You are on page 1of 29

Aralin 2

Paggamit ng mga
Pahayag
Katotohanan at Opinyon
“Sadyang nalikha ang larawan upang
iyong makita ang saysay ng
kahapon, ngayon at bukas…
Ang magsisilbing tanglaw ng ating kasaysayan.”

Maria Nicole O. Paraluman
Ang liham ay isang isinulat na mensahe na
naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin na
pinapadala ng isang tao para sa kanyang nais
padalhan.

Uri ng Liham
– 1. liham pangkaibigan
– 2. liham pangangalakal
– 3. liham paanyaya
– 4. liham paghingi ng paumanhin
– 5. liham patanggi
– 6. liham pagtanggap
– 7. liham pakikiramay
Ano-ano ang mga bahagi ng
liham?

– Pamuhatan - dito isinusulat ang tirahan o


– adres at ang petsa kung kailan niya ito isinulat.
– Hal:
– 261 San Pascual,
– Obando, Bulacan
– Ika-19 ng Pebrero, 1992.

– Bating Panimula - ito ay maikling pagbati sa
sinusulatan at ang bantas na ginagamit sa
hulihan ay kuwit.
– Hal: Mahal kong Jade, Sa bating panimula ay
gumagamit ng magagalang na salitang tulad ng
Mahal ko, Sa iyo, Pinakamamahal ko, atbp.
– Katawan ng liham - dito ipinahahayag ang tunay
na dahilan ng pagsulat.
– Bating Pangwakas - dito ay magalang na
nagpapaalam ang sumulat. Ang bating pangwakas
ay nagtatapos sa kuwit.
– Hal: Ang iyong kaibigan, Nagmamahal,
– Lagda – dito binibigyang pagkakakilanlan ang
isang liham kung kanino ito
– nanggaling.
– Hal: Maria Nicole O. Paraluman, Bestie Genesis
Bansang Malaysia
– Ang Malaysia /ma·ley·sya/(Malay: Malaysia,
bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/)
– ay isang bansang binubuo ng labingtatlong mga estado at
tatlong teritoryong pederal sa Timog-Silangang Asya na may
kabuuang sukat ng lupa na 329,847 km2.
– Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito,
samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng
pamahalaang pederal. Ang bansa ay may
populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon. Ang
bansa ay hinati ng Dagat Timog Tsina sa dalawang
magkahiwalay na rehiyon —
– ang Tangway ng Malaysia at ang Silangang
Malaysia. Naghahanggan ang Malaysia sa mga
bansang Thailand, Indonesia, Singapore, Brunei at
sa Pilipinas. Ang bansa ay matatatagpuan malapit
sa ekwador at nakatatamasa ng klimang tropikal.
– Ang pinuno ng estado ay ang Yang di-Pertuan
Agong (na kadalasang tinutukoy bilang 'ang Hari'
o 'ang Agong') at ang pamahalaan ay
pinamumunuan ng isang punong ministro. Ang
pamahalaan ay kahalintulad ng bahagya o
ibinatay sa sistemang parliyamentaryo
ng Westminster.
KASANAYANG GRAMAR NG
WIKANG FILIPINO

– Pagkilala sa Pagkakaiba ng Katotohanan at


Opinyon
– Ano ang katotohanan at opinyon?
Katotohanan

– ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o


pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat
na totoo at hindi mapasusubalian kahit sa
ibang lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-
verify ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga
taong nakasaksi nito.
Opinyon

ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo


pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala
na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong
kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
Sa madaling salita, ang katotohanan ay mga pahayag na
maaaring mapatunayan ng mga ebidensya samantalang ang
opinyon ay mga pahayag na batay sa sariling paniniwala
lamang.
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon, maaaring
gumamit ng mga sumusunod na pananda:

Katotohanan – batay sa resulta, pinatutunayan ni, mula kay, sang-


ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko,
kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin
Positibong Opinyon – totoo, tunay, talaga, ganoon nga,
mangyari pa, sadya
Negatibong Opinyon – ngunit, subalit, habang at samantala
KASANAYANG PANGGRAMATIKA AT
PANGRETORIKA
Iba't Ibang Uri ng Tunggalian

Ang Tunggalian ay ang siyang nagpapaigting


sa paglalahad ng mga karanasang tinipon ng
isang manunulat upang mabuo ang buhay na
kanyang inilalahad.
Tao VS. Tao
Ang Kasawian ng Tao ay gawa din ng kanyang kapwa.


– Halimbawa: Tinalo ni Ruben ang kanyang
katunggali sa larangan ng karate.

Tao VS. Lipunan
Maigting ang pakikibaka ng tauhan sa lipunan o
kapaligirang kanyang kinabibilangan.

– Halimbawa: Ang buong bayan ay nakikiisa


sa pagpapatalsik sa diktador na pangulo ng
bansa.
Tao VS. Sarili
Maigting na pakikibakang pangkatauhan ng
pangunahing tauhan sa kanyang sarili.

– Halimbawa: Ibig niyang sundin ang kanyang


pangarap ngunit nahahadlangan siya ng
kanyang pag-ibig.
KASANAYANG GRAMAR NG
WIKANG FILIPINO

Pahayag na Ginagamit sa
Pagbibigay ng Opinyon
Pagbibigay ng Matatag na
Opinyon

– * Buong igting kong sinusuportahan ang...


* Kumbinsido akong...
* Labis akong naninindigan na...
* Lubos kong pinaniniwalaan...
Pagbibigay ng Neutral na
Opinyon
– * Kung ako ang tatanungin...
* Kung hindi ako nagkakamali...
* Sa aking pagsusuri...
* Sa aking palagay...
* Sa aking pananaw...
* Sa ganang sarili...
* Sa tingin ko...
* Sa totoo lang...
Mga Wastong Gamit ng Salita

– Nang
– bilang pangatnig sa mga pangungusap na hugnayan; ito ay panimula
sa sugnay na di makapag-iisa.
– bilang pang-abay
– sa gitna ng dalawang salitang-ugat o dalawang pandiwa na inuulit.
– Ng
– bilang pananaw sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
– bilang pagpapakita ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Rin at Raw
– Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at
malapatinig na y at w.
Din at Daw
– Kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa y at w.

Subukin
– Kung sumusuri at nagsisiyasat sa uri, lakas, o
kakayahan ng isang tao o bagay.
Subukan
– Kapag gustong malaman kung ano ang ginagawa ng
isang tao o bagay nang palihim.
Pahirin
– Kung ang ibig sabihin ay pag-alis ng isang bagay.
Pahiran
– Kung ang ibig sabihin ay paglalagay ng bagay sa
isang lugar o karaniwan ay sa isang bahagi ng
katawan.
Sundin
– Kapag ang pahayag ay nangangahulugan ng
pagsunod sa payo o pangaral.
Sundan
– Kung ang pagayag ay nangangahulugan na gayahin
o puntahan ang pinuntahan ng iba.

You might also like