You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN: ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NI JUAN

I. Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga
sumusunod na kasanayan:
A. Natutukoy ang magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayari sa tekstong
napakinggan (F7PN-IIId-e-14)
B. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat at kuwentong-bayan
(F7PB-IIId-e-16)
C. Naisusulat ang buod ng isang mito/alamat/kuwentong-bayan nang may maayos
na pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. (F7PU-II-e-14)
II. Paksang Aralin
 Panitikan: Ang Pakikipagsapalaran ni Juan
 Wika: Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at Wakas ng Akda
 Sanggunian:
Philippine Folk Tales ni Mabel Cook Cole.
https://gutenberg.org/files/12814/12814-h/12814-h.htm#d0e4557
https://k12.starbooks.ph/pluginfile.php/5384/mod_resource/content/2/
index.html
 Kagamitang Pampagtuturo:
Canva, MS Powerpoint
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban
d. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
4 Pics 1 Word
S pamamagitan ng PowerPoint, ipapakita ng guro ang larong 4 pics 1 word
kung saan huhulaan ng mga mag-aaral ang pinahihiwatig ng mga larawan.
Sa pamamagitan ng apat na larawan at ginulong letra, huhulaan ng mga
mag-aaral ang tamang salita angkop sa bilang ng kahon kung saan ang mga
ito ay may kinalaman sa kuwentong tatalakayin.
b. Pagtalakay
Unang Gawain: Sisimulan ng gurong ituro ang kuwentong Ang
Pakikipagsapalaran ni Juan.
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon na mabasa ang akda sa
pamamagitan ng mga kopyang ipamamahagi ng guro sa mga mag-aaral.
Matapos basahin ay papangkatin ang mga mag-aaral upang sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang paksa ng akda?
2. Ano ang aral na nakapaloob sa akda?
Ikalawang Gawain: Tatalakayin ang tungkol sa mga pahayag o hudyat ng
simula, gitna at wakas ng akda. Mula sa kopya ng akda, tutukuyin ng mga
mag-aaral ang mga salita naglalarawan o pahayag na naghuhudyat ng
simula, gitna at wakas ng akda.
c. Paglalahat
Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na sagutin ang mga sumusunod na
katanungan:

Panuto: Ipaliwanang mag mga sumusunod. Bawat isa ay katumbas na


limang puntos.
1. Ano ang kahalagahan ng Ang Pakikipagsapalaran ni Juan sa
pagpapanatili ng magandang kaugalian ng mga Pilipino?
2. Anong uri ng lipunan ang nakapaloob sa akdang tinalakay?
3. Gaano kahalaga sa mga mag-aaral na katulad mo ang pagkakaroon
pagpapahalaga sa mga aral na nakapaloob sa akda?
4. Paano nakatulong ang mga salitang hudyat sa simula, gitna at wakas ng
kuwento?
5. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong hudyat sa simula, gitna at
wakas ng kuwento?

IV. Pagtataya
Gawain: Gamit ang kopya ng akdang Ang Pakikipagsapalaran ni Juan, gagawa ang
mga mag-aaral ng buod nito sa pamamagitan ng na salita o pahayag na
naghuhudyat ng simula, gitna at wakas ng akda(halimbawa ay noong unang
panahon, sa pagpapatuloy, magmula noon, sa huli.) Kailangang maisaalang-alang
ang tamang paggamit ng mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng akda.

V. Takdang Aralin

Aatasan ng guro ang mga mag-aaral na gumawa ng repleksyon patungkol sa


natapos na klase at ilagay kung ano ang mga mahahalagang natutuhan mula akda
maging sa mga ibinahaging ideya at opinyon ng mga kamag-aral hinggil sa binasang
kuwento.

Ang repleksyon ay dapat na hindi lalagpas sa dalawang pahina.

You might also like