You are on page 1of 4

DESKRIPTIB

Napakaganda ng paligid at may mga luntiang damo na makikita rito. May mga mababangong
bulaklak, malamig na simoy ng hangin at maririnig ang huni ang mga ibon. Iilan yan sa mga
bagay na karaniwan nating makikita sa ating paligid at dahil dito ay di natin maiwasang ilarawan
ang mga ito. Ang ikalawang uri ng teksto – Tekstong Deskriptib ay nagtataglay ng mga
impormasyong may kinalaman sa limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang amoy at
pandama. Hindi lang bagay ang maaari nating ilarawan kundi pati na rin ang isang pangyayari,
tao, lugar, maging ang pang araw-araw na karanasan. Madali nating makikilala ang tekstong ito
sapagkat ito ay tumutugon o sumasagot sa tanong na “Ano” at nakatutulong ito sa pagigiyang
tiyak ng isang impormasyong nais ibahagi. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptib ay
mapalutang ang pagkakakilanlan ng isang bagay, tao, pangyayari, lugar at iba pa gamit ang
mga salitang naglalarawan at makabuo ng isang malinaw na imahe tungkol dito.

Uri ng Paglalarawan

• Karaniwang paglalarawan – literal at pangkaraniwan na paglalarawan sa isang bagay,lugar at


iba pa. Payak o simple ang mga salitang ginagamit dito upang maibigay ang tiyak na na
paglalarawan sa kung ano ang nakita, nalasahan, naamoy at nararamdaman.

Halimbawa:

Paningin – Kulay kahel ang mga bakod

Maliit na lalaki

Pandinig – Mahina ang kanyang boses

Siya ay sumigaw ng malakas

Panlasa - Maalat ang asin

Matamis ang asukal

Pang-amoy – Mabango ang mga Sampaguita

Mabaho ang basurahan

Pandama – Malamig ang simoy ng hangin

Namamanhid ang braso ko sa sakit

• Teknikal na paglalarawan – layunin ng siyensya na mailarawan kung ano man ang dapat at
kailangang malaman sa mundo at kalawakan. Kalimitang ginagamit ng manunulat ang uring ito
upang makita ng mambabasa ang hitsura ng inilalarawan.

• Masining na pagpapahayag – kabaliktaran ito ng karaniwang paglalarawan sapagkat dito


naman ay di-literal na paglalarawan ang ginagamit kundi mga matatalinhagang pahayag.
Nagagamit dito ang malikhaing imahinasyon upang mabigyan ng buhay ang isang larawan.
Kalimitan ding gumagamit ng mga idyomatikong pahayag.

Halimbawa :

Paningin – Para kang poste dahil sa iyong katangkaran

Pandinig – Nakakabingi ang hina ng boses mo

Panlasa – Akala ko’y uusok na ang aking ilong sa anghang ng ulam naming kanina

Pang-amoy – Nakakasuka ang baho ng basurahan sa labas

Pandama – Nasunog ang balat ko sa tindi ng sikat ng araw

Upang lalong mas maintindihan ang tekstong deskriptib, narito ang mga halimbawa.

HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIB

Ang mga Capampangan ay mapagbigay, matulungin, may takot sa Diyos, at


relihiyosong tao. Kaya nilang gugulin ang oras nila para sa iba kahit sa katotohanang ay mas
kailangan nila. Malaki ang paniniwala ng mga Capampangan sa “utang na loob” at “pakikisama”
kaya mahirap para sa kanila na humindi.

- Sipi mula sa “ako ay laking lungsod ng Angeles, Pampanga” mula sa thepinoysite.com

Sa taya ko’y mga dalawampu’t anim na taon na siya. Maputi, mataas, matangos ang
ilong, malago ang kulay, daliring-babae. Nakapantalon ng abuhing corduroy at ispeker ng kilay-
langit.

- Sipi mula sa “Emmanuel” ni Edgardo M. Reyes

Pagsasanay 2
A. Tukuyin kung anong uri ng paglalarawan ng paglalarawan: Karaniwan, Teknikal o Masining
na paglalarawan.

1.) Nagmistulang leon si David sa kanyang galit kaninang tanghali sa kanyang kamag-aral.
2.) Ang mga mag-aaral ng Cavite National High School ay likas na masisipag.
3.) Ang haba at puno ng impormasyon ang ginawang teksto ng unang pangkat kung kaya
naman marapat lamang bigyan lamang sila ng labindalawang puntos.
4.) Nakakabulag na sa dilim ang kalsada namin sa mga oras na ‘to, maaari mo ba akong
ihatid sa amin?
5.) Ang seadragon ay may pagkakatulad ang hugis ng katawan sa isang dahon at ang ilang
uri nito ay puno ng kulay.

B. Pumili ng paksa at bumuo ng isang tekstong deskriptib.

• Isang lugar sa bansang Pilipinas

• Makabagong teknolohiya

• Ang iyong iniidolo

Rubrik sa pagmamarka ng teksto

•Napalutang ang pagiging deskriptib ng teksto - 10 pts

•Nagamit ang tatlong uri ng paglalarawan - 5 pts

•Pagiging orihinal at malikhain - 5pts

KABUUAN - 20 pts

KONKLUSYON

• Ang tekstong deskriptib ay isang teksto na kung saan ang manunulat ay naglalarawan ng
isang bagay,tao, pangyayari, lugar at iba pa at sumasagot sa tanong na “ano”. Nakatutulong din
sa paglalarawan ang limang pandama: pandinig, panlasa, pang-amoy, paningin at pandama.

• Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptib ay mapalutang ang pagkakakilanlan ng isang


bagay, tao, pangyayari, lugar at iba pa gamit ang mga salitang naglalarawan at makabuo ng
isang malinaw na imahe tungkol dito.

• Ang tekstong ito ay may tatlong uri: karaniwan, teknikal at masining na paglalarawan.
SUSI SA PAGWAWASTO:

A.

1. MASINING NA PAGLALARAWAN

2. KARANIWAN NA PAGLALARAWAN

3. KARANIWAN NA PAGLALARAWAN

4. MASINING NA PAGLALARAWAN

5. TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN

B.

You might also like