You are on page 1of 13

ST.

JOHN THE BAPTIST CATHOLIC SCHOOL


# 26 Pinaglabanan St., San Juan City
TULANG PANUDYO/AWITIN
- Isang uri ng akdang patula
na kadalasang ang layunin
ay manlibak, manukso, o
mang-uyam.
- Ito ay kalimitang may himig
nagbibiro kaya ito ay kilala rin
sa tawag na Pagbibirong
Patula.
Halimbawa:
Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi

Selekta, walang lasa,


pangit pa ang nagtitinda.
Si Ana
Ay napakaganda
Pero kung tumayo
Ay parang nakaupo

Ako’y tutula
Mahabang-mahaba
Ako’y tatayo
Tapos na po
Tugmang de-gulong
- Ito ay mga paalala o babala
na kalimitang makikita sa mga
pampublikong sasakyan.
- Malayang nagpapahayag ng
mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe o paglalakbay.
Halimbawa:
Ang hindi magbayad mula
sa kanyang
pinanggalingan ay di
makabababa sa
paroroonan
Halimbawa:
Pasaherong masaya,
tiyak na may pera.

Basta drayber,
sweet lover
BUGTONG
-Ito ay isang pahulaan
sa pamamagitan ng
paglalarawan.
- Binibigkas nang
patula at kalimitang
maiksi lamang
Halimbawa:
Maliit pa si Totoy
Marunong nang
lumangoy
- ISDA
Nagtago si Pilo
Nakalitaw ang ulo
- PAKO
Halimbawa:
Ayan na si Kaka,
bubuka-bukaka
- GUNTING
Buto’t balat
Lumilipad
- SARANGGOLA
Palaisipan
-Ito ay nasa anyong
tuluyan.
- Layunin nito ang
pukawin at pasiglahin
ang kaisipan ng mga
taong nagkakatipon-
tipon sa isang lugar.
Halimbawa:

Sa isang kulungan ay
may limang baboy si
Mang Juan.
Lumundag ang isa
ilan ang natira?
Halimbawa:
Ano ang nasa gitna ng Dagat?

May isang bola sa mesa.


Tinakpan ito ng sumbrero.
Paano nakuha ang bola nang
di man lamang nagalaw ang
sumbrero?

You might also like