You are on page 1of 30

SINING NG

PAGSULAT
Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay anumang
pagpapahayag na gamit ang letra o
alpabeto.
Ang paggsulat ay isang proseso ng
pagtatala ng karakter sa isang
midyum na may layuning makabuo
ng mga salita.
Sining
Ang Sining ay pinaka mataas na antas ng
pakikipag-ugnayan
Ano ang sining ?
Sa mundo na ating ginagalawan,
maraming pagpapaliwanag tungkol sa
sining, kani-kaniya, sari-sarili at
pagpapalitang kuro-kuro sa pagkaunawa at
nadarama tungkol dito. Kadalasan ang
mga nagpapaliwanag nito ay yaong
nakadadama na at nakaranas na ng
damdaming makasining.
Sining
Sining - pagpapahagay ng
damdamin sa pamamagitan ng isip,
paggawa at higit sa lahat ng puso.
Noong nilikha ang sanlibutan, ang
sining ay kaakibat na dahil ginawa
ito ng masining na pamamaraan. Sa
taglay nitong kagandahan marami
ang humanga, kalimitan rito ang
mga may damdaming makasining at
nagpapahalaga sa sining.
Tatlong Uri ng Sining
1. Sining - craft
Sa gawaing pagdidibuho ang mga
gawaing inuulit-ulit ng gumawaga
dahil sa kagustuhan ng iba at
nagiging palamuti lamang sa bahay
ay masasabing Sining. Dahil ang mga
ito ay kulang sa damdamin ng
gumawa at ang maaring hangarin ay
kumita ng pera.
Tatlong Uri ng Sining
2. Parang sining - abstract
Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng
abstrak ay binubuo lamang ng linya, hugis o di
maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng
pagguhit na ang tanging makakaunawa ay mga kapwa
makasining na nakapag aral tungkol sa sining. Subalit
karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang
kahulugan at kulang sa imosyon at para lamang
masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining
ito kung buong-buo ang isipan at damadamin habang
siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig
niyang ipahiwatig.
Tatlong Uri ng Sining
3. Tunay na sining - damdamin
Ang gawa ng isang batang kahahawak pa
lamang ng lapis ay tunay na sining sa
dahilang buong-buo ang isip at damdamin nito
habang nagdibuho. Tulad din ng isang taong
naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang
kalbo at walang kapunopunong kabundukan,
nasa pamamagitan man lamang ng isang
sangang tuyo na napulot ay ibinuhos ang
kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang sa
pamamagintan ito ay buhayin sa isipan ang
kagubatan.
Ang Sining ay Ugnayan
Iba-t-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin,
ulap, ibon at ang mga bagay sa panaginip ay nagbibigay
pahiwatig sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan.
Minsan ang mga espiritu ay nakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng panaginip at pandama ng tao.

Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng


pagmamasid at pag-aaral sa bawat mga galaw nito.

Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang


maniningin. Ang style na ito ay ginagamit sa kaisipan ng
tao dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect.

Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng


isang makasining sa pamamagitan ng masining na
paggawa.
Ano at Sino ang
Kalikasan?
Ang mundo na ating ginagalawan ay may
kalikasan. Kalikasan, binubuo ito ng mga
bagay na hindi gumagalaw at gumagalaw,
tulad ng kahoy, hayop, damo, tao at
marami pang iba. Ang tao ang
pinakamagandang kalikasan na nilalang
ang Kataastaasan. Ang Panginoon ang
pinagmulan naman ng kalikasan, ang
kalikasan ay pinagmulan ng kagandahan at
ang kagandahan ay sining. Ang kalikasan
ay nagsisilbing inspirasyon ng isang alagad
ng sining.
Malikhaing Pagsulat
Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta
maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan
lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman
maunawaan ang pangunahing layunin ng
komunikasyon.Maintindihan ang pangunahing
inaasahan sa lahat ng anyo at uri ng komunikasyon.
Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o
requirement na higit sa basta maunawaan lamang.

Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang


maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng
pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan
nitong maging mapagparanas at makintal. Sa
Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas at makintal ay
evocative and impressive.
Yugto ng Pagsulat
Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang
sulatin sa isang upuan lamang. Ang isang magandang
sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa
burador hanggang sa pinal na papel.
Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat.
May mga estudyante na nahihirapan sa gawaing ito
sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi
nila nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito
ay maaaring palagay lamang. Ang totoo nito, magagawa
natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang
pagsulat na isang proseso at hindi isang gawain na dala
lamang ng pangangailangan.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray
(1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng
mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B)
Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E)
Paglalathala.
 a. Bago Sumulat (Prewriting)

 Ito’y
isang estratehiya tungo sa pormal
na pagsulat. Ito ang unang hakbang na
isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang
isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring
ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.
Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na


hindi isinasaalang-alang ang maaaring
pagkakamali.
Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa
paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag
ng estudyante.
Ang guro ay nakaantabay sa maaaring
maitulong o tanong na maaaring hingin ng
mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.
Matapos maisagawa, maaaring balikan at
suriin ng estudyante ang natapos na sulatin
upang maaayos at malinaw ang ginagawang
paglalahad.
Pagrebisa

Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang


tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto
mula sa guro, kamag-aral, editor o mga
nagsuri.
Pangunahing konsern ng rebisyon ang
pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito
upang suriin ang teksto at nilalaman para
matiyak ang kawastuhan, kalinawan at
kayarian ng katha na madaling maunawaan ng
babasa.
Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga
inaakalang kamalian, binabago ang dapat
baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
Pag-eedit

Ang bahaging ito ay pagwawasto sa


gramatika, ispeling, estruktura ng
pangungusap, wastong gamit ng salita at
mga mekaniks sa pagsulat.
Sa bahaging ito pinapakinis ang papel
upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay naghahatid ng tamang
kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-
magkaugnay na pangungusap ay muling
isinusulat upang higit na maipakita ang
kaugnay na mga ideya.
Paglalathala

Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong


sulatin sa mga target na mambabasa.
Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod:
Paglalathala ng mga piling sulatin sa
pahayagang pangkampus
Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa
pagbasa ng iba
Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng
mga naisulat
Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga
naisulat
Proseso ng Pagsulat
Bago Sumulat
Kinakailangan maglaan ng
panahon sa gawain bago
sumulat. Sa yugtong ito, ang
isang manunulat ay
makapagtatala ng mga datos
na gagabay sa pagsulat ng
burador.
Proseso ng Pagsulat

Unang Burador
Ang ideya ay kailangan
nang maisalin sa pasulat na
dokumento na maaaring
rebisahin nang paulit-ulit
ayon sa pangangailangan.
Proseso ng Pagsulat

Pagrebisa
Ito ang pagbasang muli sa
burador nang makailang ulit
para sa layuning mapahubog
at mapagbuti ang
dokumento.
Proseso ng Pagsulat
Pag-eedit
Ang pagwawasto ng mga
posibleng gamit ng salita,
pagbabantas, ispeling at
gramar ay nakapaloob sa
huling yugto na ito.
Pinal na Dokumento
Layunin ng Pagsulat
Metalingual – ang layunin ng
manunulat ay maiwasto ang
pagkkamali ng wika o pagsulat at
magkaroon ng pagkatuto sa tulong
ng iba o sarili mismo.
Emotive- may layunin na
maipahiwatig ng manunulat ang
kanyang nadarama at saloobin sa
pagsulat batay sa mnasaksihang
pangyayari, nakitang larawan at
narinig.
Layunin ng Pagsulat
Referential – ang manunulat ay
maglalahad ng mga proseso at hakbangin
ng isang gawain.
Persuasive – ang manunulat ay
nagpapahiwatig ng kanyang pagkampi o
pagsang-ayon sa pangangailangan,
pagpapaliwanag o argumento.
Poetic/Creative – layunin ng manunulat
na malinang ang kakayahan sa malikhaing
pagsulat tulad ng pagtutuloy ng simula ng
isang kwento.
Isaalang-alang ang Target na
Mambabasa
– Kinakailangang alamin ang
inaasahan ng mambabasa sa isang
teksto.
– Tiyakin na makita ng
mambabasa ang kahalagahan ng
teksto.
– Ang panlasa ng mga
mambabasa ay mahalaga upang
makita ang bisa nito.
Mga Uri ng Pagsulat
Maraming uri ang pagsulat. Mauuri ito ayon sa
iba’t ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
Ang isang manunulat ay maaring magbigay-
impormasyon ukol sa isang paksa o isyu. Maari rin
naman siyang tumalakay sa kasaysayan ng isang
bagay, pangyayari at pook o kaya’y magsulat ng
isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga
mambabasa. Ang mga ito ang itinuturing na may
batayan at mahahalagang dahilan kung bakit
nagsusulat ang isang tao.
AKADEMIK
Ito ay maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report , eksperimento,
konseptong papel, term paper
pamanahong papel, thesis o
disertasyon. Itinuturing din itong
isang intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
Teknikal
Isang espesyalisadong uri ng
pagsulat na tumutugon sa mga
kognitiv at sikolohikal na
pangangailangan ng mga
mambabasa at manunulat.
Nagsasaad itong mga impormasyong
maaaring makatulong sa pagbibigay
solusyon sa isang komplikadong
suliranin.
Journalistik
Pampamamahayagang uring ito ng
pagsulat na kadalasang ginagawa ng
mga mamamahayag o journalist.
Saklaw nito ang pagsulat ng balita,
editoryal, kolum, lathalain at iba
pang-akdang mababasa sa mga
pahayagan at magazin.
Reperensyal
Naglalayong magrekomenda ng iba
pangsanggunian o source hinggil sa
isang paksa. Madalas, binubuod ng
isang manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, footnotes o
endnotes.
Malikhain
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng
panitikan o literatura.
Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat.
Layunin nitong paganahin ang
imahinasyon ng manunulat at pukawin
ang damdamin ng mga mambabasa.
Mahahanay sa uring ito ang pagsulat ng
tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.
Propesyonal
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na
profesyon.
Saklaw nito ang mga sumusunod:
Police report – pulis
Investigative report – imbestigador
legal forms, brief satpleadings –
abogado
patient’s journal – doctor at nurse

You might also like