You are on page 1of 3

Barcelona Come Holy Spirit... Renew the face of the Earth.

Academy
Taong Pampanuruan 2019- 2020
Class No.
Preliminaryong Pagsusulit
MALIKHAING PAGSULAT 11

Pangalan: ________________________________________________ Marka : _____/50


Guro: Ginoong June Del Perez, LPT Pangkat: __________ Petsa:___________

I. MARAMIHANG PAGPILI (5 puntos)


Panuto: Piliin ang tamang sagot. Ilagay lamang ang MALAKING TITIK ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang ______ na nangangahulugang titik.

a. littera b. lettera c. ponema d. batikan

_____ 2. Ito ang itinuturing na gintong panahon ng panitikan sa Pilipinas. Anong panahon ito?

a. Panahon ng b. Panahon ng c. Panahon ng d. Panahon ng Tsino


Kastila Hapon Amerikano
_____ 3. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na nababasa sa iisang upuan lamang at
mayroong mga elemento at banghay. Ano ito?

a. tula b. makling kuwento c. sanaysay d. nobela

_____ 4. Ang ________ ay sumasalamin sa gawi, nakasanayan, at patuloy na ginagawa ng


grupo ng mga mamamayan sa isang lugar.

a. batas b. wika c. kultura d. utos

_____ 5. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na nahahati sa mga kabanata at isa sa
maituturing na mahabang babasahin. Ano ito?

a. maikling b. nobela c. sanaysay d. tula


kuwento

II. PAGSUSURI (15 puntos)


Panuto: Basahin at suriin ang akda sa ibaba at punan ang hinihingi sa dayagram o graph
ukol sa elemento ng isang dagli.

“Peklat”

Tanda ng kulit ang malaking peklat sa noo, malapit sa kanang mata, apat na pulgada
ang haba, nag-keloid, na gawa ng pagkakadapa ng patihaya, sakto, sa plot ng kaklase na
ginagambulan ng piko, sa garden ng eskuwelahang elementarya, habang ikaw ay
nakikipagharutan at tumatakbo.

Sindak ang lahat: “Patay na ba? Patay na yata! Patay na!” Maririnig na sigawan ng karamihan.

Ngunit hindi pa. Salamat kay Miss Cruz at sa mabilis at mapagkalingang pagsaklolo.
Pinangko ka, inihiga sa pinagdikit-dikit na desk, sinuri at pinaampat ang sugat sa inihubad
niyang sarili mong uniporme, nilapak sa dalawang hati ang nakabulsang sarili niyang panyo,
saka ginawa iyong pantali upang makipkip ang kalahating garapong kape na ibinudbod sa sugat
upang mapigil ang pag-agos ng dugo. Nagising kang nakaupo sa isang silya sa tabi mo si Miss
Cruz. Hinaplos ang mukha mo. At parang umaawit ang isang anghel sa pagsasabing “O, okey
ka na. Sa susunod, huwag ka sanang sobrang kulit at likot. ‘Ta’mong nangyari. . .”

P2 ng P3 1st AT M.P 11
Makalipas ang tatlong buwan, lumipat ng paaralang pinagtuturuan si Miss Cruz.
Kailanman ay hindi mo na siya muli pang nakita. Ngunit siya ay nagbabalik sa alaala — sa
tuwing ikaw ay nananalamin — at nakikita ang nag-keloid na peklat sa kanan mong noo.

Tauhan Simula Gitna Wakas

III. PAGTUKOY (10 puntos)


Panuto: Bilugan ang tamang gamit ng balarila sa mga pahayag sa ibaba.

1. Kumain (nang, ng) kumain si Vegeta kaya sumakit ang kaniyang sikmura.

2. Si Nami ay mahilig kumain (nang, ng) mansanas at ubas.

3. Wala (nang, ng) pagkain sa kanilang bahay kaya naman namili sila sa merkado.

4. (Nang, ng) siya ay bata pa, napakahilig niyang sumakay sa tsubibo.

5. Ang kaniyang ina (raw, daw) ay pumanaw na kaya naman siya ay hindi mapalagay.

6. Si Malou ay mahilig (raw, daw) sa mga palabas na may kinalaman sa sensya at mahika.

7. Tuwing umaga ay nag-e-ehersisyo (rin, din) si Cardo sa plaza.

8. Ang wika at panitikan (rin, din) ay sumasalamin sa buhay ng mga mamamayang Pilipino.

9. Kapag ikaw ay namili ng mga palamuti sa divisoria ay isa mo na (rin, din) ako.

10. Siya (rin, din) ay isa sa mga salarin sa isyung kinasasangkutan ukol sa kaingin.
P3 ng P3 1st AT M.P 11
IV. PAGTUKOY (10 puntos)
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang
sagot. (Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao, Pagtawag, Pagmamalabis)

___________1. Ang kaniyang ina ang nagsisilbing ilaw na kanilang tahanan.

___________2. Siya ay parang isang bulaklak na nalanta sa kasagsagan ng tag-init.

___________3. Umiiyak ang mga ulap dahil sa natanggap nitong balita.

___________4. Naglakbay ako sa langit at lupa, makuha ko lang ang matamis niyang “oo”

___________5. Oh aking sinta! Ikaw na ang tahanan at mundo.

___________6. Ang pag-ibig, hindi iyan tulad ng isang laro.

___________7. Bumabaha ng ginto dahil sa sobrang yaman ko.

___________8. Siya ang nag-iisang anghel sa buhay ko.

___________9. Sumasayaw ang mga puno sa saliw ng musika.

___________10. Sa libo-libong tao na minahal ko, ikaw lang ang nanatili at nagtagal.

V. PAGSULAT NG SANAYSAY. (10 puntos)


Panuto: Ipaliwanag ang aral o mensahe ng dagli ayon sa iyong pagkakaunawa at papaano
mo ito magagamit bilang isang Life-Learner. Isulat ito sa pamamamagitan ng lima
hanggang pitong pangungusap.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kawastuhan ng paksa — 4
Pagiging masining sa pagpapahayag — 4
Kaayusan ng diwa/konteksto — 1
Kalinisan at kalinawan ng pagsulat — 1
Kabuuang puntos — 10

To God be the Glory, Forever and Ever! Amen!

You might also like