ang
kaniyang mga anak ng labas sa kanilang isla,
parang gusto niya pong habambuhay na
panghawakan ang kaniyang mga anak.

Para po sa akin, hindi naman po masamang


maghigpit o maging istrikto po yung mga
magulang kasi may mga dahilan naman po kung
Salamat, Abegail! May iba ba na pumapanig naman na
bakit sila nagiging ganoon. Siguro po nasa
negative ang naging paghihigpit ng ama sa mga anak?
pananaw ng mga anak pa rin po kung paano nila

Sige nga, pakinggan natin si Audrey. titingnan yung pagiging istrikto po ng kanilang
mga magulang.

Parehas na tama ang sagot ni Abegail at Audrey.


Mahusay! Tulad ng lahat ng bagay klase, may positibo Para sakin, masama po kasi parang sa paghihigpit
at negatibo itong dulot. Ngunit, kung ako siguro Klas mas lalo po nilang gustong makalaya.
ang magbibigay ng pananaw sa bagay na ito, mas Naramdaman po siguro ng pitong dalaga yung
pipiliin kong hindi masyadong mahigpit at hindi rin pagkasakal at pananabik na rin po.
naman masyadong maluwag. Kumbaga, may kontrol pa
rin. Kasi gaya nga ng nabanggit ng kaklase niyo, kapag
sobrang higpit, nasasakal. Kapag naman sobrang luwag,
sumosobra naman. Kaya doon dapat sa hindi gaanong
mahigpit at hindi rin naman gaanong maluwag.

Okay Klase, sundan kong muli ang tanong, kung ikaw


ang ama, paghihigpitan mo rin ba ang pitong dalaga
mo?

Julia?
Opo Ma’am, kasi po may dahilan ako. Isla po
yung lugar namin at malaki ang tsansa po ng
disgrasya at pangalawa po, mahirap pong
Napakahusay, Julia! Totoo iyon, Klase. Sa alamat kaya magtiwala sa mga taong bumibisita lang sa aming
naghigpit ang mapagmahal na ama dahil isa lang ang isla dahil hindi naman po sila doon nakatira at
takot niya, ang masaktan at mawala ang kaniyang mga hindi ko po tunay na kilala. Paano kung saktan
pinakamamahal na mga anak. Dahil napansin niyo ba, lang po ang aking mga anak na lubos kong
hindi nabanggit sa kuwento ang ilaw ng tahanan o ang pinakaiingatan?
nanay ng pitong dalaga, maaaring isang dahilan iyon
Klase kung bakit lubos niyang iniingatan ang kaniyang
mga anak. Kaya Klase, kung may tao kayong dapat na
unang-unang pagkatiwalaan, iyon ay ang inyong mga
magulang.

Ngayon Kase, para sa huling tanong, bilang isang anak,


bakit kailangan mong makinig at pahalagahan ang iyong
mga magulang?

Erica?

Dapat ko po silang alagaan, pahalagahan, at


pakinggan dahil sila po talaga ang lubos na
nakakikilala sa akin. Alam po nila ang kahinaan ko
at kalakasan dahil sila ang nagpalaki sa akin. Baka

Tunay nga namang napakaganda ng iyong paliwanag, nga po may mga bagay sila na alam tungkol sa’kin
Erica! Maraming Salamat at wala na akong na ako po mismo ay hindi ko alam. Tsaka po, iba
maidadagdag pa. Natuwa ako sa inyong mga sagot at po kasi ang sayang nararamdaman ng mga
hangad ko na sana’y lumaki kayong mapagmahal sa magulang kapag nakikinig at sumusunod sa kanila
inyong mga magulang. ang kanilang mga anak.

Kaya klase, ito lang ang pakatatandaan ng bawat isa,


mahalin, pahalagahan, at pakinggan ang inyong mga
magulang. Kapag may bagay na gumugulo sa isip niyo o
desisyon na nahihirapan kayong sagutin, lapitan niyo
sila at pakinggan niyto, natitiyak kong tutulungan nila
kayong humanap ng solusyon. Huwag nating piliing
maging mga suwail na anak, dahil tayo rin ang
mapapahamak kapag patuloy tayo sa pagmamatigas
pero mali naman. Sabi nga natin kanina, huwag tayong
batang pasaway. Alam niyo Klase, kayang talikuran ng
anak ang kaniyang mga magulang ngunit hindi kayang
talikuran ng mga magulang ang kanilang mga anak.
Muli, hindi ko man masasabing lahat, pero mga bata,
karamihan. Lagi nating tingnan ang positibong panig at
huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil sa mga ilang
balita na ating naririnig tungkol sa mga pabayang
magulang. Hindi lahat ganoon Klase. Maraming
magulang ang mapagmahal at mapagkalinga sa anak.
Isipin natin sila Klase, at ang kanilang mararamdaman.
Kapag tinatamad ka sa klase, sa paggawa ng mga
proyekto, isipin mo ang mararamdaman nila. Sila hindi
napagod na pag-aralin ka, kaya dapat huwag kang
mapagod mag-aral.

Tandaan niyo ito klas ha?

Itanim sa puso at huwag hayaang lumaba sa kabilang


tainga ha? Opo! (Buong klase.)

Ano nga uli ang alamat na ating tinalakay? Opo! (Buong klase.)

Malinaw ba ang lahat? Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan.


(Buong klase.)

May tanong ba kayo?


Opo! (Buong klase.)

Sigurado?
Wala po! (Buong klase.)
Kung gayon, maaari bang bumalik na kayo sa inyong
mga upuan nang tahimik lamang? Kapag nakabalik na
Opo! (Buong klase.)
ay kumuha ng kalahating bahagi ng papel at humanda sa
maikling pagsusulit.

(Babalik ang mga mag-aaral sa kani-kanilang


upuan.)

IV. EBALWASYON

(Ipapaskil ang biswal para sa pagtataya at ipaliliwanag ang panuto)

Panuto: Para sa bilang 1-5, isulat ang sagot sa katanungan.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang sinakyan ng mga dalaga nang sila ay sumama sa mga estranghero?
3. Kailan umalis ang mga dalaga at sumama sa mga estranghero?
4. Ano ang nangyari sa pitong dalaga kinabukasan matapos ang malakas na pag-ulan?
5. Saan matatagpuan ang Isla ng Pitong Makasalanan o Isla de los Siete Pecados?

Para sa bilang 6-10, isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at isulat ang M kung ito ay MALI.

6. Pabayang ama ang tauhan sa alamat.


7. Nimpa kung tawagin ang pitong dalaga dahil sila ay magaganda at parang mga diwata.
8. Sa Iloilo matatagpuan ang Isla de los Sieta Pecados.
9. Sumakay sa barko ang magkakapatid nang sila ay sumama sa mga estranghero.
10. Makinig at galangin ang mga magulang ang isa sa pinakamahalagang aral ng alamat ng isla ng pitong
makasalanan.

V. KASUNDUAN

Magsaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat at itala ang mahahalagang


detalyeng makakalap. Isulat ito sa kuwaderno sa Filipino at lagyan ng leybel na Takdang Aralin
Blg. 4. Huwag ding kalimutang isulat ang mga sanggunian ng itinalang impormasyon.

Inihanda ni:

ELLA MAE JOYCE M. OMBAO

Field Study Student sa Filipino


Bulacan State University

Nagrerekomenda ng pagtitibay:

ANGELICA C. CARREON

Cooperating Teacher

Guro sa Filipino 7

Ipinagtibay ni:

LOIDA M. SARMIENTO

Head Teacher in-charge for Student Teaching

You might also like