You are on page 1of 22

PAGLALARAWAN

3
GROUP 4
PAGSASALAYSAY PAGLALAHAD

PAGPAPAHAYAG

PANGANGATWIRAN PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay isang paraan ng
paglalahad na ang layon ay ipamalas sa
nakikinig o bumabasa ang hugis anyo ng
kabuuan ng isang tao, bagay o pangyayari.

Nararapat na ang naglalarawan ay may sapat


na kaalaman sa bagay na kanyang inilalarawan
sa pamamagitan ng salita .
Mga Kailangan Sa Isang
PAGLALARAWAN
Mabuting Paglalarawan
GROUP 3
1. PAKSA
- Sa palalarawan, kailangan ang pagpili ng
paksang makalulugod sa nakikinig o
bumabasa bukod pa sa pagkakaroon ng sapat
na kaalaman hinggil dito.

2. PAGBUO NG PANGUNAHING LARAWAN


-Sa isang mambabasa o nakikinig ang unang
nabubuong larawan ay ang kabuuan, hugis at
anyo nito bago ang maliliit na katangian.
3. PAGPILI NG SARILING PANANAW
-Bawa’t tao ay may kani-kaniyang sariling
pananaw sa bagay na kanyang nilalarawan
mula sa kanyang kinaroroonan. Dahil dito,
nagkakaiba ang nabubuong larawan ng
dalawang naglalarawan sa iisang bagay.

4. KAISAHAN
- Ito’y nauukol sa pagbanggit salahat ng ukol
sa bagay na kanyang inilalarawan na abot lamang
ng kanyang pananaw. Maisasagawa ito sa pagpili
ng mga maliliit na detalye upang makatulong sa
pagbuo.
Mga Pantulong sa
PAGLALARAWAN
Paglalarawan
GROUP 3
A. Singkahulugan

- Ang isa sa pagpapalawak o pagpapayaman ng


tasalitaan ay sa pamamagitan ng singkahulugan.

- Ito ay ang pagtitipon ng mga salitang


magkakasingkahulugan at pagtitimbang-
timbang ng mga tahas na kahulugan ng bawat isa
upang malaman ang saklaw at abot ng iba sa mga
kasama.
Halimbawa:
1. Maganda ba ang “Philippine Night”na pinanood mo sa
Folk Arts Theater?
2. Isang marilag na binibini ang nakilala ko sa
kumperensyang dinaluhan ko.
3. Marikit si Mia Rose kaya’t maraming tagahanga.
4. Ang artistang hinahangaan ko ay makisig.
5. Si Helen ay tunay na maalindog.
B. Dalawang Kahulugan

- Ang mga salitang ito ay may kahulugang


tahas at pahiwatig.
- Ito ay mga salitang magkapareho ang
baybay ngunit magkaiba ang
pinapakahulugan.

TAHAS – nararanasan ng isa sa limang pandamdam


(panlasa, pakiramdam, pang-amoy, pandinig, paningin)
at may katangiang pisikal.

PAHIWATIG – o matalinghaga. Ito ay mga


ekspresyong may malalalim na salita o hindi tiyak na
kahulugan.
Halimbawa:

Tahas: Ang mga bulaklak sa aming hardin ay


mababango.
Pahiwatig: Ang mga bulaklak sa aming nayon
kahit mahirap ay mahinhin at mayumi.

Tahas: Ang haligi ng aming bahay ay matitibay.


Pahiwatig: Ang ama ay siyang haligi ng tahanan.
K. Pagpaparis ng Magkasama

-Sa paggamit ng mga salitang pagpaparis ng


magkasama, madaling yumaman o lumawak ang
talasalitaan.

Halimbawa:

langit-lupa araw-gabi
liwanag- dilim bata-matanda
dalaga-binata bambak-bundok
D. Magkasalungat o Magkatumbalik

- Ang mga salita ay literal na magkaiba ng


kahulugan o ang mismong kabaligtaran nito.

HALIMBAWA:

Mataas-mababa Malamig-mainit
Maganda-pangit Mabango-mabaho
Mabagal-mabilis Masaya-malungkot
Maputi-maitim Tuwid-baluktot
Mataba-mapayat Mabilis-mabagal
Matangos-pango Matanda-bata
Matangkad-pandak
Dalawang Paraan ng
PAGLALARAWAN
Paglalarawan
GROUP 3
1. Karaniwang Paglalarawan
- Ito ay ang pagbibigay ng mga linaw na larawan sa
nakikinig o bumabasa sa pamamagitan ng mga
karaniwan o palasak na katangian ng bagay na
inilalarawan.
- Hindi ito gumagamit ng mga salitang malalalim at ng
mga sariling palagay ng naglalarawan.
Halimbawa:

Sa dakong itaas, sa libis ng isang bundok sa tabi ng isang batisan

ay may nagkakanlong sa mga punung-kahoy na isang kubo, na balubaluktot

na sanga ang gamit na kahoy. Sa ibabaw ng kanyang bubungang kugon ay

malagong gumagapang ang kalabasang maraming bunga at bulaklak; ang

palamuti ng bahay-bukid na yaon ay mga sungay ng usa, mga bungo ng

baboy-ramo na ang ilan ay may mahabang pangil. Doon tumira ang isang

mag-anak na Tagalog na ang ikinabubuhay ay ang pangangaso at

pangangahoy.

Hango sa “Noche Buena” ni Dr. Jose Rizal


2. Masining na Paglalarawan

- Ito ay ang paglalarawan ng isang bagay hindi lamang ng


kanyang taglay na katangian kundi pati na ang sariling
pagpapalagay o kuru-kuro ng naglalarawan.
- Ginagamitan ito ng matatalinghagang salita o mga tayutay
upang higit na makapag-iwan ng kaintalan sa bumabasa o
nakikinig.
Halimbawa:

Nakapanlulumo ang dagundong ng nag-aalimpuyong tubig sa mga

panahong gayon, mula sa kahinhinan ng katag-arawan ay nagiging mistulang

dambulahang padabogna lumulundag mula sa itaas ng lagaslas at walang

hunus-diling kumakadkad salahat ng bagay na maraan nito sa ibaba, bagay na

nakapagdudulot ng pangambang gumagahis sa katingan ng loob ng sinumang

may balak tumawid.

Mula sa “Dahuyo ng Kalikasan”

ni Cesar Francisco
PAGLALARAWAN
Ang Mga Panuring

GROUP 3
Ang Mga Panuring

- Ang ilan sa bahagi ng pananalita na ginagamit na

panuring ay pangalan, pantukoy, pang-uri, pang-

abay, pawatas at pariralang pawatas.

- Ang pang-uri at ang pang-abay ang

pinakamadalas na ginagamit.
Pang-uri

- Ang pang-uri ay nagpapakilala ng uri, kalagayan


o bilang ng isang pangngalan.
- Ginagamit ito upang maging malinaw at mabisa
ang paglalarawan ng tao, bagay, lunan o pook at
pangyayari na nais ipamalas at ipakita ang
pagkakaiba nito sa iba.

Halimbawa:

Matayog na mithiin
Malakristal na patak ng tubig
Malamig na simoy ng hangin
Malawak na lupain
Pang-abay

- May ilang pang-abay din ang nagbibigay turing sa


pangngalan.

- Ang tunay na tungkulin ng pang-abay ay magbigay

turing lamang sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-

abay.
Halimbawa:
Pang-abay na nagbibigay-turing sa pangngalan.
Pagkaing wala
Gurong narito:
taong sang-ayon
Pang-abay na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
1. Nagbibigay turing sa pandiwa
Mabilis tumakbo
Mahimbing matulog
2. Nagbibigay-turing sa pang-uri
talagang maganda
dating sinungaling
3. Nagbibigay-turing sa kapwa pang-abay
totoong mahusay mag-alaga

You might also like