You are on page 1of 7

PANGASINAN STATE UNIVERSITY

Kampus ng Bayambang
Bayambang National High School
Bayambang, Pangasinan

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


(Batay sa K-12 Kurikulum
Most Essectial Learning Competencies)

Gurong Nagsasanay Dannah Lee O. De Guzman Antas Baitang 9


Monica B. De Guzman
Ma. Monica Ann Devera
Krizia Mae D. Dinong
Jocelyn M. Peralta
Kristel Sunga
Gurong Tagapagsanay Ms. Thania Manzano Oras Isang oras
Petsa ng Implementasyon 4 Enero 2022 Araw Lunes

Ikalawang Markahan
Modyul 4. Panitikang Asyano: Maikling Kuwento
A. Paksa Aralin 2.4 Niyebeng Itim Maikling Kuwento – China ni Liu Heng
(Isinalin ni Galileo S. Zafra)

B. Sanggunian Ikalawang Markahan – Modyul 4. Panitikang Asyano – Maikling Kuwento


Unang Edisyon: 2014
Muling Limbag: 2016, 2017
(iba pang sanggunian)
C. Kagamitan Laptop, TV Monitor, Powerpoint Presentation, aklat, pisara, at aplikasyong
Wordwall

D. Pagpapahalaga Nailalapat at napahahalagahan sa tunay na buhay ang mga aral na


natutuhan sa akda.

I. Batayang Kasanayan
Matapos ang 60 minuto, inaasahang ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng mga kasanayang:
1. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit at nabasang
kuwento (F9PS-II-f-50)
2. Nabibigyang Kahulugan ang Imahe at simbolo sa binasang kuwento (F9PT -Iie-f-48)
3. Naisasadula ang mga gintong-aral na natutuhan sa nabasang akda.
II. Pamamaraan (4Ps)

A. Panimulang Gawain (10 minuto)


1. Panalangin
Ang guro ay tatawag ng isang mag-aaral upang pangunahan ang pambungad na
panalangin.
2. Pagtsetsek ng Atendans
Itatala ng guro ang atendans sa klase sa pamamagitan ng pagtanong sa isang mag-aaral
kung may lumiban sa klase.
3. Pagbabalik-aral
Babalikan ng guro ang nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
katanungan tungkol sa kanilang natutuhan mula sa nagdaang talakayan.
Itanong:

4. Pangganyak
Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap
(F9PT-IId-47)
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na sasagot sa mga palaisipang susubok sa kanilang kakayahan
at ibabahagi sa harapan ng mga kaklase. Ang bawat isa ay may katumbas na inihandang larawan na
siyang gagamiting basehan sa pagsasagot.

https://bit.ly/3PlaXdZ
https://bit.ly/3iVW7y5 https://bit.ly/3HtzueU
Ako ay napasa’yo May digma sa isipan Sa mga nakaranas ng dahas
Mula nang mga bayani’y tumayo, Maging sa puso’y nananahan Ang nakalipas ay nakalipas
Nagtipon at humayo Hindi maunawaan May na magsisilbing kumpas
Upang mag-aklas sa mga dayo May pighati sa katotohanan Upang sa rehas matatakas

Sagot: Kalayaan, Bilanggo, Pag-asa

B. Paglinang sa Aralin ( 15-20 minuto)


1. Paglalahad ng Paksa
Ipakikilala ng guro sa mga mag-aaral ang tekstong babasahing pangkatutubong-kulay na
isang maikling kuwento na nagmula bansang China. Sa pamamagitan ng pagpapanood ng
orihinal na kathang video, ilalahad ng guro ang kultura na pinagmulan ng akdang
pampanitikan na Niyebing Itim isang Maikling Kuwento na nagmula sa China. Pagkatapos
panoorin, ang guro ay magbibigay ng ilang katanungan sa mga mag-aaral.
1. Paano mo mailalarawan ang mga Tsino batay sa iyong napanood?
2. Anu- ano ang kaugalian uri ng pamumuhay o kultura ng mga Tsino batay sa iyong napanood
na bidyu?
3. Paano nakatutulong ang kanilang kultura sa kanilang hanapbuhay?

Ilahad:
2. Paghahawan ng mga Sagabal / Paglinang ng Talasalitaan
Nabibigyang Kahulugan ang Imahe at simbolo sa binasang kuwento (F9PT -Iie-f-48)
Gamit ang aplikasyong Wordwall ,ipapasagot ng guro sa mga mag-aaral ang paglinang ng
talasalitaan. Kailangan ayusin ng mga mag-aaral ang mga letra upang mabigyang-
kahulugan ang mga imahe at simbolong ginamit sa kuwento.
https://wordwall.net/resource/39302563

Sagot: Magtiyaga, Mahina, Pag-asa, Pagkalinga, Bilangguan, Inosente

3. Pagtalakay
Nabibigyang-kabuluhan at kabatiran ang binasang teksto sa pagsagot sa mga
katanungan
A. Gamit ang Power Point Presentation, ilalahad ng guro ang buod ng kuwento. Maaari nilang basahin
ang teksto pagkatapos ilahad ng guro. Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang kulay ng pinto ng
hawla kung saan ang bawat isa ay may laang tanong. Pipili ng pinto ang mga mag-aaral na nais
harapin ang mga hamon sa likod nito. Dapat masagot ang tanong na nasa likod.
Ilahad:
C. Paglalahat (5 minuto)
Naisasalaysay nang maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
(F7PS-Iii-11)
Matapos ang pagsasagot sa mga tanong batay sa binasang teksto magbibigay ang guro ng
isang gawain na kung saan pipili ang mga mag-aaral ng isang Icon na kumakatawan sa
kanilang emosyon o nararamdaman matapos basahin at mapakinggan ang kuwento.

D. Paglalapat (8-10 minuto)


Naisasadula ang mga gintong-aral na natutuhan sa nabasang akda.
Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat para sa isang pagsasaduka. Ang tema ng
isasadula ay hango sa temang inihanda ng guro na nagmula sa akdang tinalakay.

PAMANTAYAN

Malikhain 40
Kalinawan ng pagsasadula 40
Konektado ang tema sa 30
pagsasadula

Kabuuang Puntos: 100


III. Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot ng hanay A sa hanay B. Isulat nalamang sa patlang ang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Ang binili ng karpentero sa tindahan ni Li Huiquan A. Tiyo Li
2. Halaga na pinambili ni Li Huiquan sa kaniyang sasakyan
na tindahan B. Matiyaga
3. Siya ang tiya ni Li Huiquan C. Timog silangang Tulay
4. “Inayos ni Lu Huiquan ang karag-karag at lumang tatluhang D.Sampung Araw
gulong na E. 100 Yuan
Sasakyan”. Ito ay pagiging___ F.Kinse
5. Siya ang pangunahig tauhan sa kwento G. Li Huiquan
6. Saan nakapwesto ang paninda ni Li Hiquan
7. “Si Tiya Lou ay inalok si Hiquan na makipagsalo sa kanila sa H. Kabutihang Loob
arawng bagong taon”
Ito ay___ I. Niyebeng Itim
8. Pamagat ng akdang binasa J. Damit pang Army
9. Ilang letrato ang pinakuha ni Li Hiuquan K. Tiya Lou
L. Damit
10. Sino ang tumulong kay Hiuquan upang makakuha ng kanyang lisensya

Susi ng pagwawasto
1. L. Damit
2. E. 100 Yuan
3. K. Tiya Lou
4. B. Matiyaga
5. G. Li Hiuquan
6. C. Timog Silangang Tulay
7. H. Kabutihang loob
8. I. Niyebeng Itim
9. F. Kinse
10. A. Tiyo Li

IV. Kasunduan
Basahin ang susunod na Aralin tungkol sa Maikling kuwento na Nagmamadali ang Maynila (pahina
145)
Gawain 1: Ilarawan Mo
Batay sa binasang teksto, ilarawan mo ang lugar, kilos/gawi, at uri ng pamumuhay ng mga tao noon
sa Maynila. Gawin sa sagutang-papel.

You might also like