You are on page 1of 2

Filipino 5 & 6

(Multigrade) Unang Markahan

I. Layunin
Sa tulong ng mga iba’t ibang gawain, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makapaggagawa sa mga sumusunod na may 85% kawastuhan;
a. Nababasa ang Alamat ng may tamang bilis, tono, antala at ekspresyon
b. Niuugnay ang sariling karanasan sa pangyayari sa kwento.
c. Naisasalaysay ayon sa wastong pagkakasunod sunod ang mahalagang pangyayari ng
alamat na napakinggan.
II. Paksang Aralin

Paksa: Alamat ng Pinya

Pagpapahalaga: Tyaga at Pasensya

Sanggunian: Libro sa Filipino

Kagamitan: Biswal na Materyal

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga iba’t-ibang larawan ng emosyon sa ikalimang baitang na
grupo. Isasakilos nila kung ano ang ipinapahayag na emosyon sa larawan.

Habang ang mag-aaral sa ika-6 na baitang ay huhulaan kung ano ang ang isinasakilos ng ika-5
baitang nsa grupo kung anong emosyon ito.

B. Paglalahad

Ang bawat grupo ang magbibigay ng kanilang alam sa alamat.

C. Pagtatalakay
Tatalakiayin ang alamat at mga halimbawa nito.

D. Paglalahat
1. Kung kayo si Pinay, gagawin niyo rin ba ang ginagawa niya? Bakit?
2. Ano ang dalang aral ang alamat ng pinya?
3. Paano niyo naisasabuhay ang natutunan ninyo sa alamat?
4. Ano ang kahalagahan ng alamat?

E. Paglalapat
1. Panggrupong Gawain
Ang klase ay hahatiin ayun sa kanilang antas o baitang.
2. Pangkatang Pagpapahayag
Ang unang grupo ay binubuo ng mga mag-aaral sa ika-6 na baitang. Kanilang
isasaayos ang pagkasunod-sunod. Ang kwento ng alamat na di-napapaayos na
nakasulat sa hiwa-hiwalay na papel.
3. Pagpapahayag
Ang bawat grupo ay magbibigay ng ideya patungkol sa alamat.
F. Pagtataya

Direksyon: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

________1. Ano ang pamagat ng kwentong napakinggan?

________2. Sino ang bida sa kwentong Alamat ng Pinya?

________3. Sino ang Ama’t Ina ni Pina?

________4. Anong ugali mayroon si Pina?

________5. Anong aral kaya ang Natutunan ni Pina?

G. Takdang-Aralin
Bumasa ng alamat at gumawa ng sariling katapusan ng kwento at ilahad ito sa oras ng
klase.

Armea, Kristine Joy A.

Deveras, Ceikaeya R.

Dimaculangan, Zyna S.

Franzo, Mary Grace A.

Pesito, Jahnelle P.

Sueno, Jennelyn C.

Talagtag, Loriemae F.

You might also like