You are on page 1of 38

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T

IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK
Ni: G. ALJUN A. PAQUIBOT
Ipaliwanag ang Sarili:

Panuto: Magbigay ng sariling pahayag kung ano ang


ipinapahiwatig sa bawat larawang nakita. Ang
makapagbabahagi ay bibigyan ng puntos.
HIPUIN KO! HULAAN MO!

Handa
na ba
kayo?
Mekaniks ng laro:

1. Pumili ng isang representante sa inyong hanay na siyang


hihipo ng isang materyal na nasa loob ng kahon sa loob ng
limang segundo at ilalarawan ito upang mahulaan ng mga
kasamahan sa loob ng limang segundo pa rin.

2. Ang pangkat na makakakuha ng tamang sagot ay


magkakaroon dagdag na limang puntos.
Pagkatapos ng laro, bibigyang-pansin ng klase ang mga sumusunod na
katanungan:

1. Paano ninyo inilarawan ang mga bagay?

2. Paano ninyo nahulaan ang mga bagay?

3. Ano-ano ang mga isinasaalang-alang ninyo sa


paglalarawan at paghuhula?
Tekstong
Deskriptibo
Mga Kasanayan:
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
iba’t ibang uri ng tekstong binasa. Koda: F11PT – IIIa – 88

Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng tekstong deskriptibo.

Naipapamalas ang kagalingan sa paglalahad sa iba’t ibang pamamaraan


gamit ang tekstong deskriptibo batay sa mga larawang ipapakita.

Nakalalahok nang masigla sa gawaing pagbabahagi sa klase.

Napahahalagahan ang damdamin at saloobin ng kapwa mag-aaral sa


pagbibigay ng deskripsiyon batay sa mga paksa.
Tekstong
Deskriptibo
Ano ang
Tekstong
Deskriptibo?
Ang TEKSTONG DESKRIPTIBO ay uri ng sulating na nagpapaunlad sa kakayahan
ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.

 Nagbibigay ang sulatin na ito ng


pagkakataon na mailabas ng mga mag-
aaral ang masining na pagpapahayag.
 Layunin ng sining ng deskripsyon na
magpinta ng matingkad at detalyadong
imahen na makapupukaw sa isip at
damdamin ng mga mambabasa.
 Ang tekstong deskriptibo ay may
layuning maglarawan ng isang bagay,
tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba
pa.
Dalawang Uri ng Deskriptibo

Karaniwan/Obhektibo – kung nagbibigay ng impormasyon


ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

Masining/Subhektibo– kung ito ay nagpapahayag ng isang


buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
Gumagamit ng pang-uri pang-abay, tayutay at idyoma.
Halimbawa ng Karaniwang Paglalarawan

Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang


pinatitingkad ng mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba
ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang.
Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng
kanyang taas.
Halimbawa ng Masining na Paglalarawan

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang


maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang
kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-ingit niyang
katawan at itaas.
Tatlong paraan ng paglalarawan

 Batay sa Pandama

 Batay sa Naramdaman

 Batay sa Obserbasyon
Batay sa Pandama

 Nakita
 Naamoy
 Nalasahan
 Nahawakan
 Narinig
NAKITA
Paglalarawan ng isang bagay o
pangyayari batay sa nakita

Halimbawa:
Sobrang niyakap at
hinalikan ng nanay ang
kanyang musmos na anak bago
pa ito huminto sa pag-hinga.
NAAMOY
Paglalarawan ng isang
bagay, tao hayop, pook o
pangyayari batay sa naamoy

Halimbawa:
Nag-amoy ulam ang
puting uniporme ni Danica
nang matapunan siya ng
mainit na sabaw ng
sinigang.
NALASAHAN
Paglalarawan ng isang bagay o
pagkain batay sa nalalasahan

Halimbawa:
Dahan-dahang tinikman ni
Joygyln ang maasim at
maanghang na paksiw na
niluto ng kanyang asawa.
NAHAWAKAN
Paglalarawan ng isang
bagay batay sa nahawakan

Halimbawa:
Magaspang ang mga
maliliit na kamay ni Jomar
dahil araw-araw siyang
naglalaba ng pantalon at t-
shirt ng kanyang ama.
NARINIG
Paglalarawan ng isang tao,
bagay, hayop, o pangyayari
batay sa narining

Halimbawa:
Ang malaking aso ni Gretchen
ay narinig ng buong baryo
nang ito ay tumahol ng
napakalakas.
Batay sa Naramdaman

Bugso ng Damdamin
Batay sa Obserbasyon

Obserbasyon ng mga
Pangyayari
Apat na Mahalagang Kasangkapan sa Malinaw na
Paglalarawan
1.Wika – ginagamit nang manunulat upang makabuo ng
isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang
ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay.

2. Maayos na detalye - dapat magkaroon ng masistemang


pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong
upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook o
pangyayari.
3. Pananaw ng Paglalarawan – maaaring magkaibaiba ang
paglalarawan ng isang tao, bagay, pook o pangyayari salig na
rin sa karanasan at saloobin ng
taong naglalarawan.
4. Isang Kabuuan o impresyon - mahalaga sa isang
naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o
tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon
hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng
wika, maayos na
paglalahad ng detalye at ang pananaw ng naglalarawan.
Isagawa

Panuto: Bumuo ng pangkat batay sa inyong kinahihiligan. Ang


bawat pangkat ay inaasahang makapagpapakita ng isang masining na
paglalahad gamit ang Tekstong Deskriptibo na naaayon inyong
napiling larawan.

 Pag-awit
 Pagsulat
 Pag-ulat ng Balita o News Reporting
 Pagkukwento
RUBRIK SA PAGGAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO

Pamantayan Pinaka Mahusay Hindi Wala Marka


mahusay
mahusay (30) (10)
(20)
(40)
Nilalaman at Organisasyon ng          
Tekstong Deskriptibo

Proseso ng Paglalahad          

Pagkamalikhain sa Paglalahad          
Tayahin
A. Basahin ang mga sumusunod at subukin kung sa anong pandama ang bawat isa nauugnay.

1. Nagkalat na mga basura at basyong lata ang karaniwang masasagasaan sa masikip na daang papasok
sa loobang kanyang pinanggalingan.
2. Maanghang na ginatang laing, malinamnam na tinapang kabasi, labanos na sawsawan, tamang-tama
sa asim na sinampalukang manok at matamis na kundol ang aming dinatnang nakaahin sa mesa.
3. Nakatutulig at sunud-sunod na putok ang narinig na pumailanlang at kasunod noon ay tilian ng mga
kababaihan.
4. Nadama ko ang di pangkaraniwang inot ng kanyang palad at pananamlay ng kanyang tinig. Idiniit
ko ang aking kamay sa kanyang noo at napatunayan kong sisya ay nilalagnat.
5. Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa pinaghalong sangsang ng umaalingasaw sa labas at sa
nakasusukang amoy na nanggaling sa isang malapit na kanal.
 
Tayahin
B. Suriin kung anong deskripsiyon ang ginamit sa paglalarawan kung ito ba ay Karaniwan o
Masining.

1. Matangkad at balingkitin ang kaibigan kong si Briana.


2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami
ay lumalakas din ang loob ko.
3. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP – Special
Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
4. Magaling magturo ang guro namin sa Araling Panlipunan.
5. Magkahiramang suklay si Jenny at Rose.
Panapos na Gawain/ Kasunduan

Panuto: Maghanap o gumupit ng isang larawan tungkol sa


napapanahong isyu o balita at gumawa ng isang Tekstong
Deskriptibo batay sa larawan. Maaring isulat ito o encoded,
gamitin ang long bondpaper sa pagsulat. Kung encoded,
gamitin ang font style na Arial, font size-12 at single space.
Krayterya Sa Pagsulat ng Talumpati
KRAYTIRYA Napakahusay  Mahusay Mahusay-husay Umuunlad KABUUAN
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 20 puntos
Nilalaman May higit na kaalaman sa May kaalaman sa paksa at May kaunting kaalaman at di- Hindi angkop ang teksto sa
paksa at angkop ang teksto sa angkop ang teksto sa pamagat gaanong angkop ang teksto sa pamagat
-Kaangkupan ng paksa pamagat pamagat

Gamit ng Gramatika at Bantas Wasto lahat ang Nakapagsulat ng teksto  Nakapagsulat ng teksto  Nakapagsulat ng teksto ngunit
pagkakabaybay at ngunit may isa hanggang ngunit may anim hanggang may labing isa o higit pang
- Pagkabaybay pagbabantas ng mga salita sa limang mali sa pagkakabaybay sampung mali sa mali sa pagkakabaybay o
pangungusap. o pagbabantas ng mga salita pagkakabaybay o pagbabantas pagbabantas ng mga salita sa
- Pagbabantas
sa pangungusap ng mga salita sa pangungusap pangungusap

Organisasyon ng Ideya Maganda at tama lahat ang Tama ang pagkakasunod- May kaunting kamalian sa Hindi organisado ang mga
pagkakasunod-sunod  ng sunod ng ideya may panimula, pagkakasunod-sunod  ideya ideyang naisulat.
-       Panimula ideya, may panimula, katawan katawan at konklusyon.
at konklusyon.
-       Katawan
-       Konklusyon

Bilang ng mga salita Nakapagsulat ng tekstong Nakapagsulat ng tekstong Nakapagsulat ng tekstong Nakapagsulat ng tekstong
binubuo ng 500 o higit pang binubuo ng 400 hanggang 499 binubuo ng 300 hanggang 399 binubuo ng 200 hanggang 299
     500 salita salita na salita na salita na salita
“Dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang
mga matatayog na egotismo ng ibang tao.
Matatapakan mo ang mga lumpong paa
ng kasalukuyang sistema. At maiistorbo
mo ang siesta ng lipunang masaya na sa
mga paniniwalang kinagisnan nito. Sa
pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan
babanggain mo. Kasabay ng pagbangga
mo sa sariling mga takot, kamangmangan
at egotismo.”― Bob Ong
NEMESIO-EPIFANIA TANEO MEMORIAL HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Maraming Salamat po sa Pakikinig!

You might also like