You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Sangay ng Lungsod ng Kidapawan

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO SA FILIPINO 7


(Ikatlong Markahan)

A. Pamantayang B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (isula


Pangnilalaman code ng bawat kasanayan)

Naipamamalas ng Naisasagawa ng mag-aaral ang Nakikilala ang mga panandang hudy


mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news pangungusap; at
pag-unawa sa mga casting) tungkol sa kanilang sariling lugar Nagagamit nang wasto ang angkop na
akdang pampanitikan pahayag sa panimula, gitna at waka
ng Luzon isang akda F7PB-IIId-e-15
I.LAYUNIN:
Sa loob ng animnapung minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang mga panandang hudyat sa pangungusap; at
b. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda.

II- NILALAMAN Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at Iba pang Panandang Pantalak
Angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wakas ng isang akda

III- KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro:
2. Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral:
3. Pahina sa Teksbuk:
4. Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
B. Iba pang Power Point Presentation & Visual Aids
Kagamitang
Panturo
IV- PAMAMARAAN
A. Balik-aral o Ano ang ating tinalakay kahapon?
Pagsisimula ng Ibigay ang katangian ng Mito, Alamat at Kuwentong-bayan.
Bagong Aralin
B. Paghahabi sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Layunin ng Aralin a. Nakikilala ang mga panandang hudyat sa pangungusap; at
b. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at wak
isang akda.

C. Pag-uugnay ng Magbibigay ang guro ng isang sitwasyon sa mga mag-aaral.


mga Halimbawa sa Sitwasyon:
Bagong Aralin Mayroon kang kwentong nais ibahagi sa iyong kaibigan. Upang mas maintindihan
iyong kaibigan ang mga kaganapan sa kuwento ayon sa pagkakasusunod-sunod nito
ang iyong gagawin? Paano mo ibabahagi ang kwento?

D. Pagtalakay sa IUGNAY MO AKO!


Bagong Konsepto Panuto: Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga salitang may kaugnayan/kahuluga
at Paglahad ng mga salitang ipapaskil/isusulat sa harapan.
Bagong Kasanayan Pagsisimula Gitna Wakas
Bilang 1   
  
  
E. Pagtalakay sa  Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunod-sunod ay
Bagong Konsepto panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng mga ideya, kaalaman, kon
at Paglahad ng impormasyon, gawain o pangyayari sa isang kuwento.
Bagong Kasanayan  May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t
Bilang 2 bahagi ng pagpapahayag.
 Sa Filipino, ang mga ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-uu
Ipinakikilala nito ang mga pag-uugnayang namamagitan sa mga pangungu
bahagi ng teksto.

 May mga tungkuling ginagampanan ang mga pananda. Ilan sa mga ito
sumusunod.
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangya
Gawain
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
 Halimbawa
- Sa umpisa, hindi ko luboos maisip kung bakit ganito
nangyayari sa ating paligid
b. Sa gitna: ikalawa, ikatlo,….., sumunod, pagkatapos, saka
 Halimbawa
 Sumunod, nagkaroon ng pagbabago sa lahat ng bagay.
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
 Halimbawa
 Sa dakong huli, tayo rin ang magbabayad sa laha
pagkakamaling nagawa natin.
2. Pagbabagong-lahad – sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
 Halimbawa
 Sa kabilang dako, marami pa ring mga tao ang
naliliwanagan sa kanilang maling gawain.
3. Pagbibigay pokus – bigyang-pansin ang pansinin na, tungkol sa
 Halimbawa
 Bigyang-pansin ang mga pagbabagong nangyayari sa
paligid.
4. Pagdaragdag- muli, kasunod, din/rin
 Halimbawa
 Kasunod, maraming mahal sa buhay ang madadamay sa m
gawain.
5. Paglalahat – bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatuwid
 Halimbawa
 Samakatuwid, magbago tayo hindi lang sa ating sarili kund
rin sa mga mahal natin sa buhay.
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi – siyang tunay, walang duda
 Halimbawa
 Walang duda, kung ipagpapatuloy natin ang paggawa ng m
ang lahat ay magiging maayos.

 Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay isang paraa


pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng pangun
kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kuwento. Lubos na nakatutulo
upang makuha rin ang mga mahahalagang detalye at impormasyo
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Panimula -Ang panimulang talata ay dapat na maging malinaw, madaling maunawa


mabisa dahil nagsisilbi itong daan patungo sa isang mahusay na paglalahad ng
pahayag tungkol sa partikular na paksa. Ang mahusay na simula ay mabuti para ma
agad ang interes ng tagapakinig o ng mambabasa. Dito nabubuo ang larawan at na
ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay. Maaaring simulan ito sa: Noong u
panahon, sa simula pa lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula. Pagkatapos n
maaaring isunod ang:
 Pang-uri gaya ng halimbawa:
- Napakadilim at napakalamig ng paligid…
- Nananabik sa mangyayari…
 Pandiwa gaya ng:
- Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan nang…
- Nagmamasid ang matanda at misteryosong kuba habang…
 Pang-abay
- Maagang gumising ang tribo…
- Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang…
Gitna- Ang gitna naman ay ang pinakakatawan ng talata. Sa bahaging ito matatagpua
mga nilalaman, kaalaman, at karagdagang kaalaman tungkol sa mga pahayag na nab
sa panimulang talata. Ito ay binubuo ng mga talatang kinapapalooban ng mga pangun
kaisipan at mga pantulong o pamunong detalye na maayos ang pagkakahanay-ha
pagkakasunod-sunod. Aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi
pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali at matututo ang katunggaling tauhan ha
tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, walang
ano’y, isang araw, pagkaraan ng isang taon, at iba pa na maghuhudyat ng kas
na pangyayari.

Wakas -ay ang pasiya o ang kahihinatnan sa pagtalakay ng partikular na paksa bat
mga katibayan at katuwirang inisa-isa sa gitnang bahagi. Napakahalaga rin ng
pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng mambabasa. Dito nakapaloo
mensaheng magpapabuti o magpapabago sa kalooban at isipan ng lahat ̶ na ang kab
ang nagwawagi at may kaparusahan ang gumagawa nang masama. Maaaring gum
ng: sa huli, sa wakas, mula noon, simula noon, o iba pang panandang maghuh
ng makahulugang pagtatapos.

Halimbawa:

 Panimula - Noong unang panahon, may isang makisig na prinsip


nagpasiyang
maglakbay upang humanap ng lunas sa sakit ng kaniyang ama. Sa kaniyang paglal
ay dala niya ang pag-asa na magtatagumpay sa misyon.
 Gitna- Pagkalipas ng sampung buwan ay nagbalik ang prinsipe dala
pangakong
lunas para sa kaniyang ama.
 Wakas- Nagtungo agad ang prinsipe sa silid ng ama at dali-daling ibinigay dito
dalang lunas. Matapos nito ay lubos na nagpahinga ang hari. Kinabukasan ay nanum
na ang lakas nito. Mula noon ay naging masigla na ang hari at ang buong kahari
muling nagsaya.

F. Paglinang sa Panuto: Isaayos ang sumusunod na pangyayari mula sa akdang “Isang Matandang
Kabihasaan sa Gabi ng Cañao” na isinulat ni Simplicio Bisa. Salungguhitan ang mga salitang g
(tungo sa Formative bilang hudyat ng Panimula, Gitna, at Wakas.
Assessment)
____ Sa dakong huli, isang halamang ginto ang tumutubong pataas nang pataas, p
nang palago. Sa sikat ng araw, ang kinang nito ang sumisilaw sa lahat.
____ Sumunod, hiniling ng matandang kubang pilay na itaob sa kanya ang isang
habang ipagpatuloy ang cañao. Hiling niya na huwag galawin ang pagkakataob ng ka
kanya at may punong susupling sa ikatlong araw.
____ Sa umpisa, dumating ang isang matandang kubang pilay at naupo sa nakatum
lusong. Walang makapagsasabi kung sino siya at walang nag-aksaya ng panahong
usisa.
___ Pagkatapos, sa hudyat ni Lifu-o, dahan-dahang itinaklob ang kawa sa mat
Lumalakas ang awitan at bumibilis ang pagtugtog sa mga gangsa.

G. Paglapat ng Bakit mahalagang malaman ang mga hudyat


Aralin sa Pang- Nagiging kaaya-aya o maayos ang pagbabahagi ng kuwento at dahil dito nalalaman
araw-araw ng saan nagsimula at kung ano ang kinalabasan ng isang pangyayari?
Buhay
H. Paglalahat ng 1. Ano-ano ang mga hudyat na ginagamit sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayar
Aralin -Sa pasimula- Una, sa umpisa, noong una, unang-una
- Gitna- ikalawa, ikatlo,….., sumunod, pagkatapos, saka
- Wakas- sa dakong huli, sa huli, wakas

2. Ano ang ibig sabihin ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?


- Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento ay isang paraa
pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng mga pangun
kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kuwento. Lubos na nakatutulong ito u
makuha rin ang mga mahahalagang detalye at impormasyon sa pagkakasunod-sun
mga pangyayari.

I. Pagtataya ng Panuto: Piliin sa loob ng kahon ng angkop na pahayag/salita na nagbibigay


Aralin hudyat sa panimula, gitna at wakas ng talata. Isulat ang sagot sa isang kapat na papel

Pagkatapos Sa huli Sa simula Sumunod Unang-una

1. _____________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Hazel at Lieze


2. _____________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat, kayumanggi si Liez
at maputi naman si Heizel. 3. _____________ nilang pagkakaiba ay ang kanilang ugal
Si Heizel ay masipag mag-aral at masunurin sa magulang, samantalang si Liezel ay
ubod ng tamad mag-aral at bulagsak sa mga gamit. 4. ___________ ,nagkaiba rin sila
sa mga bagay na nais gawin. Si Heizel ay madalas tumulong sa kanyang ina sa mga
gawaing bahay samantalang si Liezel ay mas gustong maglaro ng kompyuter. 5.
_____________ ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may magandang ugali at
karapat dapat na tumanggap ng parangal.

Panuto: Gumawa ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga hudyat at panan


bawat bilang tungkol sa hakbang ng pagdiriwang ng Cañao mula sa kuwento.

1.Unang-una

2. saka

3. sumunod

4. pagkatapos

5. sa huli

J. Karagdagang TAKDANG ARALIN


Gawain para sa SHARE KO, KUWENTO KO!
Takdang Aralin at Panuto: Sumulat ng isang kuwento tungkol sa iyong pangalan. Lagyan ng pamagat
Remediation ang susulating akda. Gamitin ang mga panandang hudyat sa simula, gitna at wa
huling bahagi.

ILAHAD MO!
Panuto: Kumuha ng isang natatanging kuwento mula sa internet. Ilahad ang simula,
at wakas nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY“MAGING RESPONSABLE SA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA”

A. Bilang ng mag- B. Bilang ng mag-aaral na C. Nakatulong ba D. Bilang ng mag-


aaral na nakakuha nangangailangan ng iba ang remedial? aaral na magpatuloy
ng 80% sa pang gawain para sa Bilang ng mag- sa remediation:
pagtataya: remediation: aaral na ________________
___________ ____________ nakaunawa sa __
____________ ____________ aralin:
____________ ____________ ____________
____________ ____________ ____________
E. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor/tagamasid?
F. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

LOUVIERYL A. PASCUA MELANIE M. TUANTE


Nagpakitang-turo Gurong Tagapatnubay
Petsa: Petsa:

You might also like