You are on page 1of 11

Pagpapakitang Turo

sa Filipino
Baitang 11
K to 12 Curriculum

Inihanda ni:
JESSEL C. GODELOSAO
Guro
Kahalagahan ng Wika
 Ang wika ay mahalaga dahil ito ang
instrumento ng komunikasyon,
nagbubuklod ng bansa, nag-iingat
at nagpapalaganap ng kaalaman at
ito lumilinang ng malikhaing pag-
iisip. 
Panuto: Bawat grupo ay pipili ng isang miyembro na
pupunta sa guro upang makita at mabasa ang salita o
pangungusap na ipapasa sa kanyang mga kasama o ka
grupo sa pamamagitan ng pagbulong, habang ang
ibang kasama sa grupo ay nakatalikod saka lang siya
haharap kung tatapikin na siya ng kanyang kasamahan
na nauna sa kanya at ang huling miyembro naman ng
bawat grupo ang siyang maghahatid pabalik sa guro sa
salita o pangungusap na pinapasa ng kanyang
kasamahan. Kung sinong pangkat ang may
pinakamaraming puntos ang siyang panalo.
LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga
mag-aaral sa Grade 11 ay inaasahang:

a. Naibibigay ang kahulugan at kahalagahan ng


komunikasyon;
b. Napahahalagahan ang komunikasyong berbal;
at
c. Nakagagawa ng isang presentasyon o aktibidad
gamit ang komunikasyong berbal.
• Ayon kay Josefina Mangahis et.al (2008), sa aklat na
Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ang
komunikasyon ay hango sa salitang Latin na
communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi”.
Sa ganitong sitwasyon ang dalawang panig ang
magbabahagian ng kanilang ideya o opinyon sa
paraang kasangkot ang pagsasalita.

• Ito ay isang proseso ng paghahatid ng isang mensahe


o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan,
at mga saloobin ng isang tao sa kanyang kapwa.
• Samakatwid, ang komunikasyon ay isang
paraan ng paghahatid at pagtanggap ng
lahat ng uri ng mensahe na
kinasasangkutan ng magkatambal na
proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-
unawa. May nagsasalita man, kung walang
nakikinig at umuunawa, ay walang
nagaganap na komunikasyon.
•Sa komunikasyong berbal ginagamit ang makabuluhang
tunog at sa paraang pasalita.

•Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng komunikasyonng


gumagamit ng salita sa anyong pasalita at/o pasulat man.
Nagagawa ang paraang oral sa pamamagitan ng pakikipag-
usap sa kaanak, kaibigan, at kakilala, pakikipagtalakayan sa
klase, at paglahok sa mga usapan sa kumperensiya at
seminar. Pasulat naman itong napadadaloy sa mga sulatin
sa klase, paglikha ng blogpost, pagbuo ng manifesto at
bukas na liham, at iba pa.
 
Tumutukoy ito sa pagpaparating ng ideya o
mensahe gamit ang salitang nagririprisinta sa
mga kaisipan.
 
Halimbawa ng berbal na komunikasyon ang
pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan sa
kapwa sa pamamagitan ng pasalita.

Halimbawa:
• Gising na! Tanghali na!, baka mahuli ka sa klase,
aalis na ako, mag-ingat ka, umuwi ka agad.
Gawain 1:
 Panuto: Bawat pangkat ay bibigyan ko ng sobre kung saan nakapaloob ang
mga pangkatang gawain. Bawat pangkat ay lilimitahan ko lamang ng limang
minuto upang gawin ang naiatas na aktibidad. Pagkatapos ay ilalahad sa
harapan ang natapos.

Pangkatang Gawain:
• Unang pangkat – Sumulat ng isang maikling balita tungkol sa labis na
paggamit ng mga teknolohiya. 
• Pangalawang pangkat – gumawa ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng
komunikasyong berbal. 
• Pangatlong pangkat – sumulat ng isang liham pasasalamat para sa inyong mga
magulang. 
Pamantayan:
• Nilalaman/mensahe ng ginawa – 30 puntos
• Kaayusan at katahimikan ng grupo – 10 puntos
• Kooperasyon – presentasyon – 40 puntos
• Kabuuan – 100 puntos
Gawain 2:

Panuto: Kumuha ng isang buong papel at basahin ang


mga sumusunod na katanungan at isulat ang inyong
mga sagot sa buong papel na inyong kinuha.

1. Ano ang kahulugan ng komunikasyon? (5puntos)


2. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng
komunikasyon a buhay ng tao? (5puntos)
3. Magbigay ng limang halimbawa ng komunikasyong
berbal. (5 puntos)
Takdang Aralin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod


na tanong at isulat ang inyong mga sagot sa inyong
kwaderno.

1. Ano ang kahulugan ng komunikasyong di-berbal?


2. Magbigay ng tatlong kahalagahan ng komunikasyong di-
berbal?
3. Ibigay ang mga uri ng komunikasyong di-berbal.

You might also like