You are on page 1of 5

LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Ano ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral buhat sa pagsusuri ng maikling kuwento?

2. Ano ang pagkakaiba ng antas ng mga mag-aaral na magsuri ng maikling kuwento?

3. Ano ang stratehiya ng mga mag-aaral na maaring gamitin para sa pagsusuri ng maikling kuwento?
TALATANUNGAN

Ang pagaaral na ito ay upang mabatid ang Antas ng Kakayahan na Magsuri ng Maikling

Kuwento ng mga Piling Mag-aaral. Sa pangangalap ng mga impormasyon na manggagaling sa

mga taga sagot, ang mga mananaliksik ay nangangakong tanging sa naturang pag-aaral lamang

ang paggagamitan ng kanilang mga sagot at ang kanilang pagkakakilanlan ay mananatiling

pribado.

Pangalan (Opsyonal):

Edad:

Pangkat:

I. UNANG BAHAGI

Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento sa ibaba. Matapos mabasa at maunawaan

lagyan ng tsek (/) ang tapat ng bilang batay sa iyong naunawaan sa iyong binasang maikling

kuwento.

Reynang Matapat

Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan.
Nakilala siya dahil sa katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa
panunungkulan.Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng
mga mangangalakal na Arabe, Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni
Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa
Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga
taga Kutang-Bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa
ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan. Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng
reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng kanyang mga tauhan.Patuloy na dumarating at
umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato.

Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan


ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang
mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato. Minsan, isang negosyanteng Intsik
na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa
palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit ng
Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito
kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng
may-ari sa lugar na kanyang pinag-iwanan ang supot ng ginto. Mula noon, lalong nakilala ang
kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

Antas ng kakayahan ng mga mag-aaral buhat sa pagsusuri ng maikling kuwento

PUNTOS:

4- Lubos na sumasang-ayon (LSA)

3- Sumasang-ayon (SA)

2- Bahagyang sumasang-ayon (BSA)

1- Di-sumasang-ayon (DSA)

Aytem Mga Pahayag 4 3 2 1


1 Ang pagtukoy ng tauhan sa maikling kuwento ay
madali lamang.

2 Nakapagbibigay aliw at aral sa buhay ang pagbasa


ng maikling kuwento at iba pang babasahing
pampanitikan.

3 Nakapagsusuri ng maikling kuwento kahit na sa


isang basahan lamang.

4 Mas epektibo ang basahin ng guro ang maikling


kuwento sa mag-aaral upang lubos na maunawaan
ang nilalaman ng kuwento.

5 Mabilis kong nauunawaan ang ipinapahiwatig ng


maikling kuwento.

6 Natutukoy na ang pangunahing tauhan ay si Reyna


Sima.

7 Nababatid na ang kaisipan ng maikling kuwento ay


ang katapatan sa lahat ng oras.
8 Nalalaman na ang tagpuan ng maikling kuwento ay
bago pa lamang dumating ang mga mananakop sa
ating bansa sa Kutang-Bato o Cotabato ngayon.

9 Nauunawaan na ang maikling kuwento na Reynang


Matapat ay kapupulutan ng aral.

10 Natutukoy na ang paksang diwa ng maikling


kuwento ay ang pagiging tapat sa lahat ng
pagkakataon, may nakatingin man o wala.

II. IKALAWANG BAHAGI (OK)

Mga Stratehiya ng mga mag-aaral na maaring gamitin para sa pagsusuri ng maikling


kuwento

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at lagyan ng tsek (/) ang tapat ng mga
bilang ng inyong kasagutan. Binibigyang-diin sa bawat bilang LUBOS NA SUMASANG-
AYON (LSA), SUMASANG-AYON (SA), BAHAGYANG SUMASANG-AYON (BSA), DI
SUMASANG-AYON (DSA).

Gamitin ang pananda sa ibaba.

PUNTOS:

4- Lubos na sumasang-ayon (LSA) 3- Sumasang-ayon(SA) 2- Bahagyang sumasang-ayon(BSA)

1- Di-sumasang-ayon(DSA)

Aytem Mga Pahayag 4 3 2 1


1 Nakapag lilista ng mga hindi pamilyar na mga
salita.

2 Nagtatanong sa guro upang mas maunawaan at


maintindihan ang maikling kuwento.

3 Nakapagbubuod ng maikling kuwento.

4 Nakapaghahanap ng kahulugan ng mga hindi


pamilyar na salita sa diksyonaryo.
5 Nakapgsusuri ayon sa paksang nakapaloob dito.

You might also like