You are on page 1of 6

Pamantasang Normal ng Leyte

Kolehiyo ng Edukasyon
Tacloban City

Di-masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

Ma. Cara Tanya B. Princillo Prof. Cristina N. Estolano


MTH (7:30-9:00AM)

I. Mga Layunin
Ang mga mag-aaral sa Ika-8 na Baitang ay inaasahang matatamo ang
mga sumusunod nang may 85% katiyakan.
a. Natutukoy ang pagkakaiba at uri ng mga popular na babasahin
b. Nailalahad ang kahalagahan ng pagbabasa
c. Nakalilikha ng pagsasatao batay sa ibinigay na uri ng babasahing
tinalakay.
II. Paksang-Aralin At Mga Kagamitan

a. Paksa: Mga Popular na Babasahin

b. Mga Sanggunian: 1. Pinagyamang Pluma 8, pp. 352-354

2. Panitikang Filipino 8 Modyul para sa mga Mag-


aaral, pp.128-135

3. Gabay Pangkurikulum sa Filipino

(F8PD-IIIa-C29)

c. Mga Kagamitang Panturo


visual aids, kahon, mga larawan ng ibat ibang babasahin at mga tao,
flash cards, video clip, laptop, projector

d. Nakagawiang Gawain

1. Pambungad na Panalangin

2. Pagbati

3. Pormal na Pagtatalakay

III. Introduksyon

A. Pagganyak

Ipapakita ang mga larawan ng halimbawa ng komikstrip, pahayagan,


magasin at kontemporaryong dagli.

Mga katanungan ng Guro:

1. Anu-ano ang nakikita ninyo sa larawan?

2. May kaugnayan baa ng mga larawan?

3. Sa papaanong paraan ito magkakaugay?

Magpapakita ang guro ng mga larawan ng m taong nagbabasa.

Mga katanungan ng Guro:

1. Sinu-sino ang nakikita niniyo sa larawan?

2. Ano ang ginagawa ng mga tao na nasa larawan?

3. Ginagawa nyo rin baa ng ginagawa ng mga tao sa larawan?

4. Saan mo ginagawa ang pagbabasa?

B. Pagtatalakay

Ipapakita ng guro ang aralin na tatalakayin


Mga katanungan ng guro:

1. Sa tuwing kayoy nakakarinig ng salitan popular, ano ang sumasagi sa


inyong isipan?

2. Anu-anong popular na babasahin ang inyo nang nabasa?

3. Ano ang nakukuha natin sa pagbabasa?

Ipapahayag ng guro ang apat na Popular na Babasahin. Pero bago niya


isiwalat ang kahulugan ng mga ito, tatanungin muna ng guro ang kanilang
sariling pagpapakahulugan ditto.

Tanong:

1. Sa inyong sariling pananaw, ano ang pahayagan?

2. Ano naman ang magasin?

3. Ano ang komiks?

4. Ano ang kontemporaryong Dagli

Ipapakita ng guro ang kanyang inihandang videoclip na kinapapalooban ng


Kahalagahan ng pagbabasa.

Mga katanungan:

1. Ano ang binigyang-diin sa nakitang videoclip?

2. Bakit kailangan nating Magbasa?

3. Ano ang napupulot natin sa pagbabasa?

IV. Interaksyon

I. Upang lubos na maunawaan ang tinalakay, may inihandang katanungan


ang guro na nakalagay sa kahon. Ang kahon ay naglalaman ng mga
katanungan. At sa pamamagitan ng isang kanta, ipapasa-pasa ang kahong ito ng
mga mag-aaral. Ang sino mang hihintuan ng kanta na humahawak ng kahon ay
syang bubunot at sasagot sa nabunot na tanong.

II. Papangkatin ang klase sa apat, upang magkaroon ng pangkatang


Gawain.

Unang Pangkat: Magkakaroon ng pagbabalita hinggil sa isang isyung


panlipunan.

Pangalawang Pangkat: Manghihikayat sa ibenebentang produkto.

Ikatlong Pangkat: Gagawa ng pagsasatao na may kaugnayan sa nabasang


komiks.

Ika-aapat na Pangkat: Isasatao ang ibinigay na dagli ng guro.

Pamantayan:

Hikayat sa Madla 25%

Kaugnayan sa paksa 25%

Kalinawan ng tinig 25%


Masining na Pagtatanghal 25%

Kabuoan: 100%

V. Integrasyon

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na gagawa ng kungklusyon ayon sa


tinalakay na paksa. At tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung may nais
silang itanong. At kung wala silang katanungan ang guro naman ang
magtatanong.

1. Ano ang apat na popular nababasahin?

2. Ano ang kahalagahan ng pagbabasa?


3. Bakit kailangan nating Magbasa ng mga babasahing ito?

VI. Pagtataya

I. Panuto: Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat


kuwadro ng komikstrip.
II. Ano apat na Popular na babasahin? Ipaliwanag ang kahulugan. (10points)

Takdang-Aralin

Isulat sa buong papel ang mga uri ng impormal na kominikasyon at ang kanilang
kahulugan at ang mga halimbawa nito.

You might also like