You are on page 1of 4

Proseso at Sining ng Pagsulat sa

Retorikang Katha
Sining ng pagsulat

Ang Sining ng Pagsulat (Malikhaing Pagsulat)

Kahulugan ng Pagsulat
- Ang pagsulat ay anumang pagpapahayag na gamit ang letra o alpabeto. Ang paggsulat ay
isang proseso ng pagtatala ng karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga
salita.

Sining - Ang Sining ay pinaka mataas na antas ng pakikipag-ugnayan Ano ang sining ? Sa
mundo na ating ginagalawan, maraming pagpapaliwanag tungkol sa sining, kani-kaniya, sari-
sarili at pagpapalitang kuro-kuro sa pagkaunawa at nadarama tungkol dito. Kadalasan ang mga
nagpapaliwanag nito ay yaong nakadadama na at nakaranas na ng damdaming makasining.

Sining - pagpapahagay ng damdamin sa pamamagitan ng isip, paggawa at higit sa lahat ng


puso. Noong nilikha ang sanlibutan, ang sining ay kaakibat na dahil ginawa ito ng masining na
pamamaraan. Sa taglay nitong kagandahan marami ang humanga, kalimitan rito ang mga may
damdaming makasining at nagpapahalaga sa sining.

Tatlong Uri ng Sining

1. Sining - craft Sa gawaing pagdidibuho ang mga gawaing inuulit-ulit ng gumawaga dahil
sa kagustuhan ng iba at nagiging palamuti lamang sa bahay ay masasabing Sining. Dahil ang
mga ito ay kulang sa damdamin ng gumawa at ang maaring hangarin ay kumita ng pera.

2. sining - abstract Ang mga gawaing sining sa pagdidibuho na tulad ng abstrak ay binubuo
lamang ng linya, hugis o di maunawaang bagay. Ito ay ang malalalim na istilo ng pagguhit na
ang tanging makakaunawa ay mga kapwa makasining na nakapag aral tungkol sa sining.
Subalit karamihan sa gumagawa nito ay hindi isinasaloob ang kahulugan at kulang sa imosyon
at para lamang masabing siya ay malalim. Magiging tunay na sining ito kung buong-buo ang
isipan at damadamin habang siya ay gumagawa at madarama ng titingin ang ibig niyang
ipahiwatig.

3. Tunay na sining - damdamin Ang gawa ng isang batang kahahawak pa lamang ng lapis
ay tunay na sining sa dahilang buong-buo ang isip at damdamin nito habang nagdibuho. Tulad
din ng isang taong naglalakbay na nanlulumong minamasdan ang kalbo at walang
kapunopunong kabundukan, nasa pamamagitan man lamang ng isang sangang tuyo na napulot
ay ibinuhos ang kanyang husay sa pagdedesinyo nito upang sa pamamagintan ito ay buhayin
sa isipan ang kagubatan.

Ang Sining ay Ugnayan Iba-t-ibang klaseng pakikipag-ugnayan. Kahit hangin, ulap, ibon at ang
mga bagay sa panaginip ay nagbibigay pahiwatig sa pamamagitan ng malalalim na kahulugan.
Minsan ang mga espiritu ay nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panaginip at pandama ng
tao. Lahat ng ito ay maaaring maunawaan sa pamamagitan ng pagmamasid at pag-aaral sa
bawat mga galaw nito.

* Impresyanismo - pagsukat sa personalidad ng isang maniningin. Ang style na ito ay


ginagamit sa kaisipan ng tao dahil ito ay may tinatawag na Psychological Effect.
* Expresyonismo - Ang pagpapahayag ng damdamin ng isang makasining sa pamamagitan ng
masining na paggawa.

Malikhaing Pagsulat Sa malikhaing pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi
sapat ang maunawaan lamang tayo ng ating kinakausap. Bagaman maunawaan ang
pangunahing layunin ng komunikasyon.Maintindihan ang pangunahing inaasahan sa lahat ng
anyo at uri ng komunikasyon. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o requirement na higit sa
basta maunawaan lamang. Dalawang bagay, bukod sa pangangailangang maunawaan, ang
pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang maituring na malikhain: Kailangan nitong
maging mapagparanas at makintal. Sa Ingles, ibig sabihin ng mapagparanas at makintal ay
evocative and impressive.

Yugto ng Pagsulat

* Hindi lahat ng manunulat ang nakabubuo ng magandang sulatin sa isang upuan lamang. Ang
isang magandang sulatin ay dumadaan sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa burador hanggang
sa pinal na papel.
* Isang hamon sa mga estudyante ang mga gawaing pasulat. May mga estudyante na
nahihirapan sa gawaing ito sapagkat hindi nila nakasanayan, nakakatamaran, o hindi nila
nakakahiligan ang pagsulat. Ang mga katuwirang ito ay maaaring palagay lamang. Ang totoo
nito, magagawa natin ang pagsulat nang maayos kung susundin natin ang pagsulat na isang
proseso at hindi isang gawain na dala lamang ng pangangailangan.
* Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang
pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng
Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.

a. Bago Sumulat (Prewriting)


• Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa
sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o
nang pangkatan.

b. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)


• Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring
pagkakamali.
• Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng
estudyante.
• Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral
kung nasa klasrum ang gawain.
• Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

c. Pagrebisa
• Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula
sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.
• Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang
suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na
madaling maunawaan ng babasa.
• Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

d. Pag-eedit
• Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap,
wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
• Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di- magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

e. Paglalathala
• Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang
sa gawaing ito ang mga sumusunod:
• Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus.
• Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba.
• Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat.
• Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat.

Proseso ng Pagsulat
• Bago Sumulat
• Kinakailangan maglaan ng panahon sa gawain bago sumulat. Sa yugtong ito, ang isang
manunulat ay makapagtatala ng mga datos na gagabay sa pagsulat ng burador.
• Unang Burador
• Ang ideya ay kailangan nang maisalin sa pasulat na dokumento na maaaring rebisahin
nang paulit-ulit ayon sa pangangailangan.

• Pagrebisa
• Ito ang pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning mapahubog at
mapagbuti ang dokumento.

• Pag-eedit
• Ang pagwawasto ng mga posibleng gamit ng salita, pagbabantas, ispeling at gramar ay
nakapaloob sa huling yugto na ito.

• Pinal na Dokumento

Layunin ng Pagsulat
• Metalingual – ang layunin ng manunulat ay maiwasto ang pagkkamali ng wika o pagsulat
at magkaroon ng pagkatuto sa tulong ng iba o sarili mismo.

• Emotive- may layunin na maipahiwatig ng manunulat ang kanyang nadarama at saloobin


sa pagsulat batay sa mnasaksihang pangyayari, nakitang larawan at narinig.

• Referential – ang manunulat ay maglalahad ng mga proseso at hakbangin ng isang


gawain.

• Persuasive – ang manunulat ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkampi o pagsang-ayon


sa pangangailangan, pagpapaliwanag o argumento.

• Poetic/Creative – layunin ng manunulat na malinang ang kakayahan sa malikhaing


pagsulat tulad ng pagtutuloy ng simula ng isang kwento.

Isaalang-alang ang Target na Mambabasa

- Kinakailangang alamin ang inaasahan ng mambabasa sa isang teksto.


- Tiyakin na makita ng mambabasa ang kahalagahan ng teksto.
- Ang panlasa ng mga mambabasa ay mahalaga upang makita ang bisa nito.

https://www.slideshare.net/mobile/JanetCoden/sining-ng-pagsulat

You might also like