You are on page 1of 10

GAMIT NG BANTAS

1. Tuldok
•Ginagamit pagkatapos ng
pangungusap na pasalaysay,
pautos, daglat, inisyal, at iba pa.
2. Kuwit
• Ginagamit upang ihiwalay ang serye, pagkatapos
ng oo o hindi sa simula ng pangungusap,
pagkatapos ng bating panimula at bating
pangwakas sa liham-pangkaibigan at iba pa.

Halimbawa:
Kumuha ka ng lapis, papel, at libro sa aking silid.
3. Tutuldok
•Ginagamit pagkatapos ng bating
panimula sa liham-pangangalakal at
sa unahan ng isang listahan o serye ng
mga salita.

Kagalang-galang na Pangulo:
4. Tandang Pananong
•Ginagamit pagkatapos ng
tuwirang tanong.

Halimbawa:
Ikaw ba ay nag-aral para sa pagsusulit
bukas?
5. Tandang Padamdam
•Ginagamit upang maipakita ang
matinding damdamin.

Halimbawa:
Kahanga-hanga ka, Pangulong
Quezon!
6. Panipi
•Ginagamit sa pagkukulong ng isang
pahayag, sa pagsusulat ng mga pamagat
ng mga artikulo, sanaysay, panayam,
kabanata, at maikling kuwento.

Halimbawa:
“Ang kabataan ay pag-asa ng bayan”,
wika ni Dr. Jose Rizal.
7. Gitling
•Ginagamit sa pagitan ng unlaping nagtatapos
sa katinig at sa salitang-ugat na nagsisimula sa
patinig, sa pagitan ng ika- at tambilang, salitang
inuulit at sa tambalang salita.
Halimbawa:
araw-araw pusong-mamon
Ika-15 ng Disyembre nag-aral
8. Gatlang (en)
• Ginagamit ang gatling en (en dash) sa
panahong sakop o saklaw ng dalawang petsa,
o kapag nawawala ang pangwakas na petsa
ng panauhan.

Halimbawa:
2015-2025
2018-
9. Gatlang (em)
•Ginagamit kapag ibinitin ang daloy ng
pangungusap at may idadagdag na
impormasyon sa loob ng isang pangungusap.

Halibawa:
Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap
kung mangako ang Presidente ng Senado — si
Manuel L. Quezon.

You might also like