You are on page 1of 16

I.

DALAWANG URI NG
PAGLALARAWAN

1. KARANIWAN- Karaniwan ang paglalarawan kung


nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang
pagtingin o pangmalas.

Sa Karaniwang Paglalarawan: Ang damdamin at opinyon


ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama. Gumagamit
lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang
panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga
partikular na detalye sa payak na paraan
I. DALAWANG URI NG
PAGLALARAWAN

Halimbawa:

Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang


pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi.
Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot
hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang
katawan na binagayan naman ng kanyang taas.
I. DALAWANG URI NG
PAGLALARAWAN

2. MASINING- Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang


buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda.
Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan,
kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at
idyoma.

Sa Masining na Paglalarawan : Ang mga detalyeng inihahayag dito


ay nakukulayan ng imah inasyon, pananaw at opinyong pansariling
tagapagsalalysay. May layunin itong makaantig ng kalooban ng
tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa
naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
I. DALAWANG URI NG
PAGLALARAWAN

Halimbawa:

Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni


Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel
ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni
Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na
bumagay naman sa kainggit inggit niyang
katawan at taas.
II. ANG MAHAHALAGANG
KASANGKAPAN NG MASINING NA
PAGLALARAWAN O DISKRIPSYON

1. PANDAMA
• Imijrio paglalarawan- Pampukaw ito sa mga
pandama kaya dapat gamiting pananalita yaong
nararamdaman, naririnig. nalalasa, naaamoy, at
nahihipo sa paraang ito lalong naiintindihan at
makak awilihan ng mga tagapakinig ang tinatalakay.
II. ANG MAHAHALAGANG
KASANGKAPAN NG MASINING NA
PAGLALARAWAN O DISKRIPSYON

• Kinestetik At Organik — Larawang diwang kinestetik


ang imiji kung naglalarawan ito ng mga sensasyong
may kaugnay sa mga pagkilos ng kalamnan at nerbyos
gaya ng pulikat paninikip ng dibdib at pangangapos ng
hininga na maaring empatyahan ng tagapakinig.
II. ANG MAHAHALAGANG
KASANGKAPAN NG MASINING NA
PAGLALARAWAN O DISKRIPSYON
2. PAGHAHAMBING- Malaki ang naitutulong ng paghahambing o
pagwawangis sa paglilinaw ng mga bagay bagay na
inilalarawang may agwat, may bilang, may kulay, may anyo, may
hugis, may amoy, may lasang nadarama.

3. PAG-AANGKOP NG MGA SALITA- Pinipili ang paggamit ng mga


salita kailangan iyong tiyak na katangian ng bagay na
inilalarawan o kung hindi man yaong maipapahiwatig na bagay.
Dito nakasalalay ang kapangyarihan ng salitang umantig at
kumintal.
II. ANG MAHAHALAGANG
KASANGKAPAN NG MASINING NA
PAGLALARAWAN O DISKRIPSYON
4. PAGTATAMBIS- Ang mga salita, sawikain, o
kawika'ay ang mga popular na idyomang
bukanmbibig na madali sa pagsasalita. Ito'y
maaaring salita o pariralang hindi tuwirang
tunutukoy sadyang lumilihis sa literal na kahulugan
at sa tuntuning pambarila, maaaring pinagtambal na
dalawang salita may kani-kaniyang kahulugan
ngunit medaling napapalitan na nalilikhang
panibago o ikatlong kahulugan.
MGA ELEMENTO NG
PAGTATAMBIS

• SIMILI - parang. wangis, animo'y, tulad ng, gaya ng, tila, mistula.

• METAPORA O PAGWAWANGIS - gaya ng pagtutulad o wala ng


pariralang ginagamit.

• PERSONIPIKASYON O PAGBIBIGAY - binibigyang buhay at kulay


ang mga salita. gumagamit ng matatalinhagang salita.

• APOSTROPI - salitang ginagamit ng taong malayo, hindi na kasama


o kaharap o patay na.

• PAGTATANONG - saan, kalian, paano, bakit.


MGA ELEMENTO NG
PAGTATAMBIS

• PAG- UULIT - mayroong 5 klase ang pag-uulit


1. Aliterasyon- inuulit na salita, unang titik ang inuulit.
2. Anapora- pag-uulit ng salita na nasa unahan.
3. Anadiplosis- parehong salita sa unahan at hulihan ang inuulit.
4. Epipora- pag-uulit ng mga salita sa unahan.
5. Empanodus- pagbalik ng pag-uulit.
MGA ELEMENTO NG
PAGTATAMBIS

• EKSAHERASYON - Pagmamalabis o hyperboly


• PAGHIHIMIG O ONOMOTOPEYA -Kung anong tunong syang
kahulugan
• PAG- UYAM - pag-kutya o paglibak.
• PASUKDOL O CLIMAX - Pinag susunod na salita mula sa
pinakamababa hanggang pataas.
• ANTI-CLIMAX - Kabaligtaran ng climax.
PAGDARAMDAM - Nagsasaad ng matinding damdamin.
MGA ELEMENTO NG
PAGTATAMBIS
• PAGTATAMBIS - Pagsalungat ng mga salita.
• PAGSA SALUNGAT - Pinagsama ang magkasalungat na salita
na may kasamang gilas.
• PAGPAPALIT SAKLAW
A. PABAHAGI - binabangit, nababatid, sinasambit.
B. PAGTUKOY - tinutukoy upang makabatid kabuuan.
• PAGPAPALIT TAWAG - Pinapalitan ang mga katawagan.
• PAGPAPALIT WIKA - Pinapalitan ng salita (pandiwa).
MGA ELEMENTO NG
PAGTATAMBIS

• PAGTANGGI - hindi, ayaw, ayoko.


• PAGSASALAYSAY - naganap o nakalipas na 1
hanggang 3 talata.
• PAGBIBIGAY- ARAL - Pabula, parabola, alamat.
• PAGLUMANAY - piling piling mga salita.
III. MGA HAKBANG NA DAPAT TANDAAN
TUNGO SA MABISANG PAGLALARAWAN

1. Pagpili ng paksa. Kailangan may malawak na kaalaman tungkol


sa paksa, kawili-wili at hindi palasak. Tiyakin sa mapipiling paksa
kung ano ang ilalarawan.
2. Pagpili ng sariling pananaw. Ang kinaroonan ng naglalarawan ay
may kinalaman sa ginagawang paglalarawan. Umaayon ito sa agwat
o layo ng bagay na inilalarawan;
3. Pagbuo ng pangunahing larawan. Mahalagang magbigay muna
ng batayang larawan upang maipakita ang kakanyahan o identidad
na naiiba sa mga kauri ng inilalarawan. Halimbawa ang katandaan
ng isang lugar.
III. MGA HAKBANG NA DAPAT TANDAAN
TUNGO SA MABISANG PAGLALARAWAN

4. Pagpili ng mga sangkap. Ito ay pagsasama ng mga


bahagi o katangian ng isang bagay na makatutulong
upang maging malinaw ang larawan. Ang mga maliliit
na detalye ng paglalarawan ay nakaugnay sa mabuong
pangunahing larawan.
5. Pagsasama-sama ng mga mahahalagang sangkap at
mga maliit na katangian na siyang makatutulong sa
mabisang pagbuo ng larawan.
IV. HALIMBAWA NG TEKSTO O AKDANG
GUMAGAMIT NG PAGLALARAWAN
Tatag ng Wikang Filipino,
Lakas ng Pagka-Filipino
ni Avon Adarna
Ang wika ay apoy – nagbibigay-init, Ang wika ay bato – na siyang tuntungan,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit, Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Ang inang kumalong at siglang umawit, Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Wikang Filipino ang siyang ginamit. Sa bundok o burol, maging kapatagan.

Ang wika ay tubig – na nagpapaputi, May alab ng apoy at lakas ng bato,


Ng pusong may sala at bahid ng dumi, At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Manalangin lamang at saka magsisi, Wikang Filipino’y matatag na hukbo
At patatawarin ng Poong mabuti! Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

Ang wika ay hangin – siyang


bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay,
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

You might also like