You are on page 1of 9

Introduksyon sa

Pamamahayag
z
z
Lathalain
 katulad ng balita, ay hindi lamang isinulat upang magpabatid, kundi lalo pa
nitong pinalalawak ang balita impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling
pamamaraan. Ito ay nagdaragdag at nagpapatingkad ng kulay at buhay sa
pahayagan. Kaya ang istilo nito ay nakasalalay sa malikhaing isipan ng
manunulat.

 isang akdang batay sa misteryong sangkap sa pamahayagan na tinatawag na


pangkatauhang kawilihan – isang pangyayari ng nakagaganyak sa atin dahil
masasalamin natin dito ang ating sariling buhay.

Kung ang balita ay tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari, ang


lathalain naman ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay.
Ilan sa mga halimbawa ng isang Lathalain ay ang mga sumusunod:

 Ilaw ng tahanan

 Ang Pangulo ng Pagbabago

Mga halimbawa ng Lathalain na tampok sa ilang dyaryo at magasin

z
Kahalagahan ng Lathalain
z

 Batay sa nakalap na kahulugan ng lathalain, ano nga ba ang kahalagahan nito


sa pag-aaral partikular sa buhay ng isang mag-aaral o nang isang
mamamayang tulad natin?

 Hindi nga ba’t itoy isang sulatin na nakabatay sa totoong pangyayari,


samakatuwid ito’y nagsisilbing gabay upang mas mapabuti ang buhay ng isang
mambabasa. Nagiging pamantayan ito ng pag-unlad tungo sa mas maayos na
takbo ng buhay ng isang tao sa lipunan. Ito rin ang isang kaparaanan nang
ilang manunulat o sumusulat na ipabatid ang katotohanang pilit na ikinukubli ng
ilan.
Katangian
z ng Lathalain
 Ito ay walang tiyak na haba. Ito ay maaaring maikli o mahaba depende sa gusto ng manunulat.

 Ang lathalain ay batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa isang balita.

 Maaari itong sulatin sa anumang anyo, estilo o pamamaraan ngunit kailangan na ito ay angkop sa
nilalaman ng layunin nito.

 Ito ay ginagamitan ng makabagong patnubay sa halip na kabuurang patnubay.

 Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan.

 Ang lathalain ay maaaring sulatin sa una, ikalawa o ikatlong panauhan.

 Ito ang pinakamalayang pagsulat sa lahat ng uri ng pampamahayagang akda.

 Maaari itong gumamit ng tayutay o idyoma kung kinakailangan.

 Karaniwan itong nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.

 Ito ay may panimula, gitna at wakas.


 Iba pang katangian ng Lathalain

1. May kalayaan sa paksa.


2. Walang tiyak na haba.
3. Maaring napapanahon o di- napapanahon.
4. Laging batay sa katotohanan.
5. Karaniwang ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.
6. Nasusulat sa pataas na kawilihan
7. Maaring pormal o di-pormal ang pamamaraan sa pagkakalahad ng mga tala o ideya, maging sa paggamit ng salita.

z
z

8. Maaring gamitan ng mga pang-uri, tayutay, dayalogo, katutubong kulay at


idiomatikong pahayag.

9. Maaring sulatin sa una, ikalawa o pangatlong panauhan.

10. Bagama’t may kalayaan, naroon pa rin ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at
ang kariinan sa kabuuan ng akda.
z

Mga Layunin ng Lathalain

1. Magpabatid

2. Magpayo at magbigay ng aral

3. Magturo

4. Mang-aliw
z
At dito na nagtatapos ang aking ulat…..

Maraming Salamat sa Pakikinig!!

You might also like