You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon X
Sangay ng Bukidnon
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LIBONA
Crossing, Libona, Bukidnon

BANGHAY ARALIN
Paraang 4As

IKAAPAT NA KWARTER

Paaralan LIBONA NATIONAL HIGH SCHOOL Antas GRADE 10


JESSEL C. GODELOSAO
Guro Asignatura FILIPINO 10
MAYO 24, 2023
Araw at Oras Unang Araw/Huwebes Seksyon THALES
10:05-10:45

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang
Pangnilalaman El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
Pagganap documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
C. Kasanayang Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa
Pampagkatuto biansang kabanata ng nobela. F10PT-IVb-c-83

Layunin Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga tungkol sa mga


kaisipang namayani sa akda F10PS-IVd-e-87

Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop


na mga salitang hudyat sa paghahayag ng saloobin/ damdamin. F10WG-
IVd-e-80

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit
sa biansang kabanata ng nobela.
 Nakikilala ang mahahalagang tauhan at pangyayari sa kabanata.
 Nailalahad ang mensahe ng kabanata sa malikhaing paraan.

D. Estratehiya sa Pangkatang Gawain Picture Analysis 4 As Method


Pagtuturo Video Presentation
E. Midyum sa Pagtuturo FILIPINO ang gagamiting wika sa pagtuturo sapagkat ito an asignaturang
ituturo, at kung sakaling may mga salitang mahirap intindihin, ito ay isasalin
sa BISAYA.
F. Pilosopiya sa Pagtuturo Constructivism- Ang mag-aaral ay bubuo ng mga ideya sa kanilang
kaisapan upang ibabahagi ito sa klase.

II. PAKSANG ARALIN El Filibusterismo


Kabanata 26 – Mga Paskin
Kabanata 27 – Mga Prayle at mga Pilipino
Kabanata 28 - Pagkatakot

A. Kaugnay na Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao, English

B. Kagamitan Telebisyon, Laptop


C. Sanggunian Booklet ng El Filibusterismo at Youtube

III. PAMAMARAAN

A. Panimula Panalangin
(10 minuto) Mahal naming Panginoon, salamat po sa biyaya ng buhay. Salamat
po sa araw-araw na pagsama sa amin at ligtas kaming nakarating sa
aming paaralan upang makapag-aral. Naway ang lahat ng paksang
aralin at gawaing tatalakayin at aming gagawin ay aming
maintindihan at mapagtagumpayang gawin. Ingatan mo po kaming
lahat sa buong araw na ito. Hinihingi po namin ang lahat ng ito sa
ngalan ni Hesus na aming Dakilang Tagapagligtas. Amen.

Pagtsek ng mga Liban sa Klase


 Ililista ng guro ang lumiban sa klase.

Alituntunin ng Silid-Aralan-
 Makinig kung may magsasalita.
 Itaas ang kanang kamay kung may nais itanong o sabihin.
 Sundin ang mga panutong ibinigay.
 Huwag magsalita nang sabay-sabay
 Magpakita ng respeto sa kaklase at guro.

Pagbabalik-aral
 Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral tungkol sa paksang
tinalakay noong nakaraang pagkikita.

Pagganyak
 Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan sa
paksang tatalakayin. Ipaliliwanag ng mga mag-aaral kung ano
ang mga larawan.

Paglalahad ng Layunin sa Aralin


 Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na
ginamit sa biansang kabanata ng nobela.
 Nakikilala ang mahahalagang tauhan at pangyayari sa
kabanata.
 Nailalahad ang mensahe ng kabanata sa malikhaing paraan.

B. Gawain (ACTIVITY) Pangkatang Gawain


(10 minuto)  Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga kahulugan sa mga
salitang nasa hanay A. Pagkatapos ay gumawa ng
pangungusap gamit ang mga salita. Pumili ng isang
miyembro ng pangkat upang mag-ulat sa kanilang ginawa

Hanay A Hanay B

 Kapisanan naipon
 mangmang samahan
 panghulo walang alam
 naimpok pagpapakamatay
 pagpapatiwakal isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan
 Paskin pagkakaintindi

(Bibigyan ng mga mag-aaral ang kani-kanilang sarili ng isang


Dionisia Applause!
C. Pagsusuri (ANALYSIS) Susuriin ng guro at mga mag-aaral ang ginawang gawain.
(5 minuto)
Ngayon may ideya naba kayo kung tungkol saan ang ating
tatalakayin ngayon?
 Pag-aalis ng Balakid
 Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan
 Prayle - pari
 Naimpok – naipon
 Panghulo - pagkaintindi
 Mangmang – walang alam
 Pagpapatiwakal – pagpapakamatay
D. Talakayan  Pagpapanood ng video clip sa kabanata 26, 27 at 28 ng
(15 minuto) nobelang El Filibusterismo.
 Magkakaroon ng malayang talakayan
 Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napanood na
video.
 Pagtukoy ng mga mag-aaral sa temang napanood.

(Mga tanong na maiuugnay sa ibang asignatura)


1. Para sa iyo bilang isang mamamayang Pilipino mahalaga bang ikaw
ay makibahagi sa mga Gawain sa pamahalaan?Bakit? (Edukasyon
sa Pagpapakatao)

2. Ano sa wikang ingles ang “Paskin”? (English)

E. Paglalapat  Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat (Differentiated


(APPLICATION) Activities)

(20 minuto)  Panuto: Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng 10 minuto


upang paghandaan ang gawain.

 Unang Pangkat – Bubuo ng isang awitin na binubuo ng


isang berso at koro hinggil sa labis na pagkatakot. Ang tono
ay maaaring sariling lapat o hango sa ibang awitin.
 Pangalawang Pangkat – ang pangkat ay bubuo ng
dalawang saknong na tula, maaring malaya patungkol sa
mga mensahe na ipinapaabot ng mga kabanatang tinalakay.
 Pangatlong pangkat – magpapakita ng maikling
pagsasadula tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa
tatlong kabanata.
 Rubrik ng Gawain:
Kaugnayan sa Paksa – 20
Presentasyon – 20
Pagkakaisa ng Pangkat – 10
Kabuuan – 50.

 Tapos na ang ginawang Gawain.


Paglalahat  Ibubuod ng mga mag-aaral ang mga kabanatang tinalakay. Isulat sa
(ABSTRACTION) isang buong papel ang gagawing pagbubuod.
(5 minuto)
 Magbabahagi ang mga mag-aaral ng mga aral na kanilang
natutunan sa kabanatang tinalakay.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Kilalanin ang mga tauhang inilalarawan ng bawat pahayag.

1. Ang taong tinanong ng kanyang kaibigan tungkol sa


paghihimagsik.
2. Ayon sa tauhang ito, hindi ang mga mag-aaral ang may kasalanan
kundi ang mga gurong nagtuturo sa kanila.
3. Tinaggap ng taong ito ang paraan ng pakikipag-usap ni Isagani.
Sinabi nitong kausapin siya bilang guro hondi bilang pari.
4. Ang lalaking pinagtanungan kung dapat bang balutihan ang
kanyang tindahan.
5. Siya ang nagbalita kay kapitan Tiyago na may ilang nag-oudyok sa
Heneral na barilin ang ilan upang bigyan ng aral ang mga binata.

V. Kasunduan/Takdang Panuto: Bumuo ng isang liham para sa iyong kaibigan.


Aralin

Inihanda ni: Sinuri ni:

JESSEL C. GODELOSAO CHERRY PINK R. NAMOC


Guro Filipino Department Chairman

Noted by: Pinagtibay ni:

CORAZON B. LANGOT VERGILIA O. PANCHO, PhD.


Academic Head Principal 1

You might also like