You are on page 1of 5

Pangalan: BELIA, IRENE S.

Petsa: 02/21/24
Seksyon: BSED-FIL 3-D Iskor:

LINANGIN NATIN
1. E
2. C
3. F
4. D
5. A
PAG-ISIPAN NATIN
1. Ano-ano ang uri ng pagsulat?
Ang mga sumusunod ayiba’t ibang uri ng pagsulat:
a. Akademik
Ito ay itinuturing na intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Kabilang dito ang kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper, pamanahong papel, at tesis.
b. Teknikal
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat.
Nagsasaad ito ng mg impormasyon hinggil sa pagbibigay ng solusyon sa
isang komplikadong suliranin.
c. Journalistic
Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng
mga mamamahayag o journalist. Kabilang sa uring ito ang pagsulat ng mga
balita, editorial, kolum, lathalain, iba pang akdang mababasa sa mga
pahayagan at magasin.
d. Referensyal
Ito ay naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source
hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya
ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, footnotes o endnotes.
e. Profesyonal
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang pagsulat ng
mga police report (pulis), investigative report (imbestigador), legal forms,
briefs at pleadings (abogado) at ang patient’s journal (doktor at nurse).
f. Malikhain
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang
pokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang
imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.
Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula
at sanaysay.
2. Bakit mahalaga na malaman ang iba’t ibang uri ng pagsulat?
Napakahalaga, lalo na para sa aming mga mag-aaral, na malaman o
magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang uri ng pagsulat dahil nakatutulong ito
upang mas Madali nating makilala kung ano uri ng sulatin ang ating gagawin.
Para sa mga manunulat at mambabasa, nagsisilbi rin itong basehan para
maging malinaw ang daloy na nais nating ipahiwatig sa mambabasa, at para
maunawaan o mapagtanto rin ng isang tagabasa ang mensahe. Halimbawa
para isang manunulat, kilalanin niya muna kung anong uri ng pagsulat ang
kaniyang gagamitin kung ito ba ay isang akademik, malikhain, teknikal,
profesyonal, at iba pa para hindi maligaw ang kaniyang isusulat kung kaya’t
kailangang nakapokus lang ito sa isang dyanra o genre. Sa kabilang banda,
malalaman din ng isang mambabasa kung anong uri ng pagsulat ba ang
naturang kwento o sulatin. Kaya naman, kapag mayroon tayong kaalaman sa
mga uri nito ay mas madali tayong makapagsagawa ng isang sulatin dahil isa
lang naman ang pakay mo.
3. Paano magagamit ang iba’t ibang uri ng pagsulat sa iyong pang-araw-
araw na buhay?
Ang mga uri ng pagsulat na ito ay may iba’t ibang gamit sa iba’t ibang
larangan ng aking buhay. Bilang isang mag-aaral, ginagamit ko ang akademik
na pagsulat sa loob ng isang paaralan upang matamo ko ang mga kakayahang
kailangan sa pagtamo ng kursong edukasyon. Ang referensyal ay ginagamit ko
rin kaugnay sa akademik sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang
pananaliksik (akademik) na kung saan, kailangan kong kumuha ng kaisipan
na sinabi ng isang dalubhasa o nasa pilosopiya at isulat rin ang pinaghanguan
ko nito. Ginagamit ko rin ang teknikal na uri ng pagsulat sa pamamagitan ng
pagbibigay ng detalyadong impormasyon sa mga mambabasa o sa aming bahay
upang maging malinaw sa kanila kung ano ang nais kong ipabatid sa kanila.
Maaaring may ipapakita akong larawan sa kanila upang mas mailis nila itong
makilala. Gagamitin ko rin ang malikhang uri ng pagsulat upang maipahayag
ko ang nais maipahayag ng aking damdamin. Maaaring ito ay isusulat ko
bilang isang tula o makling kwento.
4. Ayon sa iyong pagkakaunawa, paano mo maihahambing ang teknikal na
pagsulat sa malikhaing pagsulat?
Para sa akin, sa madaling sabi, ang teknikal na pagsulat ay direkta ang
menshae at ang malikhaing pagsulat ay may tintatagong malalim na kahulugan
sa isang mensahe. Ang teknikal na pagsulat ay nagbibigay ng impormasyon sa
mga mambabasa isa pinakamabisa at pinakadetalyadong pamamaraan.
Maaaring lagyan ng isang manunulat ang isang babasahin na may mga
larawan. Samantala, ang malikhaing pagsulat ay isang sulatin na nagbibigay
ng malawak na imahinasyon dala ng matayutay na mga salita. Ito ay hindi
direkta sapagkat may mga salitang malalalim na kailangan pang saliksikin
para maintndihan ng lubusan.
5. Alin sa iba’t ibang uri ng pagsulat ang madalas mong gamitin?
Pangangatwiran.
Ang uri ng pagsulat na madalas kong gamitin ay ang akademik at
teknikal. Una, madalas kong ginagamit ang akademik na pagsulat dahil ako ay
isang mag-aaral. Mahigit sa oras at araw ko ay umiikot sa mga papel pang-
akademiko na kung saan gumagawa ako ng mga proyekto, pasulat na papel,
mga sanaysay, report, at iba pang kaugnay dito. Pangalawa, madalas din akong
gumamit ng teknikal na uri ng pagsulat dahil minsan, gamit ang aking
cellphone ay nagpapadala ako ng mensahe sa aking mga kapatid o pamilya
kapag may kailangan ako at ito ay sa pamamagitan ng pinakadetalyadong
paraan.

GAMPANAN NATIN
A.
Larawan Mga Salitang Naglalarawan
- Malambot
- Kumportable
- Maliit
- Mabalahibo
- Kulay puti

B. Ilarawan ang bawat litrato sa ibaba.


1. Ang larawan ay isang simbahang napakaganda, parang lumang museo na nasa
kulay berde dala na rin siguro sa pagkakakuha ng larawang ito. Makikita ang
pagbaalik-tanaw sa tradisyon sapagkat ito’y tradisyunal kung titingnan. Sa
simbahang ito, pagpasok mo palang sa may pinakapintuan ay dama mo agad
ang presensya at pagmamahal ng Poong Maykapal.
2. Ang larawang ito ay kakikitaan ng kombinasyon ng mga magagandang kulay na
nagreresulta ng marikit na imahe. Mayroong tulay, dagat sa ibaba, at araw na
malapit nang matulog. Napakapayapa kung kaya’t madarama mo kung paano
ka dinamayan sa iyong kaligayahan at kalungkutan. Parang ina ng kalikasan
na masasabihan mo sa lahat ng iyong tagumpay at pagkakamali.
3. Ang larawang ito ay isang bulaklak na kung tawagin ay Lotus. May iba’t ibang
kulay na pinaghalo kung kaya’t nagreresulta ito ng kariktan. Ang mga petals
nito ay may lihis na kulay ng puti at kulay rosas. Ang sa loob naman nito ay
kulay dilaw o kombinasyon ng dilaw at kahel. Palagi itong presko at sagana
sapagkat ito’y nabubuhay sa pamamagitan ng mga katubigan. Napakalinis ng
bulaklak na ito at namumukadkad.
C. Pumili ng isang larawan. Gumawa ng isang sanaysay na teknikal at ng
isang malikhaing sanaysay batay sa larawan rito.

IKALAWANG LARAWAN
Teknikal na Sanaysay

Ang larawan ay isang tulay na may dagat sa ilalim. Ang tulay ay


ginagamitan ng mga bagay na metal, may mga matitigas at matitibay na haligi.
Ang dagat ay napakapayapa ang alon nito na tila bang sumasabay sa alon ng
iyong kasalukuyang buhay. Ang hugis ng tulay ay isang kurba. Kung titingnan
ang mga kulay sa langit nito’y pinaghalong kulay asul, dilaw, at kahel. Ang mga
kulay na ito’y kung pinagkaisa ay kagandahang taglay ng isang araw papunta
sa kanluran. Wala ring mga punongkahoy. Para bang makikita lamang sa mga
lungsod at syudad. Sa kabuuan, napakaganda at payapa.
Malikhaing Sanaysay
Sa pagdilat ng iyong mga mata, una mong masisilayan ang makoloreteng
kaharian sa itaas kasabay ng matampay na bulong ng hangin na dumampi sa
iyong mga balat na para bang umiirog sa iyo. Dinig mo rin ang trangkilong
daluyong ng katubigan patungo sa iyo. Sadyang napakapanatag at
napakatiwasay kung iyong daramdamin. Ito ang iyong apuhap na animo’y
nakapagpaliban sa agam-agam ng bawat isa sa atin at ang lahat ng balakid ay
alintana. Mamumulatan din ang marikit na daanan ng tubig na hugis baluktot
at ginagamitan ng mga bagay na di-maibaling, matibay, at matatag. Tunay na
simbolo ng panatag, malamikmik, at matiwasay na buhay ng isang nagtatnaw
na indibidwal.

You might also like