You are on page 1of 51

PAKIKIPAGTALASTASAN SA

PAMAMAGITAN
NG PANGANGATUWIRAN
 
PANGANGATUWIRAN ay isang pamamaraan
ng komunikasyon na ginagamitan ng lohiko upang
makaimpluwensya. Ang impluwensyong ito kung
minsan ay naglalayong makapag-patibay sa mga
dating saloobin o aliktud, ngunit kadalasa`y upang
bumuo ng mga bagong saloobin o paniniwala.
MGA URI NG PAGMAMATUWID:

May dalawang(2) uri ng pangangatuwiran: ang


pangangatuwirang pagbuod at ang pangangatuwirang
pasaklaw.
1.Pangangatuwirang Pagbuod (Inductive Reasoning)

-nagsisimula ang panganga-tuwirang ito sa maliit na


halibawa o kaotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na
simulain.
May tatlong(3) paraan ang ganitong uri ng pangangatuwiran

a.Ang pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi -batay ito sa


katotohanang bawat pangyayari ay may sanhi. Ang
pangangatuwiran ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga
o ang patumbalik kaya nito. Ang ating konklusyon ay isang
pahayag na ang isang pangyayari ay bunga ng isa pang
pangyayari.
b. Gumamit ng pagtutulad -inilalahad ditto ang magkatulad na
katangian, sinusuri ang mga ito at ditto hahango ng konklusyon.
Ang konklusyon sa ganitong pagmamatuwid ay masasabing
pansamantala lamang. Upang maging mabisa ang konkulsyon,
kailangang magkaparehung-pareho ang mga katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambing.
c. Gumagamit ng katibayan at pagpapatibay -ang
pagmamatuwid na ito ay nanghahawakan sa mga ebidensya,
katibayan at patunay. Matibay ang konklusyong nahahango sa
ganitong pagmamatuwid.
2. Pangangatuwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)

-ang isang masaklaw na katotohanan ay ikinakapit sa isang tiyak


na pangyayari. Ang anyo ng ganitong pangangatuwiran ay
tinatawag na “solihismo”, isang anyo ng pagmamatuwid na
binubuo ng isang “pangunahing batayan” (PB, majoy premise);
isang “pangalawang batayan” (pb, minor premise) at isang
“konklusyon” (k, conclusion).
Dalawang katangian na dapat taglayin ng isang silohismo: dapat na
maging totoo at mabisa.
-hindi makagagawa ng ano mang konklusyon kailanma`t walang isang
terminong napapaloob sa dalawang batayan. Ito ang tinatawag na
“panggitnang termino”. Ito ay napapaloob sa isa sa mga termino
(panaguri ng punong batayan) samantalang kinapapalooban naman ng
natitirang termino (simuno ng pangalawang batayan).
-Ang terminong simuno ng konklusyon ay tinatawag na
pangalawang termino at ang terminong panaguri ng konklusyon ay
tinatawag na punong termino.
 
Mga Uri ng Silohismo
1.Tiyakang Silohismo- silohismo ito na binubuo ng mga
tiyakang proposisyon. Tiyakan ang proposisyon kung ang
panaguri ay ganap na tinutukoy sa simuno.

halimbawa: PB, Ang mga salarin ay napipiit.


pb, Si Lucio ay salarin.
k, Si Lucio ay napipiit.
2.Silohismong kundisyunal- ang silohismo ay naghaharap ng
isang kundisyon at hinuhulaan ang mangyayari kung ang
kundisyon ay matutupad.

halimbawa: PB. Kung siya ay mag-aaral na mabuti, siya ay makapapasa.


pb. Siya ay nag-aaral na mabuti. A
k. Siya ay makapasa. B

PB. Kung tutulungan ni Leni si Sol, magagawa ni Sol ang takdang-


aralin.
pb. Tutulungan ni Leni si Sol.
k. Magagawa ni Sol ang takdang-aralin.
3.
Silohismong may pamilian- sa uring ito, may
pamimilian sa punong batayan, at sa pangalawang
batayan ay isang proposisyong tiyakan na nagpapatunay
o nagpapabulaan sa isa sa dalawang pamimilian.

Halimbawa: PB. Alin sa dalawa, siya ay marunong o siya ay bobo.


pb. Siya ay hindi bobo.
k. Siya ay marunong.

PB. Alin sa dalawa, siya ay marunong o siya ay bobo.


pb. Siya ay hindi marunong.
4.
Pasakaling Silohismo- ang punong batayan ay pasakali at ang
pangalawang batayan ay isang tiyak na proposisyon, na
nagpapatunay o nagpapabulaan sa konklusyon ng punong batayan.
Ang silohismong ito at ang silohismong kundisyunal sa ibang aklat
ay pinag-iisa na lamang sapagkat nagkakahawig.

Halimbawa: PB. Kung maraming bumabasa sa Noli Me Tangere, ito ay mabuting


aklat.
pb. Maraming bumabasa sa Noli Me Tangere.
k. Ang Noli Me Tangere ay mabuting aklat.
5.Silohismong Entimeme- Silohismong pinaikli ang entimem.
Pinaiikli ito sa pamamagitan ng pag-aalis sa isang batayan o sa
konklusyon.
Halimbawa:
Buong Silohismo: PB. Ang taong duwag ay sinungaling.
pb. Si Lino ay duwag.
k. Si Lino ay sinungaling.
Inalis ang PB (punong batayan):
Si Lino ay duwag
Si Lino ay sinungaling.
Inalis ang pb (pangalawang batayan):
Ang taong duwag ay sinungaling.
Si Lino ang sinungaling.
 
Inalis ang konklusyon?
Ang taong duwag ay sinungaling.
Si Lino ay duwag.
ANG TALUMPATI:

 Ang pagtatalumpati ay sining ng pasalitang pagpapahayag na


ang layunin ay makaakit o makahikayat ng mga nakikinig. Ang
talumpati ay isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
 
 
Kahalagahan ng Talumpati sa mag-aaral:
 Unang-una, natututo siyang mangatuwiran.
 Ikalawa`y nahuhubog nito at napayayabong ang kakayahan
niya sa pamumuno.
 Sa huli, ang kaalaman sa pananalumpati ay magbibigay-
lunas sa pagkakimi ng ilan sa pakikihalubilo sa mga
pagtitipon.
MGA PARAAN NG PAGSASALITA SA MADLA:
1.Pagbabasa sa talumpati- upang maging mabisa ito,
kailangang nabasa na ng maraming ulit ang talumpati. Sa
ganito, magiging madulas na ang pagbasa natin sa mga salita
at maibibigay na natin sa mga bahagi nito ang nararapat na
diin. Dapat tuminging malimit sa madla ang bumabasa ng
talumpati upang maipalagay ng mga ito na sila ay
kinakausap.
 
2.Pagbigkas ng isinaulong talumpati- maaaring isaulo ang
bawat salita sa talumpati o isaulo lamang ang buod ng
isinulat na talumpati.
3. Pagbigkas mula sa isang balangkas- lubusan ding naghanda
ang bibigkas ng talumpati ngunit iyon ay sa patnubay ng
isang balangkas. Sinasabing ito ang inaakalang
pinakamahusay na paraan ng pagbigkas ng talumpati
sapagkat madaling nababago ng mananalumpati ang kaniyang
pahatid-diwa kung hinihingi ng pagkakataon.
4.Pagtatalumpati na walang handa- walang kahanda-handa rito
ang mananalumpati. Batay lamang sa kanyang mga nabasa at
karanasan ang kanyang sasabihin sa talumpating kaugnay sa
pulong o pagtitipong kinakailangan niyang pagsalitaan.

Iminumungkahi sa pagbigkas na ito ang mga sumusunod: 


a. Ayusin ang pasukdol na ayos ang mga paksang sasabihin.
b.Magbigay ng katibayan at katuwiran sa bawat paksa.
c. Ulitin sa pagtatapos ang mga paksa na pinaninindigan.
MGA URI NG TALUMPATI:
1.Talumpating pampalibang- karaniwan ang talumpating ito sa
mga salu-salo, mga pagtitipong sosyal, mga pulong ng mga klub
at mga bangkete.

2.Talumpating nagbibigay-kabatiran- layunin ng talumpating ito


na maipabatid sa mga nakikinig ang isang bagay. Ganitong uri
ng talumpati ang ginagamit sa pagbibigay ng ulat, mga panuto o
kaya`y panayam.
 
3. Talumpating pampasigla- sa anibersayo na pang-alaala, sa
pagtatalaga ng mga gusali, sa pagtatapos sa mga paaralan at sa iba
pang pagkakataong tulad nito ginagamit ang talumpating
pampasigla o panggising ng damdamin o diwa. Ginagamit din ang
talumpating ito sa mga rali at kumbensyon. Dito`y sinasariwa sa
alaala ang magagandang tradisyong dapat na buhayin upang
magpanibagong sigla at lakas ng diwa at isip ang mga nakikinig.
4. Talumpating panghikayat- talumpati itong nagmamatuwid. Angkop
ito sa sermon sa simbahan, sa pagkampanya sa panahon ng halalan,
sa pakikipagtalo, sa talumpati sa batasan o ng talumpati ng abogado
sa harap ng hukuman.

5. Talumpating nagbibigay-galang- kabilang sa mga ito ang


talumpating pagsalubong sa mga bagong kaanib sa isang kapisanan,
sa mga bagong dating na dalaw, talumpating tugon sa talumpating
pagsalubong, talumpating pagtanggap sa isang tungkulin o sa isang
alaalang handog.
 
6. Talumpating papuri- kabilang sa ganitong uri ang parangalan
(eulogy), ang talumpati ng pagtatalaga, ang talumpati ng
pamamaalam, talumpati ng paghahandog at ang talumpati ng
pagmumungkahi.
 
• Ang parangal ay talumpating papuri sa isang namatay, na karaniwa`y
kilala ng mga nakikinig. May pagkakataong ang ganitong talumpati
ay binibigkas kahit na malaon nang mamatay ang pinatutungkulan.
Ganito ang talumpating binibigkas sa araw ng ating mga bayani
b. Ang talumpati ng pagtatalaga ay naririnig kung may isang
bantayog, gusaling bubuksan at bilang parangal sa alaala ng isang
bayaning yumao, pilantropo o dakilang tao. Nararapat na banggitin
ang mabubuting katangian ng taong pinag-ukulan.

c. Talumpati ng pamamaalam, ang talumpati sa paghihiwalay.


d. Binibigkas ang talumpati ng paghahandog sa pag-aalay ng isang
alaala sa isang punong paalis na ng kanyang mga nakasama sa isang
tanggapan o bahay-kalakal. Sa paghahandog ng alaala, ang
tagapagsalita ng pangkat ay magpapahayag ng paghanga sa
hinahandugan sa ngalan ng pangkat.
e. Talumpati ng pangmumungkahi ay ginagawa kung nagkakaroon ng
halalan sa isang kapisanan o sa isang kumbensyon at magpapasok
ng pangalan ng kandidato. Ang lider na nagpasok ng pangalan ay
bumibigkas ng isang talumpati ng papuri sa kanyang kandidato.
PAGSULAT NG TALUMPATI:

May tatlong(3) karaniwang bahagi ang isang talumpati:


pambungad o simula, katawan at ang pangwawakas.
1.Pambungad -ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa
susunod na nilalaman ng talumpati. Naisasagawa ito sa
pagkuha ng mabuting loob ng mga nakikinig. Dapat na
angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati.

2.Ang katawan -narito ang mga katangiang kailangan ng


katawan ng talumpati: kawastuan, kalinawan at pang-akit.
 
a. Kawastuan -kailangang wasto ang buod at anyo ng talumpati. Dapat
na totoo at maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng inilahad sa
paksa. Kailangang may kawastuhang pambalarila at sa pang-araw-
araw na pananalita ang talumpati.
b. Kalinawan -dapat na maging maliwanag ang talumpati upang
maunawaan ng mg nakikinig.

Magagawa ito sa pamamagitan ng:


1)Paggamit ng mga tiyak na salitang nauunawaan ng mga tagapakinig.
2)Pag-iwas sa madalas na paggamit ng mahahabang
hugnayang pangungusap.
3)Huwag tumukoy ng mga bagay na hindi alam ng mga nakikinig.
4)Huwag magpaliguy-ligoy sa pagpapahayag ng paksa.
5)Gawing parang karaniwang pagsasalita ang pakikipag-usap sa madla .

c. Pang-akit -maging kaakit-akit sa katuwiran. Magagawa ito kung


lagging wasto ang pangangatuwiran. Akitin din ang guniguni at
damdamin ng mga nakikinig.
*ang katawan ang siyang kaluluwa ng talumpati .

3. Katapusan -ito ang nagtatapos sa talumpati. Dapat maglaman ito


ng pinakasukdol na paksa ng talumpati. Maaaring ilagay rito ang
pinakamadalas na katibayan at katuwiran upang kumilos ang
mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
MGA DAPAT ASALIN SA ENTABLADO:
1. Ang Tindig. Tumindig nang maginhawa at maluwag. Maging
maginoo sa pagtayo o anyong kagalang-galang.
2. Ang galaw. May dalawang uri ng galaw sa entablado: galaw ng
buong katawan, kung lumilipat sa ibang panig ng entablado; at
galaw ng mga bahagi ng katawan, kung kumukumpas ang
nagsasalita.
3. Ang Kumpas ay galaw ng alinmang bahagi ng katawan na ang
layunin ay maihatid sa mga nakikinig ang isang kaisipan o
damdamin. May dalawang uri ng kumpas: kumpas na kinaugalian
at kumpas na may parang inilalarawan.
Mga halimbawa ng kumpas na nakaugalian:
a. Kumpas na parang may itinuturo. Ginagamit ang hintuturo. Layuning tawagin ang pansin sa bagay na
itinuturo.
b. Kumpas na ang palad ay nakatihaya. Nagpapakilala ito ng pagbibigay o kaya`y pagtanggap.
c. Ang palad na nakataob at ayos patulak. Ito`y pagtanggi.
d. Kumpas ng paggunita. Parang ipinapatong sa balikat ng kausap ang kamay.
e. Ang nakababa ang palad ay nagsasaad ng pagsalungat.
f. Ang nakataas ang dalawang kamay na ang palad ay nasa itaas ay nagsasaad ng kawalang pag-asa.
g. Ang pagbababa ng mga bisig sa tabi ng katawan at parang nawalan ng lakas ay nagsasaad ng kawalan.
h. Ang pasuntok na kumpas ay nagpapahayag ng pakikilabam at matinding damdamin.
*Ang kumpas na mapaglarawan ay ang mga kumpas na pagagad at pagaya, gaya ng ipinakikita ang laki,
korte, haba, lawak o kinalalagyan ng isang bagay.
*Ang mapuwersang kumpas naman ay gaya ng biglang pagpapalakpak, pag-iling ng ulo o pagpadyak ng
paa.
ANG PAGGAMIT NG TINIG:
Ang wastong paggamit ng tinig ay kailangan sa pagtatalumpati.
Napapaloob ditto ang wastong paggmit ng mga labi, dila panga at mga
ngipin at gayundin naman ang wastong paghinga. Dahil sa maling bigkas,
ang kahulugan ng isang salita ay nawawala at ang diwa ng buong
pangungusap ay nagiging alanganin.
Bukod sa wastong pagsasanay sa pagbigkas, upang magkaroon ng
mabuting tinig sa pagsasalita ay kailangan ang kontrol sa paghinga at
huwag tulutang manigas ang leeg at mahigpit ang lalamunan.
May mga katangian ang tinig na maaaring pang-iba-ibahin , at ang mga
iyan ay ang diin, ang tulin, ang taas o baba ng tinig at ang uri ng ating tinig.
Tungkol sa lakas ng tinig, kailangang sapat ito upang marinig ng lahat. Ang
lakas ay maaaring baguhin sa tindi at sa anyo. Ang tindi ay tumutukoy sa
antas ng kalakasan at ang anyo ay sa paraan. Mangyari pa, ang lakas ay
dapat ibagay sa diwang nais ipahayag.
Ang iisang hangad ng pagbigkas ng mga salita ay tunay na nakababagot.
Ang pagbibigay-diin ay ibinabatay naman sa kaisipang ibig na matuon sa
isip ng mga nakikinig, datapwa`t hindi dapat lumabis. Ang diin ay
nararagdagan sa pamamagitan ng bahagyang pagtigil o pag-iiba ng taas o
baba kaya ng lakas ng tinig.
1. Halimbawa: Talumpating Nagbibigay-Galang
PAGSALUBONG SA MGA DALAW 
2. Talumpating panghikayat: (sermon sa simbahan)
DIYOS KO…DIYOS KO…BAKIT MO AKO PINABAYAAN?
Ikaw-4 na Wika ni Jesus sa Krus, Juan 27:26
3. Talumpating Nagbibigay-kabatiran
ISANG WIKANG PANLAHAT PARA SA MGA PILIPINO
Manuel L. Quezon
 
ANG PAGTATALO:
 
Dalawang magkasalungat na panig ang nagkakatuwiranan ukol
sa isang paksang pinagkaisahang talakayin ang pagtatalo.
Samakatuwid, katulad ng pagtatalumpati, sa pagtatalo ay mahalaga
ang kaalaman sa tamang pagmamatuwid. Ang pagtatalo ay
maaaring nakasulat o kaya`y binibigkas. Ang mga Pilipino ay
may isang uri ng pagtatalo na ginagawa nang patula. Ito`y ang
Balagtasan (si Francisco Baltazar ay ang ama ng balagtasan).
Pagpili ng Paksa o Proposisyon

Ang proposisyon ay isang paninindigang inihayag sa isang


anyong pangungusap na nilalayong patunayan ng tagapagtaguyod
nito sa pamamagitan ng mga argumento. Nagsasaad ang proposisyon
ng mga bagay na maaaring tutulan at pagtalunan.
Ang pangkat ng sang-ayon (affirmative) ang nagpapatunay sa
proposisyon samantalang ang paning ng salungat (negative) ang
nagpapabulaan sa proposisyon.
 
Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon 
1. Magkasinlakas na panig ang nagkakasalungatang palagay. Samakatuwid,
walang kinikilingan ang proposisyon.
2. Kailangang hindi gaanong malawak at hindi rin naman gaanong makitid
ang larangan ng paksa.
3. Mahalaga at napapanahon ang paksa.
4. Dapat may mga masasaliksik na mga katibayang batay sa katotohanan.
5. Kawili-wili ito sa nagtatalo at sa mga nakikinig.
6. Hindi pa ito napapagpasiyahan.
7. Mahalagang pagtaluhan.
Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagpapahayag ng proposisyon.
1. Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2. Gawing payak at paturol ang pangungusap na may isa lamang suliraning
patutunayan.
3. Ipahayag na walang salitang mapag-aalinlanganan ang kahulugan.
4. Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.
 
Paghahanda sa Pagtatalo

Ang paghahanda sa pagtatalo ay nangangailangan ng mga hakbang na ito:


 
1. Pangangalap ng kinakailangang mga datos
2. Paggawa ng balangkas
3. Pagpapatunay ng mga katuwiran
 
Pagtitipon ng Datos
Ang pangangalap ng mga kinakailangang datos na gagamitin sa
pagmamatuwid ay dapat na gawin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
tunay na pangyayari buhat sa mapaniniwalaan at napapanahong mga aklat,
sanggunian at magasin.
Dalawang sanggunian ang karaniwang pagkunan ng mga datos: ang ating
sariling pangmasid at ang pagmamasid ng iba na awtoridad sa paksang
pinagtatalunan. Awtoridad kapag dalubhasa ang nagpahayag ng katuwiran o
ito ay pahayag ng isang tao o pangkat ng mga taong may karunungan o
gawain at sila ay iginagalang at kinikilala sa kanilang mga kuru-kuro at
pahayag.
Ang Balangkas ay ang paghahanay ng mga katuwiran. Ito`y masasabing ang
pinaikling pakikipagtalo. Ang mga bahagi ng balangkas ay panimula, katawan
at wakas.
Sa panimula, ihayag ang paksa ng pagtatalo, ang kahalagahan sa kasalukuyan
ng paksa , ang mga kinakailangang pagbibigay-katuturan ng mga talakay o
termino at ang pagpapahayag ng isyu.
Ang katawan ng balangkas ay binubuo ng mga isyung dapat na bigyang-
katuwiran. Pumili ng mga tatlo o apat na isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawa`t
isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o pinapanigan.
Ang wakas ito`y ang mga pangungusap na siyang nagbubuod sa mga isyung
binigyan ng mga patunay, Inuulit dito ang mahahalagang katuwiran na
binanggit sa katawan ng balangkas.
 
Paraan ng Pagtatalo
Ang Oregon-Oxford na uri ng pagtatalo ang madalas na gamiting paraan ng
pagtatalo. Narito ang mga katangian ng paraang Oregen-Oxford.
1. Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat koponan.
2. Walo o sampung minuto ang oras ng talumpati ng bawa`t tagapagsalita.
3. Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minuto ng
pagtatanungan.
4. Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon
naming tatlong sandal ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi, ngunit
limang minute naman ang para sa pagtuligsa at pagbubuklod ng puno ng
bawa`t koponan.
Narito naman ang ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga magsasalita sa pagtatalong ito:
1. Unang tagapagsalita (sang-ayon) pagtatanggol sa panig.
2. Unang tagapagsalita (salungat) pagtatanong.
3. Unang tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
4. Unang tagapagsalita ng sang-ayon (magtatanong).
5. Ika-2 tagapagsalita ng sang-ayon (pagtatanggol sa panig).
6. Ika-2 tagapagsalita ng salungat (magtatanong).
7. Ika-2 tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
8. Ika-3 tagapagsalita ng sang-ayon, magtatanong.
9. Ika-3 tagapagsalita ng salungat, talumpating ganting-matuwid (rebuttal speech).
10.Ika-3 tagapagsalita ng sang-ayon, talumpating ganting-matuwid.
Mga Dapat Malaman sa Pagtatanong:
1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo at
hindi.
2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang
nagtatanong.
3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa
pagtatanong.
4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong
niya.
5. Kung lumabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong
ipaalam sa tagapangasiwa ng pagtatalo.
Mga Dapat Banggitin sa Pagtuligsa (Rebuttal)
1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban.
2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.
4. Ipaalam na labas sa buod ang katuwiran o katibayan ng kalaban.
5. Magtapos sa pagbubuklod ng sariling mga katuwiran at katibayan sa
sariling buod
SALAMAT PO!

You might also like