You are on page 1of 19

MAGANDANG ARAW SA

INYONG LAHAT!

Presentasyon ng
pangkat 2
“Karanasang batay sa
Pandama/ Pagsulat
batay sa Nakikita,
Naaamoy, Naririnig,
Nadarama at
Nalalasahan”
PANDINIG

PANL
ASA PANDAMA

Ang malikhaing pagsulat ay ang sining ng


pagpapahayag ng mga ideya sa pamamagitan ng
midyum na mga salita. Natatamo ng manunulat ang
tagumpay kapag naisangkot niya ang mambabasa sa
emosyonal na mundo ng tula o kuwento.

PANG-AMOY PANINGIN
Panimula:

Makikita na ang wika ay may kaugnayan sa


limang pandama (senses) at ang lahat ng ito
ay may kaugnayan sa kultura. Mayroong iba't
ibang kahulugan para sa limang pandama -
Paningin, Pandinig, Pang-amoy, Panlasa
at Pakiramdam - mayroon ding iba't ibang
kahulugan para sa mga ito batay sa ating ibig
sabihin.
Mayroon ding ilang mga kategorya kung saan ang mga
salitang ito ay kadalasang ginagamit sa ibang
kahulugan. Ang ilan sa kanila ay naglalarawan ng
isang relasyon o karanasan. Sa partikular na aspeto ng
karanasan, susubukan naming maglista ng iba't ibang
salita at ekspresyon mula sa iba't ibang wika ng
Pilipinas na tumutugon sa relasyon o karanasang ito.
Ang imahinasyon ay isang anyo ng pang-araw-araw na pagtuklas
na dapat nating matutunan. Ang paglalarawan ay inuuri ayon sa
layunin ng pagpapahayag na ibinigay ng kasangkapang
ginagamit natin upang ilarawan ito. May mga pagkakataon na
hindi natin namamalayan na nakakapaglarawan na tayo.
Mayroong tatlong paraan upang maglarawan. Ang paglalarawan
ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya.
Ito ay maaaring tungkol sa mga tao, hayop, bagay, lugar at
pangyayari, ginagamit ito para sa kulay, hugis at anyo at iba
pang pandama (amoy, panlasa, pandinig) na pananalita.
• Batay sa pandama

• Batay sa nararamdaman

• Batay sa observasyon
Uri ng
Paglalarawan

Karaniwan o
Konkretong Teknikal na
Paglalarawan Masining o Paglalarawan
Abstract na
Paglalarawan
Kongkreto /Karaniwan
/Obhetibong Paglalarawan

-nagbibigay lamang ng impormasyon sa


inilalarawan , hindi ito naglalaman ng saloobin o
ideya ng paglalarawan. Ibinibigay lamang nito ang
Karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa
pangmalas ng pangkalahatan.
Masining / Subhetibong
Paglalarawan

-ito'y naglalaman ng damdamin at pananaw ng


sumusulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan
ayon sa kanyang nakikita at nadarama.
Teknekal na Pag lalarawan

-pangunahing layunin ng siyensiya ang


mailalarawan nang akma ang anumang dapat
at kailangan malaman mula sa mundo at
kalawakan.
OBHETIBONG
PAGLALARAWAN

Karaniwan (Obhetibo)
Halimbawa :
• Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang napaliligiran ng mga
karagatan .

Paliwanag :
• Obhetibo ang paraan paglalarawan dahil wala itong sangkot na
damdamin.
SUBHETIBONG
PAGLALARAWAN

Masining
Halimbawa:
• Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang
anak na maputla pa ang kulay sa isang papel.

Paliwanag :
• Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at
pananaw.
Ang Mahalagang Kasangkapan
ng Masiningna Paglalarawan

•Pandama - sa paglalarawan dapat gamiting mga pananalita


ay yaong nararamdaman ng limang pandama. Makukulay at
mahuhugis o maanyo ang dapat kasangkapaning mga salita.

•Paghahambing - Malaki ang naitutulong ng paghahambing


o pagtutulad o pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay-
bagay na inilalarawan. May agwat, may bilang, may kulay,
may anyo, may hugis, may amoy, may lasang nadarama.
•Angkop na salita - kailangang tiyak na katangian ng
bagay na inilalarawan o kung hindi man, yaong
magpapahiwatig ng bagay
•Pagtatambis - ito ay maaaaring salita o mga
pariralang hindi tuwirang tumutukoy, sadyang lumilihis
sa literal na kahulugan.
MGA KATANGIAN NG ISANG
MAHUSAY NA PAGLALARAWAN

1.May tiyak at kawili-wiling paksa

2.Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.

3.Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.

4.Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa


paglalarawan.
Iba't ibang pananaw na magagamit:
a.distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito.

b.kung nasa loob o labas.

c.ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga


ng kanyang karanasan o ng karanasan ng ibang tao.

d.ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.

5.Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin;


pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
6.may kaisahan sa paglalahad ng kaisipang
inilalarawan

7.May tiyak na layunin sa paglalarawan. Mga Uri


ng Paglalarawan.

You might also like