You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 9

Petsa: Ika-2 ng Mayo, 2019

I. Layunin
a. Nauunawaan ang nilalaman at konteksto ng tulang binasa batay sa matalinghagang pananaw.
b. Nabibigyang halaga ang mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyang panahon.
c. Nakalilikha ng isang poster para sa mga manggagawang Pilipino na may sariling
caption/tagline.

Pagpapahalaga: Mabigyang pagpapahalaga ang mga manggagawang Pilipino sa


kasalukuyang Pilipino.

Paksang-Aralin
Panitikan: Pasyong Mahal ni San Jose ni Jose F. Lacaba

Mga Kagamitan: Likhang gauntlet ni Thanos, nametags, laptop, projector

II. Panimulang Gawain


 Class Routine

III. Pamamaraan

A. Pagganyak
A.1 Magpapakita ang guro ng larawan ng gauntlet ni Thanos sa mga mag-aaral.

Gabay na Tanong:
 Kung bibigyan kayo ng pagkakataon na magkaroon at magamit ang gauntlet ni
Thanos, saan ninyo ito gagamitin? Sa kabutihan o sa kasamaan?

A.2 Magpapakita ang guro ng sumusunod na larawan sa mga mag-aaral.


Gabay na Tanong:
 Dahil sa kabutihan ninyo ito gagamitin, sa paanong paraan mo kaya magagamit
ang gauntlet ni Thanos sa sumusunod na pangkat ng tao na aking ipapakita?

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Baitang 9 1


B. Talasalitaan
Larahulugan: Sa Pamamagitan ng Larawan, Salita ay Bigyang-kahulugan

C. Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa mga sumusunod sa pamamagitan ng malayang talakayan at “Bukas-Sara”.
 Tungkol sa may-akda
 Mga natandaang linya ng mga mag-aaral mula sa tula
 Nilalaman ng tula
 Nilalaman ng pamagat ng tula
 Nilalaman ng bawat saknong
 Mga simbolismong ginamit sa dalawang magkaibang perspektibo
 Kabuoang tinatalakay at mensahe ng tula

Bukas-Sara
Mekaniks:
1. Hahatiin ang klase sa dalawa at pagkatapos ay ibilog ang mga upuan.
2. Ang mga mag-aaral sa bawat pangkat ay magkakaroon ng kani-kaniyang pangalan.
3. Sa tuwing mayroong itatanong ang guro ay magbibigay siya ng 30 segundo para mapag-
usapan sa loob ng pangkat ang sagot.
4. Mahalaga ang pakikinig at pakikiisa ng bawat isa sapagkat pagkatapos ng 30 segundo ay
hindi na pahihintulutan pa ang bawat mag-aaral na magsalita.
5. Sasabihin ng guro ang pangalan ng tauhan na sasagot sa tanong.
Halimbawa: Para sa tanong na ito ang sasagot ay ang mag-aaral na si “Thor”.
6. Ang Thor ng una at pangalawang pangkat ang sasagot at ang may pinakatama at
pinakamagandang sagot ang makakuha ng puntos.
7. Sa hudyat na “Bukas” ng guro pagkatapos ng tanong ay magsisimula pa lamang na
pahintulutan na magsalita ang bawat isa upang ibahagi sa loob ng kanilang pangkat ang
sagot.
8. Sa hudyat na “Sara” ng guro pagkatapos ng 30 segundong pababahagi ang hudyat upang
tumahimik ang lahat at humanda para sa pangalan ng sasagot sa tanong.

D. Pagpapahalaga

Ang Pilipinas ay isang bansa na ang karamihan sa mga nakatira rito ay manggagawa. Kilala
ang mga Pilipino bilang mga mahuhusay na manggagawa hindi lamang sa Pilipinas kundi
sa buong mundo.

Anong pangkat ng mga manggagawa ang pinakamalapit sa puso mo? Bakit?


Kung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataong maging pangulo ng Pilipinas, sa paanong
paraan mo ipapakita ang pagpapahalaga sa mga manggagawang Pilipino?

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Baitang 9 2


E. Sintesis
Kung ang Avengers End Game ay may caption/tagline na “Whatever it takes.”, batay sa
naging pagtalakay, anong caption/tagline naman ang kaya mong ibigay para sa ating mga
mangagawang Pilipino? Bakit?

F. Pagtataya
Ibigay ang bisa sa isip, bisa sa damdamin at mga pagbabagong naganap sa iyong sarili
matapos na makita ang sumusunod na larawan.

IV. Takdang-Aralin
Mula sa naisip na caption/tagline kanina ng bawat pangkat,gumawa ng sariling poster para sa
mga manggagawang Pilipino at lagyan ito ng sariling caption/tagline. Maaari itong iguhit o
`gawin sa adobe photoshop.

V. Pangwakas na Gawain
Pangwakas na panalangin

Inihanda ni:

Bb. Hannah Mae T. Insigne

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Baitang 9 3

You might also like