You are on page 1of 33

BALIK-ARAL

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

 1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng


tekstong deskriptibo(FIIPS-IIIb91);

 2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng tekstong


deskriptibo (F11PU – IIIb – 89);
#HUGOTLINES

SIGNAL
Panuto:

1. Kumuha ng isang bagay mula sa iyong bag, ang bagay na ito ay mahalaga para sa iyo.

2. Ibigay ang katangian ng bagay na napili pagkatapos ay ilahad kung bakit ito mahalaga sa iyo.
Basahin ang pahayag at suriin ang
kanilang pagkakaiba.
TANONG

1.Alin sa dalawang pahayag ang madaling


maunawaan.
2.Alin sa dalawang pahayag ang pumukaw sa
iyong pang-unawa at damdamin?
3.Alin sa dalawang paraan ng paglalarawan ang
mas nanaisin mong gamitin?
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
• KAHULUGAN
• LAYUNIN
• MGA ELEMENTO
• URI
KAHULUGAN

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng


mga impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at
paningin, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng
mga detalye na kanyang nararanasan.
LAYUNIN

Ito ay naglalayong makapaglahad ng


kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o
kaya naman ay makapagbigay ng isang
konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o
pangyayari.
MGA ELEMENTO
1. KARANIWANG PAGLALARAWAN
2. MASINING NA PAGLALARAWAN
KARANIWANG PAGLALARAWAN
tahasang inilalarawan ang paksa sa
pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian
nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.
Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na
katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng
obserbasyon.
MASINING NA
PAGLALARAWAN
ito ang malikhaing paggamit ng wika upang
makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa
inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita,
iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang
bagay, karanasan o pangyayari.
PAGGAMIT NG TAYUTAY UPANG MAGING
MALIKHAIN SA PAGGAMIT NG WIKA SA
MASINING NA PAGLALARAWAN.
a. Simile o Pagtutulad – paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay, tao at pangyayari sa pamamagitan
ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara, animo’y at katulad.
Hal. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.

pinaghahambing
b. Metapora o Pagwawangis – tuwirang
paghahambing kaya’t hindi na kailangang
gamitan ng mga salitang nagpapahayag ng
pagtutulad.

Hal. Ang tawa ni Coby ay musika sa tahanan

pinaghahambing
c. Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy sa
paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay
na abstrakto o walang buhay.

Hal.

Naghahabulan ang malalakas bugso ng hangin.

Inilapat sa
Katangian na karaniwang ginagawa ng tao hindi tao
d. Hayperboli o Pagmamalabis – eksaherado o sobra sa mahinahong
katotohanan at hindi dapat kunin ang literal na pagpapakahulugan.

Hal.
Pasan ko ang daigdig sa dami ng problema na aking
kinakaharap.
e. Onomatopeya o Paghihimig – paggamit ng
salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay
na inilalarawan.

Hal.
Dinig na dinig ni Kent ang tik-tak ng orasan.

Ito ang karaniwang


tunog ng relo.
URI NG PAGLALARAWAN
1. Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang
sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi
nakabatay sa katotohanan.

Halimbawa:
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang
kasipagan dahil sa matipunong pangangatawan at
magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.
2. Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa:

Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang


tanawing binabalik-balikan ng mga turistang
nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at
mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa
bansa.
Bilang pagtatasa, tukuyin ang pagkakaiba ng elemento at
uri ng paglalarawan gamit ang Venn Diagram.

KARANIWAN MASINING SUBHEKTIB OBHEKTIBO


O

ELEMENTO NG URI NG
PAGLALARAWAN PAGLALARAWA
N
Basahin ang isang halimbawa ng tekstong
deskriptibo.

 Ang Karanasang ‘Di Ko


Malilimutan
ni Jheru Alselmo Mendoza
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking
pamilya. Ngunit lingid sa aming kaalaman, isang malaking
problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok
sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako
noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng
manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat
kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming
maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita
niyang nalulungkot kami para sa kaniya. Kahit paano ay
mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at
kalungkutan
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya
maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala nang
lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang
katawan dahil nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng
Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan.
Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa, kami lang ang
nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong
araw na iyon ngunit nararamdaman ko na parang malungkot
siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil gusto niyang
maging masaya kami sa araw na iyon.
Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon
na pala ang huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang
lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang
aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang
bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon;
“Anak, huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya
noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na
lang na wala na siya at hindi na siya mahihirapan dahil kung
saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng
Dakilang Ama. https://www.wattpad.com/9047403-essay-ang-karanasang-di-ko-malilimutan
PANUTO: Batay sa tekstong binasa, tukuyin kung anong uri ng
paglalarawan ang ginamit sa mga siniping pahayag.

_____ 1. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong


mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya
ngayon.
_____ 2. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim
na baitang,
nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
_____ 3. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang
kaniyang kaarawan nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at
kami lang ang nagsalu-salo.
. Suriin ang mga pangungusap na sinipi mula sa binasang
pahayag kung ito ay karaniwang paglalarawan o
malikhaing na paglalarawan.
PANGKATANG GAWAIN: Bumuo ng isang
paglalarawan na ibibigay ng iyong guro.
PANGKAT 1 Paglalarawan sa Tauhan: Gawain para sa ga Linguistic.
Bubuo ng tekstong naglalarawan sa tauhan pagkatapos ay ipaliliwanag
sa harap.

PANGKAT 2 Paglalarawan sa Tagpuan: Gawain para sa mga Bodily


Kinesthetic at Musical. Bubuo ng tekstog naglalarawan sa isang lugar at
lalapatan ito ng awit at sayaw.
PANGKAT 3 Paglalarawan sa Mahahalagang Bagay: Gawain para sa
mga Spatial-Visual, kung saan ay bubuuin nila ang larawang pinaghalu-
halo at bubuo rin ng isang tekstong naglalarawan.
PAMANTAYAN
Napakahusay Mahusay Katamtaman ang Kailangan pa ng
9-10 7-8 husay paghahanda
5-6 1-5
Malinaw na malinaw Malinaw na Naipakikita ang Maraming
na naipakikita ang naipakikita ang mensahe sa kakulangan sa
mensahe na mensahe na paglalarawan paglalarawan
ginagamitan ng ginagamitan ng
wasto at angkop na wastong
mga paglalarawan. paglalarawan
 
Sagutin!

1. Ano ang iyong natutunan sa araling ito?


2. Ipaliwanag ang kahalagahan sa pag-aaral ng
tekstong deskriptibo.
3. Ito ba’y magagamit natin sa ating pang-araw-araw
na pakikipamuhay? Bakit?
KARAGDAGANG GAWAIN

1. Magsaliksik sa Internet ng iba pang


halimbawa ng Tekstong Deskriptibo.
SALAMAT SA PAKIKINIG! 

You might also like