You are on page 1of 18

FILIPINO 9

Elehiya at Awit
Tala ng Gawain
■ Routines
■ Panimulang Gawain
- Pagganyak
■ Pagtalakay
– Awit at Elehiya
■ Pangwakas na Gawain
– Forum / Repleksyon
Layunin ng Pagtalakay
■ Nauunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng Awit at Elehiya bilang
isang akdang pampanitikan

■ Nakapagbabahagi ng sariling opinion at damdamin tungkol sa paksa.

■ Nasusuri ang isang halimbawa ng Elehiya batay sa nilalaman nito.


Mahalagang Tanong:

Bakit mahalagang sariwain at pag-alayan pa


rin ng pagdakila ang mga taong namayapa na
sa pamamagitan ng isang tula?
PAGTALAKAY
Elehiya at Awit
Awit o Dalitsuyo
May paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati
ng isang mangingibig.
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?

Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Elehiya o Dalitlumbay
Tulang may dalawang katangiang pagkakakilanlan. Una, ito ay
isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao,
ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa aking paanan ay may isang batis,


maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Pastoral
Ang tunay na layunin ay maglarawan ng tunay na buhay sa

bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang


kinagigiliwang paksa sa tulang liriko.
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo’t kalabasa


At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.
Oda o Dalitpuri
sa makabagong panulaan ay isang uri ng tulang
liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at
marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o
kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang
taludturan.
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
alipatong nagtilamsik, alitaptap sa kadimlan;
mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang
tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral


nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
nang lutuin mo ang pilak ang salapi a lumitaw,
si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon'y nagyayabang.
Dalit o Dalitsamba
Isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang
maikling tulang liriko na nilikhang may
aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong
wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na
taludturang may apat na taludtod bawat isa.
Soneto
tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang
walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring
nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa
malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
Soneto
Ang sumusunod namang mga saknong ay nagsasaad ng katuturan at
kahalagahan ng sinasabi ng walong unang taludtod. At ang huling
taludturan naman ang siyang pumapawi sa isinasaad ng sinundang
taludtod. Mahalagang malamang ang isang soneto ay hindi basta lamang
tula na binubuo ng labing-apat na taludtod sa halip ito ay naghahatid ng
aral sa mga bumabasa.
Ang tao'y iniaanak, nabubuhay, namamatay. . .
sa dalawang unang likha ng Bathalang mapagkapal,
di na mabilang ang angkang naging bansa't bayang
di mapigil sa pagdaming bula-bulang katauhan.
ang mga hiblang-hininga'y mayroon ding kaduluhan
at napakamalagutin sa gutom, sakit, patayan.
bawat ianak sa mundo'y silangang nanganganluran.
bakit? bakit? ang tao ba'y binuhay upang mamatay?
sa bulag, ang sagot dito'y may hilakbot na pangmalay;
sa dilat, ang tugon dito'y may liwanag na dalisay
na nagsasabing ang tao'y sa libingan nabubuhay.
sa talaagham ng Bathala ay buhay na walang-hanggan
ang bigay na gantimpala sa ganap na kamatayan;
sa pagmamahal Bathala ng lihim ng katotohanan.

You might also like